Gulong-gulo ang isip ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. It's been days since Tita Anne's visit. Ang mga larawan na ibinigay niya ay naiwan niya kaya naman ay itinabi ko ang mga iyon para hindi makita ni Tyler kung sakali. Her words regarding my husband's infidelity and our company is ruining my sanity. Naguguluhan din ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan. Dapat wala akong pakialam sa relasyon ng asawa ko kay Trixie. Alam ko, sa papel lang kami kasal pero nagagalit ako sa ideya na kaya pala akong lokohin ni Tyler. And you seriously did not expect that?
Ayaw kong tuluyan na mabaliw kaya naman nagpasiya akong lumabas ng bahay. Maglakad-lakad lang kahit saan para malibang ang aking sarili. I've been staying in our house for days now. Imbes na nag-grocery ay hindi ko na nagawa. Ilang araw na rin na puro delivery foods lamang ang kinakain ko. I do not have the energy to do anything. Kung puwede nga lang ay ayoko na ring kumain.
Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay kaagad na rin akong lumabas ng bahay. I decided to visit a nearby mall. Magkakape na lang siguro ako sa isa sa kanilang mga cafe. Pagdating sa mall ay dumiretso kaagad ako sa isang sikat na kapehan sa pangalawang palapag. I sip on my cup of coffee in peace. Pinapanood ko ang mga taong nagdaraan sa labas mula sa glass wall ng cafe. Karamihan sa kanilang mga naglalakad ay may mga kasama. Either their family, friends or other half.
"Tinsley?"
Naagaw ng atensiyon ko ang kung sino man na tumawag ng aking pangalan. Nag-angat ako ng tingin. Nagulat ako nang makita si Aaron.
"A-Aaron!"
Aniko dahil sa pagkagulat. He smiled. Mukhang kagagaling lamang niya sa isang meeting. Naka-business suit pa kasi siya at may hawak na laptop sa kanang kamay, sa kaliwa ay isang cup ng kape."May I seat here?"
Itinuro niya ang katapat kong upuan. Tumango ako.
"Buti nakita kita rito. Kamusta ka?"
I sip on my coffee before answering his question.
"Ayos lang naman. I'm alone in our house kaya lumabas na muna ako."
Tumango-tango siya.
"May meeting ka?"
Tanong ko at sinulyapan ang laptop niyang ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa."Kanina. Sa kalapit na restaurant. It was stressful so I decided to have a coffee to calm down before going back in the office."
I nodded again.
"Ikaw? Mabuti at nakakalabas ka na."
I smiled. Siyempre, kaibigan siya ni Tyler. Nasabi rin siguro niya sa kanila na pinagbabawalan niya akong lumabas. He's one of my husband's trusted friends. Hindi man niya sabihin sa akin ay nararamdaman ko naman.
"May business trip kasi siya. He left his card on me."
Aaron smiled at me.
"Mabuti naman at umaayos na ang relasyon ninyo."
Natahimik ako. Umaayos nga bang talaga? He's just kind to me. He is out there seeing his ex behind my back. Hindi siguro iyon alam ni Aaron dahil hindi niya naman niya sasabihing umaayos na ang relasyon namin kung may ideya siya sa nangyayari.
"Bumait na siya sa akin."
Naalala kong muli ang annulment paper na ibinigay niya sa akin noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon ay hindi ko pa iyon napipirmahan. It remained on my desk's drawer. Parang wala na akong balak pirmahan iyon. Magdusa sila ni Trixie. But isn't that too evil? Sinira ko na nga silang dalawa dahil sapilitan kaming ikinasal. Sobrang selfish ko naman kung hindi ko na lang hahayaan na sumaya si Tyler sa mahal niya. Pero paano kung totoo 'yung sinabi ni Tita Anne? Tungkol sa kompaniya? Paano kung niloloko niya lang ako? Paano kung ipinangako lang niya sa akin na ibibigay niya sa akin ang kompaniya namin dahil gusto niyang isipin ko na mabuti siyang tao? Para pirmahan ko na kaagad ang papeles? Ha! Magdusa siya! Hinding-hindi ko iyon pipirmahan! Hindi ko hahayaan na mawala sa amin ang kompaniya na pinaghirapan ng aking ama at ng lolo ko sa loob ng ilang taon!
"That's a nice thing to hear. I'm sorry that I am not able to train you this week. May aberya kasing nangyari sa kompaniya. Hindi kita maasikaso."
Tumango ako at ngumiti. To assure him that it's fine, na hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil lang doon.
"Ayos lang 'yun Aaron. Naiintindihan ko. Saka isang linggo lang naman na hindi ako mag-te-training. Pahinga ko na rin."
Matagal-tagal din kaming nagkuwentuhan ni Aaron bago siya nagpaalam na mauuna na dahil kinakailangan niya pang bumalik sa opisina at may aasikasuhin pa raw siya. And now, I am alone again. Pinapanood ang mga taong naglalakad sa labas. I stayed for another thirty minutes inside the cafe before I decided to go home.
Malapit lang naman ang mall sa bahay kaysa sampung minuto lang ang biyahe. Nagtaka ako nang makitang may ilaw sa loob ng bahay. He's here?
Dinagundong ako ng matinding kaba. I looked at the time and saw that it's already seven o'clock in the evening. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay. Namataan ko ang isang maleta na ginamit ng aking asawa. Napaaga yata ang business trip niya? Apat na araw pa lang. Isang linggo dapat iyon. Mapait akong ngumiti. Masyado ba niyang namiss iyong kerida niya para umuwi siya kaagad?
"Where have you been?"
Napapitlag ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang malamig na boses na iyon. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. He's standing near the kitchen door. Nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalupkip at walang emosyong nakakatitig lamang sa akin. Hinahanap ko sa aking puso ang takot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita siyang seryoso pero wala akong maramdaman. Ang tanging naroon lang ay pagkamuhi, pait at sakit.
"Diyan lang."
Malamig na sagot ko. Dinaanan ko siya upang makapasok sa kusina. Nauuhaw ako.Naramdaman ko ang mga yapak niyang nakasunod sa akin.
"At nasaan iyong diyan lang?"
May diin sa boses niya. Pero wala parin akong maramdaman na takot. I know he's pissed. Kung paano ako sumagot. Kung paano ako umakto.Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay dire-diretso lamang ako sa lagayan ng mga baso bago sa ref upang kumuha ng maiinom. Nang matapos ay ibinalik ko ang pitsel ng tubig sa ref.
"I am talking to you!"
Nagulat ako nang hawakan niya ang aking palapulsuhan at sapilitang iniharap sa kaniya. Gustong kong dumaing dahil sa higpit ng hawak niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Galit na galit siya, nakikita ko iyon. Pero ramdam ko rin ang pagpipigil niya. Nagpipigil siya? This is not the Tyler that I know anymore. Ang Tyler na kilala ko ay kaagad akong sasaktan at sasabihan ng masasakit na salita kapag may hindi siya nagustuhang inakto ko. He's gone soft, huh?
"Bitiwan mo ako."
Matapang na sabi ko. I'm looking directly in his eyes. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniyang ekspresyon."Sorry."
Aniya at binitawan ang kamay ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nakaramdam ng gulat. He's apologizing?Pasimple kong hinimas ang palapulsuhan kong hinawakan niya. Namumula iyon. Lumingon ako sa aking asawa at nakitaan ko ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Napapalatak ako sa aking isipin. Mabuti na lang at nalaman ko ang ginagawa niyang pakikipagrelasyon sa ex niya, kung hindi ay maniniwala na akong may pakialam talaga siya sa akin.
"Let me see your hands."
Akmang hahawakan niya ang aking kamay nang mabilis ko iyong iniiwas sa kaniya.
"Huwag mo akong hahawakan. Nandidiri ako sa'yo."
Hinihintay kong dumapo ang mga kamay ni Tyler sa aking pisngi pero hindi iyon dumating. He was just staring at me. Buong-buo ng pagtataka ang kaniyang mukha. Siyempre! Hindi niya alam na alam kong nakipagbalikan siya sa ex niya. Bago man makapagtanong si Tyler ukol sa sinabi ko ay mabilis ko na siyang tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomansaPayment of a debt, that was Tinsley. Nang nalulong sa sugal ang kaniyang ama at kinakailangan nilang magbayad ng kanilang utang, her father merge their company with a bigger company to save their name. Tinsley willingly obliged dahil bukod sa guwapo...