14: The Comeback of the Slut

1 0 0
                                    

"Halos one week nang absent si January siguro naman hindi na siya papasok 'no?"

"Hindi ko akalaing natatablan pa'la ng hiya ang babaeng 'yun!"

"Ano sa tingin mo Shaneen? Papasok pa ba 'yung ahas mong bestfriend?"

"I'm back bitches!" bago pa makasagot si Shaneen sa tanong ng kaklse namin ay agad akong pumasok sa aming classroom.

Kita ko pa ang gulat ng lahat at nahagip ko rin sa aking mga mata ang gulat ni Shaneen.

"Miss me?" dagdag ko pa at agad nang naglakad papasok sa room.

"Get out." kalma kong sabi sa isang kaklase ko.

"Bakit mo ako papaalisin dito? This is my designated chair!" aba palaban din itong impakta na'to.

"I don't freaking care! Get.the.fuck.out!" diin kong sabi

"At saan mo naman ako papaupuin?" nakakunot noo niyang tanong

"Not my freaking problem!"

"January, dito ka nalang umupo. 'Wag ka nang mag-skandalo diyan para lang sa upuan." napalingon ako sa may unahan at nakita ko si Augustine na siyang sumabat sa amin. Nakita kong may bakante na upuan sa left side niya.

Ngumiti ako sa kanya, "You're so sweet, Augustine but I prefer here." sabi kong may ngiti sa aking labi at binaling ko ulit ang tingin sa kaklase ko.

"Doon ka." malamig kong tugon.

"Tss! Akala mo kung sino!" sabi niya at tumayo na sa kanyang inuupuan.

Pero bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko 'yung braso niya.

"Anong sabi mo?" kalma kong sabi habang hinigpitan ng hawak 'yung braso niya.

Nakita ko ang gulat niya at ang pamimilipit niya dahil sa sakit ng aking pag-kahawak sa kanya.

"A-aray!" impit niya

"Ano bang problema mo!" dagdag niya pa.

"'Yung bibig mo." simple kong sagot

"Bitawan mo nga ako!"

"Na-ah! Until you say sorry." mapanlaro kong sabi

"Nababaliw ka na ba?!" sigaw niya ulit kaya mas hinigpitan ko ang pag-kahawak ng kanyang braso.

"Mag-sosorry ka o babaliin ko 'tong braso mo." kalma at may ngiti pa sa aking labi.

Nakikita kong sobrang nasaktan siya sa aking pag-kahawak lalo na't bumaon 'yung matataas na mga koko ko sa kanyang balat.

"S-sorry!" kaya wala siyang nagawa kundi napilitang mag-sorry.
Kaya mas napangiti nalang ako.

"Good dog." nakangiti kong sabi at binitawan na 'yung braso niya.

Wala siyang nagawa kundi lumakad na papunta sa bakanteng upuan katabi ni Augustine.

Tinignan ko ang mga kaklase ko na halos nasa akin ang buong atensyon nila.

They looked shocked but at the same time pissed.

"Meet January Vegas the slut version 2.0, losers!" sabi ko sa kanila na nakangiti at pag-katapos ay umupo na sa aking bagong upuan.

"Anong nangyari sa babaeng 'yan?"

"Ewan ko, nagiging warfreak na rin ata."

Her MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon