Tapos na lahat ng trabaho ko sa bahay kaya naman ay nagpapahinga na lamang ako. Kasalukuyan akong nanonood nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Tyler. Mabilis kong kinuha ang remote at pinatay ang TV bago mabilis na tumayo at lumabas ng bahay para pagbuksan siya ng gate.
Napakunot-noo pa ako ng makitang may dalawang kotse pang nakasunod sa kanya. When they successfully parked their car in the garage ay halos sabay-sabay din silang bumaba. Mabilis kong nilapitan si Tyler at kinuha ang mga hawak niya.
"Magluto ka ng pulutan."
Malamig ang boses na utos niya at pumasok na sa loob na sinundan naman ng dalawa niyang kasama. Nagulat pa nga ako nang kindatan ako ng isa sa kanila. Umiling na lamang ako at pumasok na rin sa loob.Dinala ko muna sa itaas ang attached case ni Tyler na kinuha ko sa kanya kanina bago ako pumunta sa kusina at gawin ang dapat kong gawin.
Nagpasiya akong magluto na lamang ng sisig. Medyo matagal pero ayos lang naman siguro dahil nagkukuwentuhan pa sila. May nakita rin akong crackers sa cabinet kaya naman ay sinalin ko sa plato. Pandagdag pulutan na lang din.
Nang nakaluto na ako ay dinala ko iyon sa sala kung nasaan sila nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Napansin ko din ang mga beer sa ibabaw ng mesa na bukas na pero hindi pa nababawasan. Mukhang hinihintay nila ang pulutan.
Habang ipinapatong ko ang pulutan ay natataranta ako, alam ko kasing pinapanood nilang tatlo ang bawat galaw ko and it's uncomfortable. Aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Tyler kaya naman ay humarap ulit ako sa kanya.
"B-Bakit?"
Nauutal na tanong ko sakanya. Hindi ko maiwasang kabahan. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya naman lumapit ako."This is Aaron and John, my friends."
Hindi ko maiwasang magulat dahil ipinapakilala niya ang kaibigan niya sa akin.
"Hi Tinsley!"
Bati sa akin ng lalaking nagngangalang John na sinuklian ko na lamang ng isang ngiti. Naiilang ako, kailangan ko ng umalis."Ah sige Tyler, pupunta na ako sa kusina?"
Maglalakad na sana ako paalis ng pigilan na naman niya ako kaya wala akong nagawa kundi lumingon ulit sa kanya."I wanted you to stay here. Maupo ka sa tabi ni Aaron."
Utos niya kaya naman ay nahihiyang naupo ako sa tabi ni Aaron. Iyong lalaking kumindat sa akin kanina.Gusto kong tumayo at umalis dahil naiilang ako sa pinag-uusapan nilang tatlo. They're talkin' about their exes. From what I've heard, after college noong nakilala ni Tyler si Trixie. Nagkakilala sila sa isang business convention sa Baguio. It was love at first sight, that was according to him.
"You're really something Tyler."
Imbes na magfocus sa pinag-uusapan nilang tatlo ay sa sahig na lamang ako nagfocus. Gusto ko ng umalis ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay mananagot ako kay Tyler. Maya-maya pa ay umalis na ang dalawang kaibigan ni Tyler. Lumalalim na rin kasi ang gabi.
"Sige Tinsley, una na kami. Ikaw na bahala kay Tyler, huh?"
Tinanguan ko si Aaron, tumango rin siya pagkatapos ay sumunod na kay John. Hinintay ko munang mawala ang sasakyan nilang dalawa bago ko isinara ang gate. Pagkaalis nila ay napailing ako at naglakad papasok ng bahay. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Tyler na pagewang-gewang na naglalakad paakyat ng hagdan. Mukhang matutulog na siya.
Napabuntong-hininga ako at sinimulang ayusin ang lahat ng kalat nila. Papunta na sana ako sa kusina para ilagay ang mga plato na nagamit ng marinig ko ang pagsigaw ni Tyler.
"Tinsley!"
Napapitlag ako nang tawagin niya ako ng malakas. Mabilis kong ipinatong muna ang hawak kong plato bago ko siya patakbong puntahan. Baka kasi mamaya ay mapagalitan na naman niya ako kapag babagal bagal ako. Nasa hagdan parin siya at masamang nakatingin sa akin. Napalunok ako ng sariling laway dahil sa kabang nararamdaman bago ako naglakad papunta sa direksyon niya.
"What took you so long, huh?"
Sigaw niya, napapikit ako ng itinaas niya ang kanang kamay niya. Hudyat na sasampalin niya ako. Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya pa ay naramdaman ko ang hapdi. Napayuko na lamang ako."S-Sorry."
Iyon lang ang nasabi ko dahil ang totoo ay natatakot na ako. He's drunk and I know wala siya sa tamang pagiisip ngayon. Baka kung ano pang magawa niya sa akin."You should blame your father. Kung hindi siya umutang kay daddy, wala ka sana ngayon dito. Bakit ba ako nakasal sa'yo?"
He mocked kaya naman mas lalo lamang akong napayuko.Sobrang nasaktan ako sa sinabi niyang sisihin ko ang aking ama kung bakit nasa ganito akong sitwasyon ngayon.
Dumoble ang kabang nararamdaman ko ng mapansin ko na papunta kaming garden. Baka ulitin niya ang paglunod sa akin sa drum. Namutla ako dahil sa takot.
"You're my crazy stalker in college! I should have expected this!"
Sigaw niya.Pilit akong nanlaban pero mas malakas siya kaya naman ay nagawa niya akong maitulak palabas ng bahay. Napaupo pa ako dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Naalerto lamang ako nang makitang isinasara na niya ang pintuan. Mabilis akong tumayo at kinalampag ang pintuan para lamang papasukin niya ako.
"Tyler, maawa ka! Let me in!"
Sigaw ko at mas lalo pang nilakasan ang pagkalampag sa pintuan pero wala akong narinig na kahit anong sagot mula sa loob.It's been half an hour pero nandito parin ako sa labas, pinipilit makiusap kay Tyler na papasukin niya ako. Alam kong naririnig niya ako mula sa loob ngunit alam kong nagbibingibingihan lamang siya. Napatingin ako sa langit nang may maramdaman akong isa-isang tumulo sa balat ko.
Great! Sa kamalas-malasan nga naman. Ngayon pa umulan.
Hanggang sa ang paisa-isang pagtulo ay naging sunod-sunod na.
"Please, Tyler let me in! Umuulan na!"
Sigaw ko sa mula sa labas pero wala akong narinig na kahit anong sagot. Hindi na ako dapat umasa. I look around and tried to look for shelter. Namataan ko ang isang kubo kaya naman ay mabilis akong tumakbo papunta doon. Bakit ko ba nalimutan na may kubo rito?Napayakap na lamang ako sarili nang umihip ang malakas na hangin. Nilalamig na ako. Sa tingin ko ay ito ang magiging kanlungan ko ngayong gabi. That thought made me cry silently.
BINABASA MO ANG
Battered Wife
RomancePayment of a debt, that was Tinsley. Nang nalulong sa sugal ang kaniyang ama at kinakailangan nilang magbayad ng kanilang utang, her father merge their company with a bigger company to save their name. Tinsley willingly obliged dahil bukod sa guwapo...