8: Distant

1 0 0
                                    

"So our incoming retreat will be on next week, Monday in Tagaytay. We will stay there for 3 days. So take note of what I wrote on the board because you need to bring all of that."

Tradition na talaga dito sa Westspring University na may retreat ang mga graduating students.

Karamihan ay excited dahil parang bakasyon na rin ito at parang time-out muna sa pag-aaral at lalong lalo na't sa ibang lugar magaganap ito.

Samantalang ang iba ay gustong umalma dahil mas pipiliin pa nilang mag-focus sa pag-aaral at handaan ang thesis kaysa aksayahin ang tatlong araw nila.

"By the way don't forget to tell this to your parents because they need to come at the last day of retreat."

At isa na ako sa mga studyanteng gustong umalma, hindi dahil gusto kong mag-focus sa pag-aaral. Heck! Wala pang himalang nang-yayari sa akin. Kundi hindi ako interesado sa retreat na'yan! I'd rather spend my three days at the bar mabuti pa 'run at ma-eenjoy ko talaga ang tatlong araw ko kaysa umatend ng retreat at puro ka-dramahan lang naman at kaplastikan.

Sa huli wala namang mag-babago. Still the same hypocrite people.

Tumingin ako kay Shaneen na busy sa pag-ttake note sa sinulat ni prof. mga bagay kasi ito na dapat dalhin sa retreat.

Simula 'nung umaga hindi niya ako pinapansin, ni hindi niya ako tinitignan. Galit pa talaga siya sa akin.

"Shaneen pupunta ka?" Tanong ko kahit obvious naman na pupunta siya. Kaya nga siya nag-take note eh. Nakita ko siyang napahinto sa kanyang pag-susulat pero hindi pa'rin ako tinitignan. "Yeah." Tipid niyang sagot saka nag-papatuloy sa kanyang pag-susulat.

Napabuntong hininga nalang ako. Gusto ko lang naman talagang makipag-usap sa kanya kasi namimiss ko 'yung pag-kadaldal niya. And it also feels so weird na hindi kami nag-kikibuan ni Shaneen. Normal naman talagang nag-aaway ang mag-kakaibigan, pero this is the first time na sobrang cold sa akin si Shaneen mostly hindi niya talaga ako matitiis at makipagbati agad siya sa akin pero ngayon parang nag-titimpi pa talaga siya ng sama ng loob sa akin.

Ang nagagawa nga naman ng "Pag-ibig"

Hindi ko nalang siya muna inistorbo at nakinig nalang sa prof. namin.

"And reminder, everybody is required to attend because you have to submit a reflection paper after your retreat. And if you can't attend the retreat please give me an excuse letter with a valid reason." Hindi na napigilan ng mga kaklase kong umalma, at marami na naman akong naririnig na bulong-bulongan. This time hindi na ako 'yung topic kundi 'yung retreat na. ;)

"Sa mga irregular students na next year pa makakagraduate I'm giving you a chance to choose when to attend the retreat either this year or next year. Just make sure you'll register your name to the registrar office so that you'll be part of the list. I know many of you that you are friends with the graduating students. I am giving you a chance to be together before you'll part ways."

"You know, life after school is different. Malulungkot nalang kayo sa fact na ang mga kaibigan niyo na  nakakasama niyo sa halos araw-araw ay hindi niyo na masyadong nakakasama because at the end of the day we have our different lives."

"Awwwww" reaction naman ng mga kaklase ko.

Medyo nalungkot din ako sa sinabi ni prof.

Is adulting that sucks?

Pagkatapos ng announcement ni prof ay nag class dismiss na.

Nagkanya-kanya nang lumabas ang mga studyante at hindi pa'rin sila naka get-over sa darating na retreat at ito pa'rin ang usap-usapan nila.

Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon