SIAH 27

316 14 6
                                        

SIAH 27: MY EVERYTHING

After 2 months ...









Andrew's Point of View


"Babe..."


"Babe... Wake up."


"Andrew.. Babe.."


Nagising ang natutulog kong diwa sa isang tinig ng taong gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at kinusot-kusot ito.


"Babe?" Tanong muli nito sa akin. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.


"Emily. What are you doing here Babe?" Malambing kong tanong sa kanya. Umupo ako at isinandal ang aking likod sa head board.


"Masama bang pumunta dito?" Nakangiting tanong nito sa akin at umupo sa tabi ko. Natawa naman ako ng bahagya sa tanong niya.


"Hindi naman. Pero masamang pagsamantalahan ako habang tulog *wink*" Lumaki naman ang dalawang mata niya kaya natawa nanaman ako.


"Hoy Andrew! Hindi ah. Nakakainis 'to!, tumayo ka na dyan at kakain na tayo ng umagahan." Sabay tayo nito. Natawa naman ako sa iniasta niya.


Tumayo na rin ako pagkalabas niya ng kwarto ko.



Tama kayo, nagkabalikan kami ni Emily. Ako ang nakipag-balikan dahil na isip kong bakit pa ako habol ng habol at asa ng asa sa taong ayaw na ako. Ayaw na akong maalala, ayaw na akong lumapit at bumalik pa sa buhay niya? Pag-ayaw na kasi eh di ayaw. Siguro nga, hindi kami para sa isa't isa. Naniniwala akong sa pangalawang pagkakataon, matutunan ko ng mahalin ng totoo si Emi.



Dalawang buwan na ang nakalipas at simula no'ng pagkikita namin ni Eunna ay hindi na iyon na sundan. Ayoko ng sundan pa. Nakakatakot ng masundan pa kasi baka umasa nanaman ako, ako lang rin ang mahihirapan at masasaktan. Wala na rin akong balita sa kanya nitong mga nakaraang buwan but these past few days may nabalitaan ako sa kanya.


Sabihin mang ayoko na siyang makita ay andoon pa rin sa kaibuturan ng puso ko na malaman kung ano na ang lagay at status ng buhay niya. Nagkita kami ni Kuya Lee for business matters, and hindi maiiwasang mapasok si Eunna sa usapan. Nalaman ko sa kanya na nasa Pilipinas na si Roever at andoon siya ngayon sa bahay nila. Hindi ko alam pero tama pa rin bang makaramdam ng selos? But with that thought, I must disregard my wrong feelings.



Sa mga oras na 'yon gustong gusto kong malaman kung sila ba ni Roever at Eunna, pero naisip kong baka mahalata akong nagseselos kaya 'wag na lang. Habang kinikwento sa akin ni kuya ang istado ng buhay ni Eunna ngayon ay masaya na ako dahil lumalago ang business niya at nakikilala na rin siya sa Pilipinas bilang magaling na pintor. I am really proud of her.


Dalawang buwan na rin kami ni Emi, we decided both na we'll start all over again. Sa loob ng dalawang buwan na 'yon masasabi kong naging masaya naman ako sa piling muli ni Emi dahil ipinapakita pa rin niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Someday Emi, mamahalin na rin kita ng sobra, just wait for me. I promised to myself not to look back again at Eunna, huwag siyang iisipin kaya itinago ko lahat ng memories namin ni Eunna sa isang kahon and I promised too na I must put my trust to Emi, my Babe now.


This second chance that we have now, I want to become more boyfriend to her na hindi ko nagawa noon. Gusto kong iparamdam sa kanya na espesyal siya sa akin, na siya ang girlfriend ko.


About my career, thank God we are still doing great. My group is still performing and we are now guesting abroad.


"Hmmm... Mukhang masarap ah." Pagpupuri ko sa luto ni Emi.


She is A He (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon