KAPE, PAGKAIN, AT KANTA
Tula na isinulat ni Yucca Lily
Mabilis pa sa alas-kwatro no'ng sinabi niyang ayaw na niya
'Di mo akalain na hanggang doon nalang, the end na
Akala mo joke time lang, reality na pala
Pero 'di ka naman na dapat nagtaka
Dahil sa kabilang banda, gano'n ka rin naman, 'diba?
Yung kape mo na nakasanayan mo na tuwing umaga
Pati tanghali, kahit gabi, minsan pati meryenda
Kapag talaga sumusobra, kailangan itigil na
Palpitation na kasi ang epekto, baka ikamatay mo pa
Kaya Milo nalang, pati gatas patusin mo na
Yung paborito mong pagkain
Kapag araw-araw mong kinain
Mauumay at mananawa ka
Mapapasabi ka pa, "huling bili ko na"
Maghahanap ka nalang ng ibang mangangata
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue (Tagalog & English Poems)
Poetry"Out of the Blue" is a compilation of relatable (well, I assume na makaka-relate ang kung sino man ang makakabasa, kung meron, assumera ako) tagalog and english poems I've written, in different types and forms. Lol. Why "out of the blue"? Because it...