"This is Tinsley."
I waved my hand and smiled sa mga new batch trainee ng Avant Garde. There are a total of ten models. Ganoon padin ang sistema ng agency, the models will train for a week, they'll audition, pagkatapos niyon kapag natanggap sila, may kontrata at agency na ang bahala sa kanila.
The agency asked me to monitor them today, along with Darcy to give them some sort of inspiration. Wala rin naman akong gagawin at bukas pa ang simula ng mga sunod-sunod kong project ramp kaya naman ay pumayag na ako. It's always nice to give back.
"Hello!"
Nakangiting bati ko sa kanila. They all greeted me in unison as well."Tinsley here used to train in this exact room."
Nakangiting sabi ni Darcy, tinignan pa niya ako na para bang sinisigurado niya ang sinabi niya kaya naman ay tumango ako."It's nerve wrecking because I do not have any experience on modelling, hindi katulad ng mga kasabayan ko."
Dugtong ko pa."Darcy here used to bully me and make me walk all day long."
Natatawang pinalo ni Darcy ang likuran ko kaya naman ay napatawa na lang din ako. The trainees laugh as well.
"But don't worry, it's for your own good. If it's not because of her, I won't be who I am today. She's the one who shaped me to be this good. Kaya makikinig kayo sa lahat ng sinasabi niya at huwag ninyong mamasamain kapag pinagsasabihan niya kayo. She mean well."
Nasa kalagitnaan ako ng pagsasalita nang pumasok si Brynn at si Mhel sa loob ng training room. Lahat tuloy ay napatingin sa kanilang dalawa. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka. What are they doing here? Before I could ask any questions ay sumunod sa kanila ang limang lalaki na mukhang model trainees din. Lumingon ako kay Darcy, nagtatanong ang mga mata.
"I'm sorry, I forgot to inform you, male model will join us with our practices now."
Tumango-tango ako. I guess Mhel and Brynn would be handling it? Not surprising. I smiled and waved at them. Katulad ng ginawa ko kanina, we repeated introducing ourselves to the models. Lumingon ako kay Brynn nang kalabitin niya ako. The models are busy walking one by one while we're in front and monitoring them.
"How's your shoot with Encore?"
Tanong niya. Bahagya akong natawa kahit deep inside ay muli akong nakaramdam ng inis nang maalala na naman ang nangyari noong photoshoot. Ang sarap niyang sapakin, lalo na nung naalala ko na naman kung paano niya ako ninakawan ng halik."Let's talk about it later. Pakapehin mo naman ako."
He laughed and nodded. Mas maganda na ring magkuwentuhan kami mamaya, kaysa nag-uusap kami sa harap ng mga models. Baka isipin nilang wala kaming pakialam sa mga ginagawa nila.
Katulad ng dati noong ako pa ang nagsasanay ay kaagad kong napansin na bihasa silang pagdating sa ramps. I see a bright future in them. Pagkatapos ng dalawa lang oras na pagsasanay ay nag-siuwian na rin ang lahat. Katulad ng napag-usapan namin ni Brynn ay sabay kaming naglakad palabas papunta sa cafe na katapat lang ng building namin. There's a cafeteria inside our office pero hindi masyadong masarap ang kapeng inihahanda nila.
"So how's your modelling gig last week? I heard from Tita Evelyn that it was successful."
Nakangiting tanong ni Brynn as he sipped on his coffee. Napaismid ako."Iyong kita lang naman ang iniisip niya. Malaki kasi ang ibinayad."
Napakunot siya ng noo, para bang nagtataka sa sinabi ko.
"Edi maganda 'yun? Malaki ang bayad, magandang trabaho. That's your longest contract right?"
Tumango ako. Masaya sana at magpaparty pa ako ng bonggang bongga kung hindi lang kay Tyler ang kompaniyang iyon. It's a milestone for my career pero kung siya lang din, hay naku, kahit huwag na.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomancePayment of a debt, that was Tinsley. Nang nalulong sa sugal ang kaniyang ama at kinakailangan nilang magbayad ng kanilang utang, her father merge their company with a bigger company to save their name. Tinsley willingly obliged dahil bukod sa guwapo...