TULA MULA SA LUHA
Tula na isinulat ni Yucca Lily
Ganun ka siguro talaga para sa akin
Isang tula na masarap bigkasin
Noon pa man, noong tayo pa
Hanggang ngayon kahit wala na
Kahit anong tungkol sa 'yo, sa tula ko gustong ilagay
Kahit anong salita kasi ang gamitin, para sa 'yo babagay
Kahit mga salitang sadyang masakit sa pakiramdam
Nagmimistulang hangin na hindi pansin ng mata 'pag dumaan
Kahit mga salitang nagpapalaho ng pag-asa
Nagmimistulang buhos ng ulan sa tagtuyot na lupa
Kahit mga salitang hindi na madalas gamitin
Korni na kasi at hindi na "in"
Nagmimistulang mga bulaklak sa malawak na hardin
Humahalimuyak ang amoy at kaaya-aya sa paningin
Oo, ganoon ka para sa 'kin
Oo, ganoon ka pa rin
Ang totoo ay mas naging madalas pa nga
Noong ang "tayo" ay natapos na
Ang pag-usbong ng mga salita at parirala
Ay parang puno ng ubas na ang bunga ay sagana
Na kahit ang dalamhati ay kaya kong itugma
Sa mga letrang nabubuo ng aking mga luha.
![](https://img.wattpad.com/cover/59843749-288-k938342.jpg)
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue (Tagalog & English Poems)
Poetry"Out of the Blue" is a compilation of relatable (well, I assume na makaka-relate ang kung sino man ang makakabasa, kung meron, assumera ako) tagalog and english poems I've written, in different types and forms. Lol. Why "out of the blue"? Because it...