C11

2K 123 13
                                    

#ILAMPagtataka

      There's a lot of weird thing happened this past few days. As in sobrang weird. Nung una, nagkatay siya ng native na manok at nagsibak ng kahoy kahit may gasul naman saka chicken sa ref. Pangalawa, naging taga hatid sundo siya nila Elha at Cyndjie sa school. Taga plantsa ng uniform, taga prepare ng baon. Samantalang may Yaya naman yung dalawa at may driver naman na nagsusundo't hatid sa dalawa. Pangatlo, ipinaglaba niya ng damit lahat ng maids pati driver namin. At ang pinaka weird ay yung lagi niya akong binabalot na parang lumpia, kapag gusto kong mag ano.

       Grabe! Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa utak ni Cyndjie. Kung bakit niya ginagawa yung mga weird na bagay na yon. Minsan gusto ko nang itanong sa kanya kung bakit ganun nalang siya kaactive para makipagbayanihan. Na sobrahan na yata siya sa bait. Ilang beses ko na ngang sinasabi kay Mama Althea ang mga pinaggagawa ni Cyndjie, pero parang okay lang sa kanya. She said na baka daw bumabawi lang ito sa mga panahon  nawala siya. Hindi ko pa rin maintindihan. She wants to marry me. Kaya ba ganito nalang niya patunayan sa akin na deserves siya pakasalan? I asked myself. Pero kahit naman hindi niya gawin ang mga weird things na'to pakakasalan ko naman siya.

      "Asan kaya si Elha?" tanong niya habang papasok kami ng bahay.

       "Baka nasa kwarto na niya." i replied. Didiretso sana kami sa kusina dahil magpapahanda ako ng pagkain kay Manang. Kakagaling lang namin sa factory inayos niya yung mga telang idedeliver. Pinigilan ko nga siyang magbuhat ng malalaking rulyo ng tela, pero hindi siya nagpapigil. Kaya ayan, pagod na siya.

       "Pupunta ka ba sa taas? Pakitawag naman oh?" pakiusap niya.

       "Bakit?"

       "Nangako kasi ako sa kanya na tuturuan ko siyang magguitara."

      "Cyndjie pagod ka na. Next time na lang."

      "Promise is a promise and I don't want to disappoint your sister. Besides, I'm not tired." sagot niya.

      "Pero ang dami mo kayang binuhat na rulyo ng tela sa factory." I answered back. Hindi naman pwedeng abusuhin niya ang sarili niya. Kung hindi siya napapagod. Ako ang napapagod para sa kanya.

       Lumapit siya sa akin, smiling. "Rhi, pagdating sa pamilya dapat walang kapaguran." sabi niya tapos pinitik ng marahan iyong ilong ko. "Sige na, call your sister."

        Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Elha. I tried knocking pero walang sumasagot kaya naman binuksan ko na iyong pinto. Pagpasok ko nakita ko na natutulog si Elha. Sabagay sabado ngayon at walang pasok, they need a rest. Agad akong bumaba para sabihin kay Cyndjie na tulog si Elha nang magring ang phone ko.

       It's Iyah.

      I immediately answer her call.

      "Iyah?"

      "Ms.Shane remind ko lang po yung meeting niyo mamaya 2pm."

      "Shit!" i uttered."Iyah buti nalang at pinaalala mo. Sige magbibihis na ako." sabi ko at agad inend yung call. Ayan, nakalimutan ko tuloy yung tungkol sa meeting ngayon 2pm. Kakasunod at kakapigil sa mga ginagwa ni Cyndjie. Gusto ko lang kasi na lagi akong nakabantay sa kanya. Mahirap na baka may makasalisi pa.

        Hindi na rin kasi nagpaparamdam si Sandy, at yon ang sobra kong ipinagtataka. Baka kasi may ginagawa lang siyang pang gulat para guluhin ulit kami. Kaya natatakot ako kapag hindi ko nakikita si Cyndjie. Kaya naman 24/7 nakabantay ako sa kanya. Minsan nga kulang pa. At kulang nalang itali ko siya sa akin nang hindi na kami magkahiwalay pa.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon