11: Partways

1 0 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover at ramdam ko rin ang hapdi ng aking mga mata dahil sa matinding pag-iyak ko kagabi.

I realized ilang taon na rin akong hindi umiiyak ng todo. For how many years I tried to act strong and even fooled myself that I was really got over from the past and I already accepted it. But Jhonson just slapped me from reality that I was still holding back from my darkest pasts, because of him I became weak again.

"Ang kapal ng mukha mo! You even have the audacity to tell me earlier that you felt betrayed by me! Ang galing mong bumaliktad ng storya! Putangina mo January! Ang landi mo wala kang pinipili!!"

Naalala ko na naman ang sinabi ni Shaneen sa akin, that was the first time I heard it from her. Sobrang sakit din talagang mahusgahan sa sarili mong kaibigan.

Okay lang naman talaga sa akin na marinig 'yan galing sa ibang tao, pero kay Shaneen?

Naramdaman ko na naman na wala akong kakampi, walang naniniwala sa akin, walang matatakbuhan katulad noon.

Bago pa tuluyang bumuhos ulit ang mga luha ko ay agad akong nag-punta sa banyo upang maligo. Mabuti nalang talaga at tulog pa ang mga ka-roommate ko.

Pag-labas ko ng banyo ay gising na ang mga ka-roommate ko. Napatingin silang apat sa akin at nakikita ko na naman ang mapanghusga nilang tingin. Kaya imbes na manatili sa kwarto ay lumabas nalang ako at napag-desisyunan kong kausapin ng mabuti si Shaneen.

She really needs to know the truth, I don't want her to be angry at me with false accuses.

Yes, I was angry at her last night but I can't hold my anger longer towards her. Lalo na nung makita niya na pinilit ako ni Jhonson na makipagtalik sa kanya.

Worst part, ang akala ni Shaneen ay ginusto ko ang nangyari sa amin ni Jhonson.

3 minutes pa naman para mag 7:00 o'clock ng umaga kaya maaga pa dahil 8:00 am naman mag-sisimula ang official retreat namin.

Nang makapunta na ako sa room kung saan naka-stay si Shaneen ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

Nakailang katok lang ako at bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang kaklase ko na ka-roommate ni Shaneen.

"Si Shaneen?" tanong ko sa kaklase ko na siyang bumukas ng pinto sa akin.

"Naliligo pa. Kung ako sa'yo 'wag ka nang mag-pakita---"

"What the!" hindi ko na siya pinatapos mag-salita at agad akong pumasok sa loob.

Walang nagawa ang mga roommate ni Shaneen kundi tignan lang ako ng masama.

"Kapal talaga ng mukha!" narinig ko pang sabi ng isang ka-roommate ni Shaneen.

Hinihintay ko si Shaneen habang umupo sa isang silya rito sa loob ng kwarto.

"Anong ginagawa mo rito?" napatayo agad ako sa aking inuupuan nang makita kong nakalabas na si Shaneen at nakabihis na.

"Shaneen please let's talk!" sabi ko

Lumapit siya sa akin habang nakakunot ang noo, 'di talaga mapag-kaila na galit siya sa akin.

"And what? Para dagdagan na naman ang kasinungalingan mo?" nakataas kilay niyang tanong.

"Please just hear me out first!" giit ko

"Jhonson told me everything already, so there's no room for your lies January! Hindi mo na ako mauto ulit."  Shaneen

"'Wag ka namang maging one-sided Shaneen! Kaibigan mo rin naman ako why don't you let me explain my side."

"I don't want to hear any lies again January!" this time she yelled in front of my face.

Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon