FORGIVE AND FORGET
Tula na isinulat ni Yucca Lily
Alam mo bes, kaya ka nahihirapan?
Dahil marami kang kinikimkim sa 'yong kalooban
Minsan kasi, kailangan mong magpatawad at lumimot
Magpatawad sa mga taong sakit lang ang idinulot
Kaya mong gawin yun kahit hindi ka Diyos
'Wag mo na kasing bilangin yung mga salitang tumagos
'Wag mo nang isa-isahin yung mga naging kasalanan
'Wag mo nang isipin kung ano yung tunay sa kasinungalingan
'Wag mong sabihin na 'di mo kaya, madali lang kapag ginusto
Subukan mong alisin yang galit sa puso mo
Lumimot ka kahit wala kang amnesia
Mawawala yang sakit, 'di mo na kailangan ng anesthesia
Hindi mo naman kailangan kalimutan na nakilala mo siya
Imposible yun bes, pwera nalang kung mabagok ka
Yung feelings lang naman ang dapat mawala
'Di mo kailangan magmadali, "take your time", ika nga
Sa ngayon, "feel the pain 'til it hurts no more"
Hanggang sa ang tadhana sa 'yo naman pumabor
Self-help din bes, 'wag ka na maging hopia
'Di porque libre ang pag-asa, sasayangin mo na
Tama na, the end na eh, 'wag mo na dugtungan
Kung gusto mo ng second chance, sa sarili mo nalang ilaan
I-keep mo yung lesson learned, the rest kailangan mong itapon
Tapos, accept and let go so you can move on.
![](https://img.wattpad.com/cover/59843749-288-k938342.jpg)
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue (Tagalog & English Poems)
Poetry"Out of the Blue" is a compilation of relatable (well, I assume na makaka-relate ang kung sino man ang makakabasa, kung meron, assumera ako) tagalog and english poems I've written, in different types and forms. Lol. Why "out of the blue"? Because it...