Chapter Twenty-four

69.8K 941 45
                                    

"Is this her?"

Kinabahan ako nang i-head to toe ako ng lalaking kaharap ko. Hindi pa naman siya ganoon katandaan. I think he's in his thirty's. Evelyn told me that he's the one who judge kung maaring mag-training ang isang tao under their management or not. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang inikot niya ako.

"Fine. We'll line her up today."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. Pumasok kami sa isang malawak na kuwarto. It's like a practice room with four wall mirrors. May iba pang sampung babae sa loob na nag-eensayo. They were walking when we entered. Natigilan lamang sila nang mapansin ang pagpasok namin. They greeted the man that we are with in unison.

"This is Tinsley. Starting today, she will be traning with you."

Tinignan ko isa-isa ang mga babae. Lahat sila ay matatangkad at magaganda. Their aura tells me that they have been modelling for quite some time now. Bigla akong nanliit para sa aking sarili. Bakit ba ako nandito? I shouldn't be here.

"Hello."
Pinilit ko ang sarili kong ngumiti at bumati. I was expecting for them to do the same pero hindi nila ginawa. A girl with high pony tailed haired and a bangs was the only one who smiled at me pero hindi naman siya bumati pabalik. Binalingan ako ng lalaki kanina.

"Practice with them for a while. I will see you in few minutes."

I smiled and nodded.

"Yes sir."

Lumingon ako kay Evelyn. Tinanguan niya lamang ako, as if encouraging me to do what the man said. Tumango rin ako at unti-unting lumapit sa mga babaeng nagsimula na ulit sa ginagawang paglalakad.

I look at my seven inch sandal. Sanay na rin naman akong magsuot ng mga ganito dahil palagi naman akong nagheheels sa tuwing may event ang pamilya kong kinakailangan ko ring daluhan. Hindi nga lang ganito kataas but I get the idea. Pinapanood ko lamang silang maglakad. Tama nga ako, mukhang may mga experience na ang mga ito. Bakit kay hindi na lang sila nag-audition? Mukha namang magagaling na silang lahat. Nakakahiya naman sumabay at tumabi sa kanila.

"Tinsley! What are you doing?! Sumabay ka sa kanila!"

Napapitlag ako nang marinig ang sigaw na iyon ng lalaki. Lumingon ako sa gawi niya at nakitang siya na lang ang nasa puwesto namin kanina. Wala na si Miss Evelyn. Marahil ay umalis na siya dahil naihatid naman niya ako.

Dahil natatakot na muling masigawan ay nagpasiya akong sabayan sa ginagawang paglalakad ang mga modelo. I don't have any experience in modelling kaya hindi ko magaya ng maayos ang lakad nila. Mukhang ngang normal na lakad lang ang ginagawa ko eh. After ten minutes of walking ay tinawag na kami ng lalaki. We all stood up in a straight line, facing him.

"My name is Mhel and this girl beside me is Darcy."

Tinignan naming lahat ang katabi niyang babae. She has a short hair, hindi man lamang iyon lumagpas sa kaniyang balikat. She's tall kahit pa hindi siya nakasuot ng heels. She's looking at us intently, mukhang walang balak na ngumiti.

"She will be your mentor in walking. As you all know, Avant-Garde specializes in ramp that's why I am expecting that you will all be good at it."

Ay bagsak na ako kaagad. Tinignan ako ni Mhel. Napalunok ako.

"Have you tried modelling before?"

Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko kaya alam kong sa akin siya nakatingin.

"N-No. I was scouted on the streets."

He nodded again. Lumingon siya kay Darcy.

"Tutukan mo siya."
Aniya pagkatapos ay muling tumingin sa akin pero wala naman siyang sinabi.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon