SIAH 15

308 13 7
                                    

SIAH 15: DAY 02




Yhael's Point of View


I heard many knocks at my door but I refuses those. Parang wala ako sa katinuan ngayon, I am very lazy to move my body pati nga pagbukas ng mata tinatamad ako kaya nakapikit lang ako.



"Anak, c'mon open up! Late ka na sa practice niyo," narinig kong sabi ni Mama sa likod ng pinto. She knocks once again pero hindi ko siya sinagot, well I don't want to talk. Lahat ng bahagi ng katawan ko parang iisa ang isip na 'wag gumalaw, humiga lang ako buong araw ganoon ang peg nila.


Gusto ko ng tumayo, but my body is a traitor. Mayroon pa ring katok sa pinto but this time malalakas na. Iminulat ko na sa wakas ang mga mata ko sa pinakatamad na way dahil narinig kong si Papa na ang kumakatok sa pinto, shemays lagot ako nito.


"Young man, if you're not going to open this door, AKO NA MISMO ANG MAGBUBUKAS! MARK MY WORDS YHAEL!,"  bumuntong hinga ako at naisipang bumangon na para buksan ang pinto. Talagang bubuksan kasi yan ni Papa sa paraang alam niya -- ang pagsira sa pinto, ganoon siya eh.



Nakita ko si Mama na nasa tabi ni Papa na parang nagdadasal, nakita ko rin si Yuree na naksandal sa pader na nakahalukipkip na parang napilitang pumunta kasama sila Mama, habang si Papa na sa harapan ko at masama ang tingin sa akin nang mabuksan ko ang pinto. Nagpokerface lang ako sa kanilang tatlo at tumalikod na para bumalik ulit sa pagkakahiga.


"Don't move a single body Young man." Maawtoridad na sabi uli ni Papa.



"Sabi niyo buksan ko yang pinto, ayan bukas na. Ano pa problema niyo?" walang buhay na sagot ko. Ipinagpatuloy ko ang pagbalik sa kama ko at bumaliktad ng higa.



"Young man.." sabi nanaman ni Papa. Young man ng Young man, eh alam ko namang batang lalaki ako.. Teenager pa nga eh. Ano ba yan! Bumangon muli ako pero hindi pa rin lumilingon sa kanila.



"Old man..." Sagot ko naman kay Papa. Tumingin ako sa kanila, si Mama nagpipigil ng tawa habang si Papa namumula ang mga pisngi. Hehe, he's pissed off buwahahaha. Tatanungin niyo si Yuree? Wag na oy! Wala namang pake 'yon sa nangyayari eh. Nakabusangot lang ang pagmumukha non, hay.




"What did you--" hindi ko na pinatapos si Papa dahil inilagay ko sa mukha niya ang kamay ko. As in sa mukha niya.



"Pa, wala ako sa mood ngayon, ok? Wala ako sa trip maglokohan. Ano pa bang kailangan niyo?," Saad ko.



"Nothing special. Nasa baba lang naman si Ate Eunna." Nagising at nagwala ang mga natutulog kong cells ng marinig ang sinabi ni Yuree. Dali-dali akong pumunta sa harapan ng salamin at tinignan ang sarili ko.


"Pa, ok na ba? O ilagay ko sa side na to ang buhok ko? Shomai naman oh" Nakaharap ako sa salamin habang sinasabi yan kay Papa. Pumunta naman siya sa tabi ko at tinignan ako sa reflection ng salamin.



*Poink!*



Binigyan ako ng aking Ama ng isang batok kaya naman tinignan ko si Papa ng masama, pero pinandilatan niya lang ako ng mata. Ang lakas makabatok ni Papa eh, nakoo.. Kung nasa mood lang talaga eh.




"What was that for?" nakakunot nuong tanong ko kay Papa. Si Papa naman tinaasan lang ako ng isang kilay, nye?. Naalala ko namang nasa baba pala si Eunna kaya dali-dali kong inayos ang sarili ko at hindi na nag-atubiling bumaba ng hagdanan. Iniwan ko na nga si Papa sa kwarto ko eh, bastos ba? Binatukan ako eh siya rin ah bastos.




She is A He (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon