Chapter 3: Revelation

234 17 1
                                    

Chapter 3: Revelation

Siyempre ano pa nga bang gagawin ko araw araw di’ba? Papasok lang naman ako ng school, chichismis, sisilayan si crush at aalamin ang pangalan niya dahil sa kabilang room lang pala siya. Ay ano? Teka nga? Aalimin ang pangalan niya? Bakit ako interesado? Matagal naman na ‘yun ah? Confuse lang siguro ko dahil sa nangyari nun sa canteen at kailangan ko din malaman ang pangalan niya dahil alam niya yung akin. Tama ganun lang yun. Nothing more.

“Besy? Tulala ka nanaman diyan?” Sabi ni Jeiah. 1 week narin naman ang lumipas nung mangyari ‘yung scene canteen, my CFF turned out into BFF. “Ha? A-ah hindi, may iniisip lang”

“Kaya nga tulala ka kasi may iniisip ka, kwento naman.”

“W-wala ano ka ba.” Nauutal ko pang sabi sakaniya na alam kong di rin naman paniniwalaan nitong babaeng ‘to.

“Sasabihin mo o sasabihin mo?” Sabi ko na nga ba, di talaga maniniwala. Sabihin ko na nga.

“Fine, sasabihin na. Naisip ko lang, ano kayang pangalan ni Kuya MAXX?” Nagsmile siya ng abot langit at malamang issue ‘to.

“Susss. Sabi na nga ba, crush mo ‘yun ‘no?”Sabi ni Jeiah na may halong pangaasar.

“Hoy, hindi ah. Alam mo naman na si Pogi lang yung crush ko eh” paliwanag ko naman sakaniya na mukang useless.

“Alam kong crush mo ‘yun pero alam ko din na crush mo ‘din yung si Panget.” Grabe talaga makapanglait ‘to, di naman pangit yun ah? Ayssh. Bakit ba ko affected?

“Ay naku besy, ewan ko sa’yo”

“Aminin na kasi. Secret lang naman eh”

Sa sinabi niyang yun napaisip na talaga ko, ano nga ba si KS sa’kin? So called, ‘Panget’? Crush ko nga ba siya? O talagang wala lang? Mababaliw na’ko sa kakaisip pero nasagot ko din naman

“Oo, crush ko siya.”

“WAAAAAAAAAAAAAAA!! REAAAALLY BESY CRUSH MO SI KUYA MAXX SA CANTEEN?!?” at talagang sinigaw pa niya nakakakahiya mamaya may makarini- OMYGOOOD !!! Dumaan si Panget tapos tumingin pa dito. To the fact na nasa may pinto kami ng room naguusap , HALAAAA !!! Narinig ata. Ang ingay kasi ng babaeng ‘to eh.

“Bessssssy !! Shut up!!!!!” At sinigaw ko nadin dahil natataranta na’ko tinakpan ko pa yung bibig niya and to what sake, laking gulat ko ng nasa harap ko na siya. “HOLY SSSHH…Bakit andito ka?Tsuppii alis dito” Nakakahiya narinig niya ata. I’m dead..

“Ms.S-sungit, ahmm.. ang sungit mo talaga.” So, nangaasar pa siya. Ang saya ha.

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Ms.Sungit ang pangalan ko ha?!” Hindi naman talaga ko naiinis pero kailangan ko ng makaalis dito.

“Hoy, Kuyang mapangasar alis na diyan. May pupuntahan pa kami. Tabi diyan” at siyempre tumabi naman na siya. Buti naman. Pero may narinig akong binulong niya o feeling lang ako? Di ko nalang papansinin alis nalang kami dito.

Mike’s POV

Naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa corridor ng may narinig kaming nagsisigawan sa kabilang room or I should say naguusap lang sila. Ganito ba talaga ang mga babae? Ang ingay magusap.

“WAAAAAAAAAAAAAAA!! REAAAALLY BESY CRUSH MO SI KUYA MAXX SA CANTEEN?!?”

At dahil sa ingay nung babae sa kabilang room napalingon na talaga ko, pagkakita ko andun si Airhix at yung Bestriend niya. Teka muna? Kuya Maxx sa canteen? Sino kaya yun? Parang wala namang lalaki na helper sa canteen ah? Ooppsss. Nakita ako ni Ms.Sungit na nakatingin, Patay na.

“Bessssssy !! Shut up!!!!!” BS. Si Ms.Sungit naman ang sumigaw malapitan nga. Namiss ko din ‘to eh. Namiss ko lang asarin okay?

“HOLY SSSHH…Bakit andito ka?Tsuppii alis dito” Nagulat ba ‘to? Nahihiya o Ano? Namumula kasi yung muka niya. Tanungin ko nga kung sino si Kuya Maxx na ‘yun

“Ms.S-sungit, ahmm.. ang sungit mo talaga.” What the hell? Yun lang nasabi ko? Ang lakas ng kabog sa dibdib ako, nakakabading naman ‘tong babaeng to o.

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi Ms.Sungit ang pangalan ko ha?!” Alam kong hindi yun ang pangalan mo, wag kang magalala. Bago pa ko makasagot sakaniya naunahan nanaman niya ko

“Hoy, Kuyang mapangasar alis na diyan. May pupuntahan pa kami. Tabi diyan” Sabi ko tatabi na ko eh. Pero hindi ko alam kung bakit bumuka yung bibig ko at nasabi ‘ko ‘to , buti nalang nga at mahina at baka kung ano pang isipin nun.

Ang ganda mo pala talaga, lalo na sa malapitan.” Crap. Anong nasabi ko? Buti bingi ‘tong babaeng ‘to dahil nakakahiya talaga.

“Nice pre, type mo yung taga-section I ‘nu?” Sabi ni Romeo, malas may nakarinig pala.

“Taga-section I?” Sagot ko sakaniya dahil ‘di ko naman kilala kung sino yung tintukoy niya.

“Si Ayi- Airi- Airixh ba ‘yun?” Sabi naman niya na halatang nalilito sa pangalan ni Ms.Sungit

“Airixh nga , taga section I yun? Matalino pala ‘yung masungit na ‘yun” Liligtas ang dapat lumigtas, dahil ‘di ko alam ang isasagot ko sa tanong nito.

“Oo, teka pre walang ibahan ng usapan. Type mo ‘nu?” Sabi ko nga hindi ako makakaligtas e.

“MIKEEE !!! ROMEEOOOOO !!!” May sumigaw sa corridor at si Jake lang pala. Buti nalang may tagaligtas.

“Wag ka ngang nasigaw diyan, para kang babae e” Sabi ni Romeo.

“Ano ba ‘yun?”

“Andoon na si Ma’am pumasok na daw kayo” sabi ni Jake na hinihingal hingal pa, napagod na siya sa ginawa niyang pagsigaw na ‘yun?

Paglingon ko kay Romeo, may kausap ng babae. Talaga nga naman. “PSST… HUY !” Nilingon lang ako ng loko at  ngumiti na alam mong may maganda nanamang nangyari sa buhay niya “HOOY! ‘LIKA NA, IWAN KA NA NAMIN AH !”

“Uy teka, eto na nga eh” Pumwesto na siya na parang tatakbo na sia “Miss. Mamaya nalang ulit ha? Sa canteen” Pagkasabi niya nun tumakbo na talaga siya papunta sa’min.

Habang pabalik kami sa room isa lang ang naiisip ko sino nga ba si Kuya Maxx na ‘yun? Nakakaasar ba’t niya nagging crush ‘yun? Ay teka? Nagseselos na’ba ko? Pero bakit? Ano nga ba si Airhix sa’kin?

Maxx- Story of love , happiness and sadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon