MINNIE
Bakit ganon nilalamig ako... nakabalot ng kumot ang buong katawan ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Siguro ito yung epekto ng pagligo namin ni QUEN sa ulan. Si QUEN oo si QUEN naalala ko bigla. Natakot ako baka bumalik na ako sa pesent time baka wala na siya. Tama baba ako tatanongin ko si mama kung anung date ngayon para makasigurado. Bumaba ako ng hagdan kahit hilong hilo ako.
"Ma, A-anong date ngayon"- nauutal na sabi ko dahil nahihilo ako.
"Oh!!! Anak bakit ganyan itsura mo may lagnat ka ba??"-mama
"Ma!! Anong date nga ngayon!!!??"-ako
"Anak bakit mo tinatanong umupo ka nga dyan baka bigla kang bumagsak!!!"-mama
"Ma, si QUEN asan si QUEN???!!"-pagtatanong ko
"Anak nagdidiliryo ka ata!!! Anong si Quen??? Wala dito si Quen."-mama
"Mama si Quen gusto ko makita si Quen!!"-umiiyak na ako
"Teka nga kukuha ako ng gamot!! Dyan ka lang ha!!"-mama
Di ako mapakali hindi puwedeng bumalik ako sa PRESENT TIME, ayoko pa hanggat di ko masabi yung true feelings ko, hanggat di ko nababago ang lahat. Lumabas ako kahit alam kong hindi ko kaya at hilong hilo ako. Gusto kong puntahan si Quen, sisiguraduhin ko lang na hindi ako bumalik sa present time. Paglabas ko muntikan na ako matumba dahil sa hilo... hindi ko na talaga kaya... lumalabo na yng paningin ko at feeling ko babagsak na ako. Pero bago pa ako mahimatay nakaaninag at nakarinig ako ng boses...
"Minnie!! Minnie!! ok ka lang??" -yan yan ang huli kong narinig
_________________
(November 6)
QUEN
Papunta na ako sa bahay nila Minnie. Sabi niya kasi balikan ko daw siya. Ewan ko ba dun na miss daw ako.
At ngayon nasa harapan na ako ng bahay nila pero teka??? Sino yun… si Minnie pero teka bakit iba ata yung kilos niya anung nangyari dun teka babagsak ata. Kaya naman tumakbo ako kagad para saluhin siya kasi babagsak na ata.
“Minnie!! Minnie!! Ok ka lang??”-may pag-aalalang banggit ko
Ayun nawalan na ng malay. At binuhat ko siya papunta sa kwarto niya. Siyempre pinapasok ako ng mama niya. Sabi ng mama niya pag baba daw nito ako ang unang hinanap. Kaya naman gusto ni tita na ako daw muna magalaga at magbantay sa kanya. Pumayag na rin ako syempre kasalanan ko pa ata kasi naman inagaw ko sakanya yung payong nung umulan kahapon. Kaya ngayon pinupunasan ko siya ng malamig na tubig sa noo niya.
“Sorry Minnie!! Nagkasakit ka tuloy. Di ko na uulitin promise!!”-binabanggit ko ito habang pinupunasan ang noo niya at habang natutulog siya.
Tinignan ko yung mukha niya ang ganda pala talaga niya. Bakit ba kasi ang torpe ko di ko masabi yung nararamdaman ko sa kanya. Natatakot lang ata ako baka bestfriend lang ang turing niya sa akin. Bakit kasi sa isang matalik na kaibigan pa ako na in love.
Tatayo na sana ako para kuhain yung gamot niya sa baba pero may humila ng kamay ko.
“Quen, dito ka lang.”-matamlay na sabi niya.
_________________
MINNIE
Iminulat ko ang aking mata at nakita ko siya. Akala ko di ko na siya makita. Salamat at andito pa rin siya. Nakita ko siyang tumayo at paalis kaya naman pinigilan at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Quen, dito ka lang"-naghihina pa rin na sabi ko.
"Buti nagising ka na nagalala ako sayo!! Bakit kasi bumangon ka kung alam mo namang masama ang pakiramdam mo??"-may pagaalalang tanong niya sa akin
Tinangka kong bumangon para makita at makausap siya ng maayos pero pinigilan niya ako.
"Teka, teka anong gagawin mo?? Huwag ka nang bumangon. May kailangan ka ba, ano tubig o gamot ba anu sabihin mo kukuhain ko. Teka sige kukuhain ko lang yung gamot mo para makainom ka na."-Quen
Hindi ko na siya hinayaang umalis pa, siya lang ang kailangan ko at siguradong gagaling ako. Hawak ko ang kamay niya at hinila siya papalapit sa akin.
"Quen di-dito ka lang. Wag mo ko i-iiwan."-nanginginig pa ang boses ko dahil nilalamig pa rin ako
Bumalik siya sa kinauupuan niya sa tabi ko.
"Sige dito lang ako."-mahinahong sabi niya
Hinimas himas niya yung ulo ko. Pagkatapos bumangon ulit ako. Gusto ko siyang yakapin, kase baka kinabukasan, mamaya, or kahit anong oras puwede akong bumalik sa present time kaya hanggat may oras pa ko gusto ko siyang yakapin. Babangon na sana ako kaso pinipigilan niya ako. Pero pinnilit ko pa ren. Bumangon ako tapos niyakap siya!!
"Quen dito ka lang ha!! Nilalamig ako. Please dito ka lang wag ka aalis."-sabi ko habang yakap yakap siya ng mahigpit
“Oo dito lang ako promise basta magpagaling ka ah. teka kukuhain ko lang yung gamot mo promise saglit lang to”- umalis na siya sa pagkakayakap ko at pinahiga ulit ako.
Pagkatapos ng ilang minuto nakabalik na siya sa kwarto ko dala dala ang gamot at tubig.
"Oh ito na inumin mo para gumaling ka."- hawak hawak niya ang baso at pina inom ako
"Sorry Minnie. Dahil tuloy sa akin nag-kasakit ka."-Quen
"Tatangapin ko yung sorry mo basta alagaan mo lang ako. Hanggang sa gumaling ako."-pagbibiro ko sa kanya
Pero sa totoo lang gusto ko naman talagang siya ang mag-alaga sa akin para nasa tabi ko lang siya
"Oo ba!! Gusto mo dito pa ako matulog para maalagaan kita.??"-sagot ni Quen sa akin
"Wag na baka mapagod ka lang at ikaw pa mag-kasakit. Ayokong mag-alaga sayo noh!!"-pagbibiro ko ulit
"Oh sige na!!! Pagkatapos mong kumain diyan matulog ka na ulit para humaba yung pahinga mo at gumaling ka na. Ayoko rin namang alagaan kita ng matagal. Pero siyempre joke lang yun!! Kahit aong oras andito lang yung bestfriend mo para alagaan ka!!"-Quen
"Sus!! Nambola ka pa!!" -ako
Pagkatapos kong kumain pinatulog na ako ni Quen.
"Sige matulog ka na."-Quen
"Teka di ka pa ba uuwi."-pagtatanong ko
"Hindi pa hintayin muna kitang makatulog. Gusto mo kantahan pa kita??"-Quen
"Wag na ano ako bata?? Sige wag kang aalis hanggat di pa ako natutulog ha??"-ako
"Sige na matulg ka na. Di ako aalis sa tabi mo dito lang ako promise. :)"-Quen
Ipinikit ko na ang mga mata ko. Sana pag gising ko makita ko pa rin siya.
END OF CHAPTER 5
Pls vote ang comment thank u. thank u ulit sa mga bumabasa nito.
BINABASA MO ANG
Magic Flower (HIATUS)
РазноеGIVEN THE CHANCE, WOULD YOU GO BACK AND CHANGE EVERYTHING IN YOUR LIFE?