Chapter 16: September 1, 2009

198 17 0
                                    

Chapter 16: September 1, 2009

Airixh’s POV

After our helpless and non-sense conversation of my Besy Jeiah, the class started. My feelings were overwhelmed and I can’t help it. Teka nga, tagalong muna hirap mag-emote ng English. Klase dito, klase doon.

*KRRRIIIIINNNNGGG!

Recess na! Sa wakas, first time ‘to na hindi ako nagtanong sa teacher naming sa Math, wala talaga sa lessons yung focus ko nasa ano, nasa kaniya. Lumabas agad kami ni Jeiah ng room hindi kami nagugutom as usual gusto lang naming mahyper at royal lang ang makakapagbigay samin ng hinahangad naming PAMPAKULIT! Sakto din paglabas naming ng room nakita ko na siya.

“Ahmm.. MIKE!” Buong lakas ng loob ko na pagtawag sakaniya na may kasamang wagas na ngiti sa aking mukha.

“O Jean?” Bakas din sa mukha niya ang saya. Para kaming siraulo dito nagtatawagan lang makapagreact kami kala mo ikakasal na.

“Mamaya lunch, sa 3rd floor” Pagkasabi ko nun, hinila ko na si Besy pababa ng hagdan. Hindi ko na hinintay yung isasagot pa niya at baka magtanong pa yun, muka rin kasing patanong yung pinakita niyang muka sa’kin. Baka di ko mapigilan yung sarili ko at masabi ko kagad ang desisyon ko umiyak pa yun. Kaya mamaya nalang. Pagkabili namin ng royal at cupcake umakyat na kami agad ng room, daily routine naming yun pagkaakyat naming sinarado na namin yung pinto and the party started! Nagkakakanta nanaman kaming dalawa sa harap, ganito lang talaga kami pag naiiwan kaming dalawa dito natatawa nga yung mga dumadaan eh. Tapos etong sila Mike paepal sumilip pa. Napatigil kami tas bumalik na kami sa upuan naming nagtakip ng panyo sa muka at nagusap na gamit ang sarili naming lenggwahe.

“Besy ano ba kasing balak mo mamaya?” Tanong ni Jeiah, mas excited pa sakin tong babae na to e.

“Mamaya na kasi, ikaw naman unang makakaalam.”

“Edi ngayon na nga! Mamaya pa e.” Kulit ang wala.

“Eh! Bahala ka diyan”

“Bayan e!”

“LALALALALALALALALALA ~ WALA AKONG NARIRINIG!” sinabi ko habang tinatakpan ko yung tenga ko sabay binatukan ako ng babaeng ‘to napakasira ulo talaga.

Pero ano nga ba isasagot ko? Oo ba o hindi? Naguguluhan parin ako.

Mike’s POV

Recess na naming ngayon, sa wakas! Gustong-gusto ko na siya Makita e. Pano ba naman kasi di ako nakalabas ng room dahil sa mga siraulo kong kaibigan tapos nung papalabas na ko dumating na si Maki-baoh! Kaasar talaga.

“Pre, una na ko sa baba!” Sabi ko kanila Romeo

“Ge, kunwari ka pa pre sisilayan mo lang naman ang pinakamamahal mong Airixh” Bago pa ko makapagsalita biglang gumawa naman ng eksena tong si Jake.

“O Ayris aking Irog,” sabay hawak niya sa baba ni Dave “Handa akong tahakin ang lahat makita’t makasama ka lang.” Walanjo talagang tao to.

“Juan ako’y patawarin mo ngunit hindi kita gusto, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo.” Pagkasabi ni Dave nun sinapak ko siya agad.

“Aray pre! Tarantado ka! Bakit mo ko sinuntok?”

“E bakit ganun yung speech mo? Lintek naman pre.”

“HAHAHAHAHAHHA! Ikaw naman, nagbibiro lang ako pre takte paganti hayuup!”

“G*go ka ba? Di pa ko naaaning para pagantihin ka! Ulitin mo yung speech mo pre baguhin mo! Takte nauudlot pagsilay ko sa ASAWA ko e.”

Maxx- Story of love , happiness and sadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon