Chapter 42: Add-ons, Changes And Imperfect Timing

6.8K 345 129
                                    

Add-ons, Changes And Imperfect Timing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Add-ons, Changes And Imperfect Timing

"Nagpapatawa ka ba?" I asked with gritted teeth. I'm really keeping my cool right now not to strangle her to death.

Tumaas ang isang kilay niya at humilig sa swivel chair ko at base sa posisyon niya ay halatang nakaekis ang mga hita niya habang nakaupo.

"You know that I'm not kidding."

"And who give you the right to take my position?"

"Then read it." Tinuro niya ang puting sobreng nasa ibabaw ng lamesa.

Mabibigat ang mga hakbang kong nilapitan iyon. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng lamesa at binuksan. The encoded letter was coming from the admin office and I gritted my teeth as I read the content. Napapikit ako ng makita ang pangalang nakalagay sa hulihan.

Winona Adlai A. Veneracion
Mystic Club President

Approved by:
Mrs. Suezanna D. Walker
University Owner

Napadilat ako at napansing nilakumos ko na pala iyon. Gusto kong sigawan siya pero pinigilan ko ng todo ang sarili ko. Natulala akong nakatitig sa lamesa hanggang sa magpatuloy siya sa pagsasalita.

"Madame Sue likes my performance as the vice president of the Student Council and as the president to my previous club."

I slammed my hand forcibly on the top of the table. I can't just take it anymore. Nanatiling kalmado ang ekspresyon niya samantalang nagpupumiyos naman ako sa galit.

"The bloody hell I care about you and your performance. This is my club and I want you out now!" Sigaw ko pero tinitigan lamang niya ako.

"You can't do that. Remember that I already have the power in here. You're just a member and I am the president now whether you like it or not. Kaya kung may dapat mang palabasin dito ay ikaw yon!" Hinampas niya rin ang ibabaw ng mesa at tumayo na mula sa swivel chair.

Napatayo na sina Taki at Tobbie dahil sa namumuong tensyon sa pagitan namin ni Winona. Wren's massaging his temples like as if he's having a hard time listening and watching us having a fight.

"Girls, please stop it." Pakiusap niya habang hinihilot parin ang sentido niya pero hindi ko inalis ang titig ko kay Winona.

"Alam mo kung di lang talaga ako nagtitimpi ngayon ay malamang nasabunutan na kita at nilampaso iyang lintek mong mukha rito sa sahig." Pag-amin ko habang dinuro-duro siya. Wala na akong pakialam sa iisipin ni Wren dahil sa inasta ko.

Ramdam kong nagpipigil din ng matinding galit si Winona. Ano pa bang gusto niya? Nasa kanya na si Wren ah. Pati ba naman club ko pag-iinitan niya? I felt the blood boiling inside my body when she smirked. Marahil ay masyadong naging maingay ang mga iniisip ko kaya narinig niya iyon.

Mystic Club: The Paranormal DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon