Chapter Two

83.2K 1.3K 109
                                    

"Damn it! I told you not to leave this house! Why can't you follow simple instructions?!"

Kasabay ng pagpikit ko ay ang sakit na naramdaman ko ng sampalin ako ng malakas ni Tyler. I just go out for a while and I didn't expect na maagang makakauwi si Tyler. Nagulat na lamang ako ng madatnan ko siya sa sala na nakaupo at masamang nakatitig sa akin.

Never in my wildest dream that I've imagined him to be like this. Noong ikinasal kami ay maayos siya. He treated me with respect. Maybe it was an act to fool everyone? Sabagay, business partners nila ang karamihan sa bisita namin. He cannot afford to act rude and lose them.

"T-Tyler."

Pagmamakaawa ko pero tinignan niya lamang ako ng masama bago hinila ang buhok ko at hinila palabas. Napa-aray ako dahil sa sakit na nararamdaman pero parang walang naririnig na nagpatuloy siya sa paghila sa akin. Nahintakutan ako ng huminto kami sa tapat ng drum na nasa garden.

"You know what? I should have done this before."

Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang ilublob ang ulo ko sa drum. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin. Nang iahon niya ang ulo ko mula sa drum ay kanda ubo ako.

"Ty---"

Hindi ko naituloy ang pakiusap ko ng ilublob ulit ni Tyler ang ulo ko sa drum. This time ay mas matagal. Pinilit kong manlaban pero nanghihina ako at mas malakas siya sa akin. Panic is starting to attack me ng maramdaman kong nauubusan ako ng hininga. Hinihingal ako ng sa wakas ay iahon na niya ang ulo ko mula sa drum sa pangalawang pagkakataon.

"If you don't want to die, follow all my instructions. Don't leave this house!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay itinulak niya ako at dahil sa panghihina ay madali akong napaupo. Kaagad namang pumasok si Tyler sa loob ng bahay habang ako ay naiwang umiiyak. Umpisa pa lamang ito but I felt like giving up. Ang pumipigil na lamang sa akin ay ang mga utang ng aking ama.

"Anong tinutunga-tunganga mo riyan? Cook dinner!"

Kahit hinang-hina ay pinilit kong tumayo kasabay ng pagpunas ko ng luha ko. He might hurt me again if he sees my tears. Mabilis akong pumasok sa bahay at dumiretso sa kusina. Mamaya ko na lamang aayusin ang sarili ko dahil baka kapag hindi pa ako nagluto ngayon ay sasaktan na naman niya ako.

Mabilis kong inihanda ang mga ingredients para sa lulutuin kong adobo. Napapitlag pa ako nang marinig ang boses ni Tyler na nasa likuran ko.

"Move faster! Gutom na ako!"

Pinakiramdaman ko siya at alam kong naupo siya sa upuan dito sa kusina.

"Y-Yeah."
Sagot ko at binilisan ang paggalaw. Habang nagluluto ako ay nanginginig ako dahil sa takot kay Tyler. I know he's watching my every move and I felt like he's ready to kill me when I make a mistake.

"Dapat kasi bago ka lumandi, magluto ka muna."

Napakagat-labi na lamang ako upanh pigilan ang pag-hikbi. Pagkatapos ng ilang minuti ay naluto na din ang adobo. I fixed the utensils infront of him pagkatapos ay pinaghain ko na siya. Akmang uupo na ako sa isang upuan ng pigilan niya ako.

"You stay there."

Natigilan ako at napatayo ng tuwid. Gusto ko mang tumutol, alam kong sasaktan niya lamang ako kapag ginawa ko iyon, isa pa wala akong laban sa kanya. Gutom ako pero pinilit ko na lamang tiisin ang gutom. I tried diverting my attention from the food so that hindi ako masyadong makaramdam ng gutom. Napangiti ako ng sa wakas ay natapos na din sa pagkain si Tyler. Tinignan ko siya ng tumayo, bahagya pa akong napakunot-noo ng tumayo siya kasama ng mga pagkain. Nanlaki ang mga mata ko ng itinapon niya lahat ng natira niya sa basurahan.

"T-Tyler."

Nanlalaki ang matang sabi ko. Nakangising lumingon siya sa akin.

"What?"
Nakangising tanong niya, napaiwas ako ng tingin.

"You're hungry?"

Napakagat labi na lamang ako at dahan-dahan na tumango.

"Is that a problem? Edi magluto ka ulit."

Pagkatapos ay nilampasan na niya ako at pumunta sa itaas. Napayuko ako nang maramdaman ang pagbabadya ng luha ko. Don't cry, you're better than this. Gustuhin ko mang magluto ng makakain ko ay hindi ko na magawa dahil nagkandapaso-paso ang kamay ko kanina dahil sa pagmamadali sa pag-aalalang magalit sa akin si Tyler kapag babagal-bagal ako.

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinimulang hugasan ang pinagkainan ni Tyler at ang pinaglutuan ko kanina. Pagkatapos kong ayusin ang kusina ay umakyat na rin ako papunta sa kuwarto ko. Magkahiwalay kami ng kuwarto ni Tyler. I use the guest room while he uses the master's bedroom. Ayaw na ayaw niya kasi akong makatabi, kasi nga daw malas lang daw ako sa buhay niya, kung hindi daw dahil sa letseng kasal na ito hindi sila maghihiwalay ng fiancée niya. Gustuhin ko mang depensahan ang sarili ko ay wala akong magawa, pinangungunahan ako ng takot at pangamba. Sa tingin niya ba hindi ako nagui-guilty knowing na may isang relasyon akong nasira? But I didn't mean it, kailangan ko lang gawin. I love my dad and I can't forgive myself kapag nakulong siya ng wala man lamang akong nagagawa.

Akmang bubuksan ko ang pintuan ng guest room nang makita ko si Tyler na palabas ng kuwarto niya. Napakunot-noo naman ako, gabing-gabi na, saan pa siya pupunta? Nagalinlangan pa ako kung lalapitan ko ba siya at kakausapin o hindi, pero sa huli ay nilapitan ko parin siya.

"W-Where are you going?"
Kinakabahang tanong ko. Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng mapanghusgang tingin.

"None of your business."
Pagkatapos ay umalis na siya pero lumingon ulit siya sa akin.

"Mukha kang basahan."
Pagkatapos ay itinuloy na niya ang naudlot na paglalakad. Saka ko lang naalala na hindi ko pa pala naaayos ang sarili ko dahil mas inuna kong magluto muna kanina.

Napailing ako at pumasok sa guest room, dumiretso ako sa banyo at nag-shower. Nang matapos ako ay tumapat ako sa salamin and examine myself. I look different, I look so lonely, I look so hopeless. Hinawakan ko ang pisngi ko na may pasa ng dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin kanina ni Tyler, may pasa din ako sa gilid ng labi ko. Ilang araw pa lamang ako dito pero malaki na ang ibinagsak ng katawan ko. I shook my heaf and wrap myself again with the towel.

I know I can get through this.

Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon