13: Meeting His Friends

0 0 0
                                    

Pag-kaabot namin sa bahay ng kaibigan ni Augustine ay rinig na rinig namin ang tawanan at tugtog sa loob.

"Ganyan mo ba tratuhin ang girlfriend mo Augustine?" aakmang uuna na sana si Augustine papasok sa gate nang mag-salita ako.

Kung mag-papanggap siya sana naman hindi siya mag-papahalata.

"Tara na." agad siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang kanang kamay ko.

Dito sa pool area ginanap ang party ng kaibigan ni Augustine.

Kunting tao nalang ang nandirito at ang iba ay nasa pool naliligo pa.

There were only two tables that were filled with people and the rest were vacant and only left-over foods and bottle of the drinks were there.

"Ferrer! I thought you wouldn't come!" nang makalapit na kami sa pangunahing table  ay agad naman tumayo ang isang lalaki nang makita niya kami.

"Happy Birthday, Raisin!" bati naman ni Augustine.

Siya pa'la ang nag-birthday.

Weird name but cute guy.

Tinignan ko ang kasama ng nag-ngangalang Raisin, they were all three hot dudes in a round table including Raisin.

"Pakilala mo naman sa amin 'yang kasama mo Ferrer!" sabi naman ng isang kaibigan nila Raisin at Augustine.

Last name basis pa'la ang tawag nila kay Augustine.

"She's January, my girlfriend." napahinto ako sa pag-iisip nang bigla kong naramdaman na pumapalibot na ang kamay ni Augustine sa aking bewang.

Nice act! Smooth!

Ngumiti ako sa lahat at mag-sasalita na sana when a girl from the other table interrupted.

"January Vegas?!" napatingin ako sa pangalawang table na nandoon galing ang boses ng babae.

She looks so shocked.

Naramdaman ko naman na humigpit ang hawak ni Augustine sa aking bewang kaya napatingin ako sa kanya.

He looks pissed.

Hmm parang may bumubuo sa aking isipan.

"Pasensya ka na Ferrer hindi ko alam na mag-tatagal sila rito, dito rin kasi sila pinapatulog ni mom sa bahay. Alam mo naman 'yung pinsan kong gago napaka-reckless mag-drive kung lasing na." bulong niya kay Augustine.

Raisin just confirmed my assumption. 'Yung nasa pangalawang table ay ang mga taong sumisira sa pangarap ni Augustine sa dati niyang paaralan.

I looked at them and they were all five men and there were three girls probably mga girlfriend 'to ng mga gago.

Binaling ko ang tingin sa babaeng nag-sabi sa aking pangalan at ngayon ko lang napansin na may lalaking nakaakbay kay girl.

Maybe she's Letecia! Augustine's ex-girlfriend. Bitch please I'm prettier than her! Way prettier!!

"You know me?" I said it with a sly smile.

"Of course! you are known at your university. Westspring University right?" sabi niya with her familiar look.

A judgy look.  

Damn! Kilala pa'la ako dahil sa aking maduming reputasyon sa paaralan namin.

"Umupo na kayo Ferrer!" mabuti nalang talaga at sinabi 'yun sa isang kasamahan ni Raisin para maputol 'yung pag-uusap namin.

Saktong may dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Raisin kaya dito kami umupo ni Augustine.

Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon