Chapter 15: Decision making :D

214 17 2
                                    

Chapter 15:  Decision making :D

Airixh’s POV

Sunday ngayon, nagiisip ako. ISIP , ISIP, ISIP.

“Sasagutin ko ba?” tanong ko sa sarili ko. “Hindi kaya masiyadong mabilis?” tanong ko ulit. “Pero di’ba dapat ang relasyon ang pinapatagal? Saka paano kung na sa’kin na nawala pa. Paano nalang? Iyak-Tawa ko. Pero ano nalang sasabihin ng iba? Easy-to-get ako? Hayy ewan. Magdedesisyon ako! Bukas na bukas din.”  Ang creepy ko ba? Kinakausap ko talaga yung sarili ko madalas. Ako at ako lang din naman ang reresolba ng mga bagay bagay sa buhay ko eh. Kaya kailangan kinokonsulta ko yung sarili ko. Problema ko ngayon? Actually wala, trip ko lang gawing problema. Bahala na. Kailangan ko masagot ‘tong mga bumabagabag sa utak ko bago sumibol ang araw.

September 1, 2009

Eto ako bangag na nakangiti na nakasimangot na mukang nababaliw. Pero ngayon alam ko na yung gagawin ko, yun naman siguro yung dapat, sorry nalang. Eto na talaga naisip ko e, wala ng bawian ‘to. Bumangon ako agad para maligo ‘di naman kailangang pumasok ng maaga, trip ko lang. Mabait talaga kong estudyante. After 1hour, natapos ko na lahat ng kailangang gawin at nasa daanan na’ko papasok.

“Uy, si PJ! Di pa nakakaayos, mukang kakagising pa nga lang e >.< as usual, late naman yan lagi.” Sabi ko nanaman sa sarili ko. Daming taga-BLWC na nasa daan, in fairness sa mga panahon na’to madami pang early-bird sa school. Sa mga susunod na panahon kaya ganun padin? Di ko namalayan nasa school na pala ko, dami kasing iniisip masiyado. Buti di ako nasasagasaan kahit lagging wala sa kalsada at paglalakad ko yung focus ko. Buti nalang talaga. Pagkadating ko sa room, andoon na si Jeiah. Mukang binagsakan ng lahat ng planeta yung muka, bakit kaya?

Jeiah’s POV

Ang aga ko pumasok ngayon, kailangan kong makausap si Airixh dahil alam kong siya lang naman makakatulong sa’kin. Siyempre bestfriends nga kami di’ba? Kami lang talaga makakaintindi sa mga isipin at problema ng bawat isa. Medyo naiinip na ko saka inaantok na ko tapos nagugutom pa ko, wala padin yung bruha. Talaga naman, yung pagibig niya nandito na siya wala pa? Himala! Tinignan ko yung orasan ko, 10mins.palang pala ko ditto, masiyado lang pala kong mainipin nakakaantok naman kasi nu? Aga-aga ko nagising e. Maya-maya lang dumating na ang magaling kong kaibigan! Sa wakas! Babagsak na talaga yung mata ko sa antok e. Pagkapasok niya ng room nakatitig talaga sa muka siya sa muka ko, nakakailang tuloy tignan ko nga ng masama. HAHA >:D

 “Hoy babae. Ba’t muka kang nangutang sa 5-6 na di ka binigyan ng inuutang mo?” Ay naku, kung alam mo lang.

“Ay naku, may iniisip kasi ‘ko eh.” Tumaas yung isa niyang kilay alam ko na ibig sabihin nun. “Eh kasi ano eh-“

“Ano? Tagal magsabi o.” Di pa nga ko tapos batukan ko ‘to eh.

“Eh kung batukan kita? Ganito kasi yan e, my isa kasi dito sa classroom na ‘to na sabi may gusto daw siya sa’kin.”

“Oh?! TALAGA?!!! SINOOO??? TAPOOSS?” sabi naman niya na mukang excited

“Wag ka maingay ha?”

“Oo, bestfriend e.”

“Si .. si ano..”

“Sino? Ang tagal -.-“

“Si John” Sabi ko lang ng mahina.

o.O muka ni AIRIXH.

“OOOOOHH?????? HAHAHHAHAH! Sabi na may gusto sa’yo yun eh. Anong problema naman dun?”

“E kasi besy, nagtatanong siya kung pwede manligaw.”

“O tapos.”

“E ayun, diba bawal ako?”

“Edi sabihin mo sa kaniya na bawal ka.”

“Yun nga prooblema ko, di ko masabi.”

“Arte! Ako magsasabi gusto mo?”

“Wag sira!”

“Edi pumayag ka nalang. Haha” Psh. Minsan talaga may silbi to minsan din wala e.

“Paano kung mahulii ako?”

“Di naman siguro yan, ako bahala kay Danica.”

“Sige bahala na.”

“Ako may chika ko.” Tungkol lang to kay Panget malamang

“Ano?”

“Nagtanong na siya.” Reffering to Mike yun malamang

“O? Ano sabi?”

“Ganito yung kwento magkatext kasi kami dapat ni panget kaya lang naubusan ako load, e ayoko magload nagcomputer nalang ako tapos nagkachat kami.”

“Oh tapos?”

“Teka excited? Eto na nga oh.”

“Sorry lang.”

“Shuttap eto na, nagpm siya sakin sabi niya  “Hi Jean :)”  tapos “Busy kba? Chat naman tayo! Kasi daw may sasabihin siya. Tapos nagHi ako tapos yun na, nagsorry kasi nga tinulugan niya ko nung acquaintance tapos ayun sabi ko okay lang tapos may sasabihin daw siya.Tapooos

“Shuttap eto na, nagpm siya sakin sabi niya  “Hi Jean :)”  tapos “Busy kba? Chat naman tayo! Kasi daw may sasabihin siya. Tapos nagHi ako tapos yun na, nagsorry kasi nga tinulugan niya ko nung acquaintance tapos ayun sabi ko okay lang tapos may sasabihin daw siya.Tapooos 

"Oh tapos? Puro TAPOS ah”

“Tapos.. taposs!!” Hala kinikilig yung adik? Ano nangyari dito?

“Tapos sabi niya Pwede bang manligaw? Aaaaaaaaaaaaaaaah !!!!” 

“Huy ingay, o tapos ano sinabi mo?”

“Teka may karugtong pa yun eto sabi niya “Alam ko ang pangit ng way ko, kasi hindi manlang personal. Actually, I’m courting you ng di mo alam I guess since last month pa, ngayon ko lang talaga sinabi kasi mukang di mo talaga napapansin e. Nililigawan kita sa mga simpleng praan na alam ko, or I should say nagpaparamdam lang ako basta un. Dapat talaga kahapon ko to sasabihin kaso yun nga dumating si Cael.” 

“Oh? Sinabi niya yun? Tapos bilis tagal”

“Ayun sabi ko wag siyang magjoke etc., sabi niya di naman daw siya nagbibiro tapos yun pumayag ako.”

“Kelan mo sasagutin?” 

“Mamaya “

“Agad? Eh ano sasagot mo?”

“Oo walang basagan ng trip. Mamaya mo malalaman, kaya ikaw magdesisyon ka’na din.“

"Oo na, bahala na.”

Hayy. Buti pa yung besy ko problem solved na. Ako hindi ko pa alam gagawin ko. :(

Maxx- Story of love , happiness and sadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon