[Winter]
Tinawagan namin agad si Samara para sabihin ang nangyari kay Chloe. Kaya hindi namin kasama si Samara ngayon ay nasa ibang bansa pa sya. Nasa Korea pa sya dahil sa pag momodel nya.
"Pero pano yan. Nasa korea pa si Sam?" tanong ni Snow. Hay. Yan din ang iniisip ko. Pano yan. 12:00am na hating gabi na pano pa kami makaahanap ng donor?
"Nag riring na!!" sigaw ni Cait. Sam sagutin mo pls...
"Yebosayo?" Sabi ni Sam sa kabilang linya. " Sam" naiyak ulit ako. Hindi ko masabi ang nangyari kay Chloe. Isa pa
Ayaw ko pag alalahanin si Samara."Winter? Bakit ka naiyak?" sabi nya saakin. Kinuha no snow yung phone at niloud speaker para marinig namin nila oppa.
"Ahh. Sam si Chloe kasi ehh. Nasa hospital kami ngayon kasi--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Snow kasi nag salita na si Sam
"What?! Bakit kayo nanadyan?! Napano na si Chloe?! Ok na ba sya?"
"Sam nag laslas si Chloe" sagot sakanya ni Snow. Narig namin ang paghagulgul ni Sam sa kabilang linya."Sam nawalan sya ng maraming dugo. Nag 50-50 na sya ngayon. Pag wala kaming nahanap na donor sa loob ng 24 hours. Pwede syang mamatay"naiiyak na sabi ni Cait. " anong Blood type nya?" tanong ni Sam "O. Sam alam O kadin. Per-" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi enend nya na yung call.
"Ano nang gagawin natin" tanong ni Cait kay Oppa. "Magsiuwi na kayo. Gabing gabi na. Ako na bahala kay Chloe" sabi nya. " Hindi oppa. Dito lang kami. Bukas maghahanap kami ng donor. Puntahan nyo nalang po muna si Tita." sabi ni Snow.
"sure ba kayo? Baka hinahanap na kayo ng mga patents nyo" sabi pa nya."itetext nalang po namin sila para po hindi po sila mag alala." sabi ko."Ok sige. Saglit lang pupuntahan ko lang sila mama"Naglakad na paalis si oppa ng magvibrate ang phone ko.
"Papunta na ako sa airport.Siguro bukas ng umaga nandyan na ako. Mag dodonate ako ng dugo kay Chloe. Hintayin nyo ako dyan.Btw anong hopistal yan? Ako na ang pupunta dyan. Sorry kanina at binaba ko kaagad. Inaayos ko pa kasi yung passport ko at nag paalam sa parents ko. Ingat kayo dyan. Bantayan nyo ng maige si Chloe.". Text ni Sam.
"Sinong nag text?" Tanong ni Cait.
"Si Sam. Uuwi daw sya dito para magdonate ng dugo kay Chloe" sabi ko na may ngiti saaking labi."Thank God. Sana gumaling na agad si Chloe."
"Sana nga. Salamat din kay Sam. Halatang nag-aalala sya kanina kay Chloe"
[Cloud]
Nandito parin ako sa E.R para hintayin ang paggising ni Mama. Bakit ba kasi nagtangkang magpakamatay si Chloe. Hindi nya alam kung gaano kami nagaalala sakanya this past few days. Ni hindi sya nakain. Nakakulong lang sa kwarto nya. Saka napansin ko hindi na nadalaw ang mga kaibigan nya. Noon kasi madalas silang napunta sa bahay. Kasama pa si Nicolle. Pero sigurado akong may dahilan si Chloe kung bakit nya ito ginagawa.
Nag cecelphone lang ako ng may kumulbit saakin. Si kuya lang pala. May lungkot sa kanyang muka.
"Kuya kamusta si Chloe? Ok na ba sya? Anong sabi ni Doc?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya saakin. May lungkot sya sa kanyang mga mata.
"Nag 50/50 parin sya. Kung hindi daw tayo makahanap ng donor sa loob ng isang araw. Pwede syang mamatay."
Nagpipigil lang si kuya na mapaiyak sa harap ko. Miski ako nalulungkot at nagaalala ako kay Chloe. Hindi nalang ako sumagot at napatingin nalang kay mama. Hindi parin sya nagising. Pati kay Mama nagaalala din kami.
"Kamusta na si Mama? Nagising na ba sya?" Tanong nya saakin. "Hindi pa nagising si Mama. Sabi ni Doc sa sobrang stress ni Mama kaya sya mahimatay. Pag kagising nya daw. Kailangan nya magpahinga dito."
"Sana magising na si Mama. Pero kahit magising si Mama wag mo munang sasabihin ang kondisyon ni Chloe" sabi nya."Bakit? Kailangan malaman ni Mama ang kindisyon ni Chloe. Mag aalala sya. Baka ma tress nanaman si Mama" sabi ko kay kuya.
"Hindi mo ba naisip na mas Maiistress si Mama kung malalaman nyang nag aagaw-buhay si Chloe ngayon? Diba lalo syang Mag aalala? Kaya wag mo munang sasabihin kay Mama. Mag hahanap na kami ng donor ni Chloe." Sabi nya. Tama si kuya. Pero may point din naman ako. May karapatan din si Mama. Pero kung sasabihin ko baka lalo ngang maistress si Mama
"Kuya ikaw muna ang magbantay kay Mama. May pupuntahan lang ako."sabi ko sakanya. Tumango lang sya bilang sagot.
Lumabas ako sa kwarto ni Mama para pumunta sa chapel ng ospital. Lumuhod ako doon sa may harapan at nagdasal
"Lord tulungan nyo po si Chloe masurvive tong pagsubok mo. Saka po sana magising na po si Mama. Wag nyo po silang papabayaan. Salamat po"
Pagkatapos kong magdasal. Lumabas na ako ng chapel at dumireksyo sa may kwarto nu Chloe.
Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at nakita ko sila Snow. "Pumunta na ba ang doctor ulit?" Sanong ko at umupo sa tabi ni Cait.
"Hindi pa. Pero uuwi daw si Sam para maging donor ni Chloe. Mamaya daw pupunta sya dito pagkauwi nya galing Korea." Sabi ni Winter.
"Matulog muna kayo. Ako nalang muna mag babantay kay Chloe." Pag prisinta ko sakanila.
" Hindi pwede oppa. Pano kung kailangan mong tumawag ng nurse? Iiwan mo si Chloe habang kami tulog? Ganito nalang . Cait,Snow matulog na kayo kami nalang muna ang magbabantay. Bukas nalang kayo magbantay." Sabi ni Winter. Pumayag nalang kami.
Natulog na sila Cait habang kami naman ay nagbabantay. May ka text lang si Winter habang nakaupo sa tabi ni Chloe sa kabilang banda ng kama nya.
Ng biglang tumunog ang lahat ng makakabit kay Chloe.napatingin ako kay Winter na parang nagulat. Tumingin ako doon sa may maliit na monitor sa may lamesa. Papaliit ng papaliit ang guhit doon.
"WINTER!! TUMAWAG KA NG DOKTOR!! BILIS!!"
-----------------------------------------------------------
Hello guys!! Sorry kung medyo natagalan ang pag UD ko.hehehe.
Kamsa sa support na bibigay nyo saakin. Sa mga nag eefort mag basa ng story ko. Kamsamnida!Vote..comment. And keep reading
Love lots Nicole❤

YOU ARE READING
Be Mine
Fiksi RemajaHello..Im Althea Chloe Fortalejo. Isang Honor student..simple lang naman ang pangarap ko.makapunta sa korea with my love of my life.. Pero love of my life? Wala pa ako non...... Pero sana magkaroon. Kailan kaya?.