Prologue:

549 11 0
                                    


"Napakabagal!!!!" Reklamo saakin ni Chris.

"Mamang, ano ba to bakit ba tayo nandito?" Hindi ko maintindihan kung bakit ako dinala ng baklang to dito.

"Bilisan mo okay?" Kinakaladkad na niya ko papunta sa isang abandonadong building.

"Safe ba dito?" Tanong ko. Ano bang trip nito at ngayong gabi pa ko dinala sa isang abandonadong building?

"Oo naman, anong tingin mo sakin ipapahamak kita?" Natatawa nitong tanong. Hinila ko ang kamay ko nang papasok na kami sa loob. Napakacreepy!!!

"Ngayon, oo pakiramdam ko ipapahamak mo na ako." Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Pinagformal dress mo ko para dalhin sa abandonadong building? Anong trip to, Chris?" Naghihisterical kong tanong.

"Bakla ka ang dami mong hanash. Tara na." Kinaladkad na niya ko papasok habang nagpupumiglas ako.

"Ayoko nga! Nakakatakot! Uuwi na ako!"

"Manahimik ka nga." Pagdating namin sa hagdan ay may kandila sa gilid ng bawat baitang nito. Huminto kami sa tapat nito.

"Ano to?" Tanong ko.

"Surprise. Go akyat ka na. May nagaantay sa taas." Tumaas ang kilay ko sa kaniya kaya inirapan niya ko. "Go na, girl. Masyado nang mahaba ang buhok mo. Wag mo na kong inggitin." Dagdag nito saka ko tinulak paakyat.

Dahan dahan akong naglakad paakyat. Sinusundan ko ang kandila bawat baitang ng hagdan hanggang sa makarating ako sa tuktok ng building. Hindi ito kataasan. Hanggang third floor lang. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sumalubong saakin ang malamig na hangin pagdating ko sa tuktok na palapag. Biglang tumugtog ang isang pamilyar na kanta at nakita ko ang taong mahal ko.

"Ridge.." Bulong ko. Ngumiti siya sakin. He's wearing a tux while holding a boquet of roses. Ang gwapo niya!

Lumapit siya saakin saka inabot ang bulaklak.

"Para sayo." Sabi nito. Tinanggap ko naman ang bulaklak.

"Thank you." Natatawa kong sabi. "What's this, Ridge?"

"Surprise for you!"

"Bakit? I mean anong meron?"

"Masama na bang surpresahin ang prinsesa ko?" Sabi nito at saka hinapit ang bewang ko. Kahit gano kacorny kinikilig pa rin ako.

"Ang corny mo!" Sabi ko sabay hampas sa dibdib nito. Nilahad nito ang kamay niya.

"Maaari ba kitang isayaw, binibini?" Natatawa kong inabot ang kamay ko. Nilapag ko ang bulaklak sa upuan. Nilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ko at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

Napangiti ako nang marinig ko ang pamilyar na kanta.

"Naaalala mo pa?" Tanong niya.

"Oo naman."

"Yan yung kanta nung graduation ball nung highschool kung kailan tayo nagkakilala." Sabi niya.

"Take note, matagal na kitang kilala. Diba crush kita non?" Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Oo na, pero dun kita nakilala. Bakit kasi hindi ka kagaya ng ibang nagkakacrush sakin noon na nagpapapansin?" Sabi niya nang naiiling.

"Yuck, tahimik lang ako magkacrush non no! Sikat ka sa school kaya kahit magpapansin ako, wala rin!"

"Anong wala rin? Napansin nga kaagad kita nung graduation ball eh." And then he flashed his uber sexy smile. Oh my god, ang gwapo ng boyfriend ko.

Niyakap ko siya habang nagssway kami kasabay ng tugtog. And as if on cue, the memories of the night of our graduation ball flashed into my mind.

- - -
Nasa dance floor ako kasama si Chris at iba ko pang kaklaseng babae. EDM ang tugtog kaya nagkakasiyahan kaming sumayaw.

"Go Chris!!" Sigaw ko sa kaniya habang tumatawa.

Natahimik kami nang namatay ang ilaw at nang bumukas ito ay dim lights nalang. Tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

In your eyes. (PLAY THE MUSIC)

Slow dance na. Paglibot ko ng tingin ko sa paligid ay may kanya kanya nang kasayaw ang lahat. Babalik na sana ako sa table ko nang may nakabangga akong lalaki.

"Hoy!!" Sigaw nito sa mga kaibigan niya. I assumed na tinulak siya. Napalingon siya sakin.

Ang gwapo niya talaga! Actually crush ko siya. Sikat siya sa school dahil nga gwapo. Madami ang nagkakandarapa sa kaniya pero wala akong nababalitaang nagiging girlfriend niya.

"Miss, sorry." Sabi nito.

"O-okay lang." Shit. Kinakabahan ako. Bakit ganito? Heart, manahimik ka jan! "Sige una na ko." Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa wrist. Napalingon ako ulit sa kaniya.

"Tutal nandito na tayo, nakakahiya naman kung hindi pa kita isasayaw diba?" Halatang nahihiya ito dahil nagkamot pa sya sa batok. Oh my god, totoo ba to?? Yung crush ko inaaya akong sumayaw? As in slow dance?

"O-oh sige." Naiilang kong sabi.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka nilagay sa balikat niya at nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Lord, kung ano mang ginawa kong maganda sa buhay ko, maraming salamat sa gabing to.

Umiiwas ako ng tingin sa kaniya dahil naiilang ako. Oh gods.

"Sinasayaw na kita pero hindi pa kita kilala." Sabi nito na nakapagpalingon saakin sa kaniya. "I'm Ridge.."

Tumango ako bago sumagot. "I know you, ofcourse. Sikat ka kaya dito." Ngumiti siya kaya natagalan ako bago ulit sumagot. Get your shits together, Zoe!! "I-I'm Zoe, by the way."

"Nice name." Ayan ngumiti nanaman siya nahulog nanaman ata puso ko!

Natapos na ang kanta at sabay kaming bumitaw. Nahagip ng mata ko si Chris sa gilid sa di kalayuan na halos mahimatay sa kilig. Kinagat ko ang lower lip ko saka tumingin ulit kay Ridge.

"Thank you." Sabi ko. "Sige balik na ko sa table namin." Pagtalikod ko ay saktong nagsalita ito.

"Wait, Zoe." Lumingon akong muli sa kaniya.

"Thank me by typing your number here." Sabi nito at inabot ang cellphone niya. Nanlaki ang mata ko. Kung nananaginip man ako, ayoko nang magising.

- - -

"Thank you for coming into my life." Bulong niya saakin.

"Thank you din, babe. I love you."

"I love you more." At hinalikan niya ako sa noo.

In Your Eyes | #KNMelancholiaWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon