3: Her Past

2 1 0
                                    

"Hey slut! Kating-kati na ba talaga 'yang sa'yo at pati may girlfriend inaagaw mo?!" I was on my way to my  classroom nang ito 'yung bumungad sa akin sa hallway. This is also not new to me, what the hell? Kasalanan ko bang boyfriend nila ang lalapit sa akin? Kasalanan ko bang nag-uumapaw ang hotness ko?

"Ayan na naman siya."

"Sino na naman yata 'yang inaagaw niya?"

Isa lang 'yan sa maririnig ko ngayon sa mga studyante dito.

I just shrug.

Now I am totally the center of attraction.

Tinignan ko ang babaeng apat na humaharang sa akin. Hindi ko sila kilala pero maliban sa isang babaeng nasa right side.

I remember her right away when I saw her, siya lang naman 'yung girlfriend ng lalaki na nakipag-flirt sa akin kagabi sa bar. She looks scared that she can't even look at me straight. No wonder may marami siyang kasama kasi hindi niya kayang  makipag-away sa akin mag-isa.

I smiled at her ignoring the girl who shout at me earlier.

"Hey, how's your asshole boyfriend---" pero agad naputol 'yung sasabihin ko nang hinawakan ako sa braso ng babaeng tila leader-leaderan nila. Siya rin kasi 'yung bumungad sa akin.

"At may gana ka pang ngumiti! Masaya ka ba kasi naagaw mo 'yung boyfriend niya? Nadala lang naman 'yun sa pang-aakit mo eh! Kasi slut ka 'di ba?" Ramdam ko 'yung kuko niya na bumabaon sa aking balat. Alam ba nilang nag-titimpi lang ako dito kasi ayaw ko ng eksena dahil umagang- umaga pa lang, ayaw ko sana masira 'yung umaga ko eh.

But this girl is really calling for a bloody war, how dare she touches my flawless skin!

"Hoy! Anong ginagawa niyo sa kaibigan ko?!"

I breathed deeply to gather all my strengths, ready to punch this woman's ugly face and ready for a cat fight when suddenly my friend interrupted.

Napapikit ako sa sobrang inis. Bakit ba sa tuwing may kaaway ako palagi siyang nakikisali. Hindi tuloy ako makaganti sa mga kaaway ko!

Napatingin 'yung apat na babae kay Shaneen pero hindi pa'rin binibitawan ng babae ang braso ko. I so want to punch their faces pero hindi pwedi kasi nandito si Shaneen ayaw kong madamay pa siya sa gulo. Ayaw kong masali pa siya sa kagaguhan ko, aside sa ayaw kong masaktan siya ayaw ko ring madumihan 'yung record niya. Shaneen is a good student and she's already graduating I don't want to ruin her plans and dreams ng dahil lang sa akin.

Kaya with all my might I tried harder not to make a scandal here.

"Gusto niyo bang ipatawag ko kayo sa guidance counselor?" Dagdag ni Shaneen nang makalapit na siya sa amin.

"Huh! Are you a grade school or what? Sumbungera ka rin eh no?" Sarkastic na sagot ng babaeng nakahawak pa'rin ng braso ko pero ngayon hindi ko na ramdam ang kuko niya dahil nasa kay Shaneen na 'yung atensyon niya. I need a disinfectant after this! Her hand is so gross, parang nangangati na talaga 'yung braso kong hinahawakan niya.

"Kayo? Are you a grade school or what? Ba't kayo naghahanap ng away? Siga-sigahan lang?" Ganti naman ni Shaneen

"FYI your slut friend started this! Sabihan mo 'yung kaibigan mo na limitahan 'yung pagka slut niya kung ayaw niya ng away" at last! Nag-sasalita na din 'yung iba pang kasamahan niya, akala ko mga design lang 'to sila eh. Pero gusto kong makitang lumaban din itong babaeng nasasaktan dito. Ang babaeng linoko ng kanyang boyfriend.

Napatingin ako sakanya na nakatungo nalang. Oh geez! She's really a coward, if she continues being like that palagi nalang siyang talunan at kaawa-awa. I pity her for some reason.

Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon