VII

97 4 0
                                    

VII.

Halos tulala ako habang palabas kami ng hospital ni Max. Parang pakiramdam ko ay hindi nagfufunction ng maayos ang utak ko.

"Zoe.." Halata ang pag-aalala sa boses ni Max.

"Yeah?" Nilingon ko ito.

"Ihahatid na kita sa inyo."

"No. I don't want to go home yet."

"Where do you want to go? Do you want me to call Ridge? Si Chris?" Umiling ako sa tanong niya. I don't know where to go. Kahit saan basta huwag sa bahay. Ayoko munang umuwi.

Hinila ako ni Maxine papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Tulala pa din ako.

- - -

"Max.. Zoe.." Nakuha ang aming atensyon nang tinawag kami ng ate ni Max. Tumayo kami sa kinauupuan namin at agad siyang sinalubong.

"Ano, ate?" May pag-aalinlangan nya akong tinignan.

"This prescriptions, possible siya sa taong may cancer. I can't tell kung ano specifically, pero based on these medicines..." tumingin ito saakin.

Nanghihina akong umupo at napahawak sa tuhod ko. My mom.... she's sick. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Gusto kong umiyak ngunit masyado akong nanghihina para doon.

- - -

Maxine is driving quietly. I don't know where are we going. I'm too pre-occupied to ask. I heard him talking to someone on her phone. Naka-loudspeaker siya kaya narinig ko.

"Hello, babe?" Oh.. so its Warren.

"Yes, babe?"

"Where are you?"

"I'm with Ridge. Bakit?"

"Nasaan kayo?"

"Nasa condo ni Ridge."

"Can you order a food for us? Papunta kami jan."

"Okay babe."

"Thanks." And the call ended.

I have a lot of things on my mind right now. Pero nangingibabaw saakin ang takot. Takot na mawala ang mommy ko sa akin. Takot na baka iwan niya kami. My mom and my dad are my life. Maaring kaya kong mawala ang kahit na ano sa akin wag lang sila. Kapag mahina ako, sila ang lakas ko. Sa kanila ako humuhugot ng lakas.

Hindi naman kalayuan ang condo ni Ridge kaya agad din kaming nakarating doon. Pagkapark ni Max ay agad akong lumabas.

"Max.." Agad naman ako nitong nilingon. "Don't tell Ridge please." Nagaalinlangan ito sa sinabi ko.

"Bakit, Zoe? Sa lahat ng tao siya ang pwede mong sandalan ngayon." Umiling ako.

"Masyado na siyang maraming iniisip. Ayoko nang dagdagan. Please, Max? I can handle this." I tried to give her an assuring smile but I know I failed to do so. 

Hindi na siya nakipagtalo sa gusto kong mangyari. Ayoko lang naman makadagdag pa sa iniisip ni Ridge. Alam kong problemado din ito sa set up ng pamilya niya. May sari-sarili kaming problema. And I know how weak he is emotionally. Siya ang tipo ng taong madaling tumiklop emotionally. Ayoko nang makadagdag pa. Ako ang kinukuhaan niya ng lakas ngayon. Paano niya iyon gagawin kung tingin niya ay mahina rin ako?

Pagkaraan ng dalawang katok ay bumungad pinagbuksan kami ni Warren ng pintuan. Agad yumakap ito kay Max. Dumiretso ako kay Ridge na nakaabang saakin at naka-ambang yakap. Sinalubong ko ito at sinubsob ang mukha sa dibdib niya. Gustong gusto kong umiyak sa bisig niya. Parang sa yakap niya, inaalis nya lahat ng problemang nakadagan saakin.

In Your Eyes | #KNMelancholiaWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon