Chapter Fifteen

73.3K 958 113
                                    

It's already ten in the evening. Tahimik na ang paligid. Ang mga magulang ko ay nasa loob na ng kanilang kuwarto at payapang natutulog. While I'm still in the garden, nagkakape. Ayokong pumasok sa aking kuwarto dahil nandoon si Tyler. I cannot make up an excuse to my parents para lang hindi kami magkasama sa iisang kuwarto, they will see it as weird. Siguro ay sa sahig na lamang ako matutulog para maging komportable naman ang tulog niya. He's tired from work, he needed a good night sleep.

"Kanina pa kita hinihintay."

Muntikan kong mabitawan ang hawak kong tasa nang may magsalita galing sa aking likuran. When I look back, I saw my husband standing. Nakadamit pantulog na siya, a white shirt and a pajama. Am I crazy for thinking that he still look hot despite wearing a simple clothing? Tumikhim ako.

"Nagkakape pa kasi ako."
Tugon ko at ipinatong sa lamesa ng tasa. Tyler pulled the chair in front of me. Ngayon ko lamang din napansin na may hawak siyang kape. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa akin. 

Seeing him now made me remember what my father told me earlier. Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. I didn't do anything wrong dahil wala rin naman akong kaalam-alam sa plano ni daddy pero pakiramdam ko ay naging parte parin ako ng planong iyon. Because I like Tyler.

"M-Mauuna na ako sa taas Tyler."
Nauutal na sabi ko at dinampot ang tasa.

"Iniiwasan mo ba ako?"

Natigilan ako sa akmang pagtayo nang marinig iyon. Hindi ba halata at kailangan mo pang tanungin?

"Quit acting like you're embarrassed around me."
Nakunot-noong sabi ni Tyler.

"I'm not acting! Nahihiya talaga ako!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang sinabi. What did I just say? I shouldn't be answering him like that! Maski si Tyler ay mukhang nagulat dahil sa naging kasagutan ko. Of course he would. Kahit kailan ay hindi ko siya pinataasan ng boses at kahit kailan, kapag sinisermunan niya ako ay hindi ko siya nagawang sagutin. Maybe it was because of the fact that we're at my parents house and I kind of feel safe, hindi niya ako magagawang saktan kapag nandito ako.

"Why? I am your husband."
Ani Tyler nang makabawi siya sa pagkabigla.

Nag-iwas ako ng tingin. And now he has the guts to tell me that he's my husband after everything that I went through. After all the sadness that I have to endure para lang hindi niya ako saktan physically. Pagkatapos niyang ulit-ulitin na sabihin sa akin na hindi ko siya asawa, hawak ko lang ang apelyido niya dahil pinilit siyang maikasal sa akin. Ngunit sa totoong pagkahulugan ng salitang iyon ay hinding-hindi ko siya matatawag na asawa. And now, he's telling me that I shouldn't be uncomfortable around him because he's my husband? 

"And you even told your mom that I'm not feeding you."

Nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon. I never said that!

"Wala akong sinasabing ganoon."
Mahinahon kong sagot kahit pa sa loob ko ay natatakot ako sa posibilidad na baka saktan na naman niya ako kapag nakauwi na kami sa bahay. Sinamaan niya ako ng tingin pero wala naman siyang sinabi.

Humigpit ang hawak ko sa tasa ng kape. The silence between us is overwhelming. Wala rin naman akong masasabi sa kaniya that's why I chose to shut my mouth. I'm thinking of leaving but I'm afraid to talk. Baka masamain niya ulit kapag umalis ako. Walang nagsasalita sa aming dalawa, he's sipping on his coffee while staring at me which made me conscious. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha kaya hindi ko alam kung anong iniisip niya. Is he judging me or he's just staring at me?

"Aaron is offering you a job."

Napakunot-noo ako. Akala ko ba hindi ako puwedeng lumabas ng bahay?

"But I said no."

Tumango-tango ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Akala ko ay papayag siya dahil kaibigan naman niya ang nag-aalok. Gustong-gusto kong lumabas. I'm getting so bored staying inside the house all the time. 

"Do you want to work?"
Seryosong tanong niya. Nag-aalinlangan akong tumango.

"Medyo nakakaramdam kasi ako ng boredom sa bahay."
Sagot ko.

"You can work under Atlas Ventures. "

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"B-But I don't know anything about business." 

Kumunot ang noo niya.

"I thought you're a Business Ad graduate?"

Nag-iwas ako ng tingin. Totoong nagtapos ako ng kursong Business Administration pero kulang pa ako sa practical skills. And it's not really my passion, kinuha ko lang iyong kursong iyon dahil paulit-ulit sinasabi ni daddy na balang araw ay ako ang magmamana ng kompaniya. 

"I am but I don't think I can handle it. Baka mas lalong malugi ang kompaniya kapag ako ang namahala."

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti.

"Who said that you'll be managing it?"

Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa tanong niya.

"Hindi ba?"
Tanong ko.

"I'm not dumb to let an inexperienced woman to manage the company."

Napayuko ako. Ano-ano kasing iniisip ko. Nakakahiya.

"Edi ano palang gagawin ko roon?"

It took him a minute to answer.

"Pag-iisipan ko pa."
Aniya pagkatapos ay tumayo na. Matutulog na siguro.

"Sumunod ka na sa kuwarto. Maraming lamok dito."

I wasn't able to answer. Was he worried about me? Maybe? Or maybe he's still acting? Baka kapag nakauwi na kami sa bahay ay saka niya ipapadama ang galit niya sa akin. I stayed in the garden for another ten minutes before I decided to go upstair. Inaantok na rin ako. I took a deep breath before I opened the door of my room. Pagpasok sa loob ay tanging ang lamp shade na lang ang nagbibigay ilaw sa buong kuwarto. Napakunot-noo ako nang walang makitang Tyler sa ibabaw ng kama.

Where is he? Akala ko ba ay nauna na siya? 

Dumako ang mata ko sa lapag. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahiga roon si Tyler. Tanging kumot lamang ang nagsisilbing pagitan niya sa kaniyang katawan at sahig. Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya.

"Bakit diyan ka natutulog?"
Tanong ko. He look at me with disbelief.

"Why? First time mo makakita ng taong sa sahig natutulog?"

Natigilan ako. It's not the first time pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang sa sahig nakahiga. Yes, it's weird for me. I didn't expect it. 

"If you're still acting, you don't have to do this. Hindi naman na tayo makikita nila daddy dito. Ako na riyan sa sahig. I know that you're tired."

He didn't answer for a minute. Para bang pinag-iisipan niya ang isasagot.

"Tsk."

He turned his back against me. Nagtaklubong din siya ng kumot.

"Take the bed. It's cold here. Matulog ka na, maaga pa tayo bukas."

I wasn't able to react. Is he for real? Hindi na lamang ako kumibo dahil ayaw kong makipagtalo sa kaniya. Baka mamaya ay bigla siyang magalit dahil makulit ako. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama. Napagod din ako kahit wala naman akong ginawa kaya naman ay kaagad akong nahiga. But the thought of my husband sleeping on the floor makes me uncomfortable. Kung tutuusin ay magkakasiya naman kami sa kama pero ayaw ko siyang tawagin dahil mas lalo akong hindi komportable.

"Goodnight Tinsley."

I flinch when I heard his voice. Hindi ko alam kung lilingon ba ako sa kaniya para sagutin siya o magkunwari na lang akong nakatulog na. I chose the latter. Pagkalipas ng ilang minuto, dahan-dahan akong bumangon upang silipin kung nakatulog na ba siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang mahimbing naman ang tulog niya. He look so innocent when his eyes are close. Parang hindi niya kayang manakit, physically or verbally.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon