Chapter 17: MISSING BRACELET

245 17 5
                                    

(November 19)

MINNIE

Dalawang araw ang nakalipas simula nung friendly date kuno, namin ni Quen at pangatlong araw ko na ‘tong suot suot itong bracelet na binigay niya sa akin. Hindi ko talaga hinuhubad kahit naliligo, naghuhugas ng plato o kahit ano man yang ginagawa baka kasi kung saan ko mailapag kapag hinubad ko at mawala at malalagot ako kay Quen kapag nangyare yun. Sabi niya kase sa akin huwag ko daw itong walain!

-----

Heto na naman po ako at naghihintay kay Quen, sabay kase talaga kami pumasok eh, ewan ko kung bakit???

*tok* *tok* Siya na ata ang kumakatok buti naman maaga niya akong pinuntahan kundi ma le-late na naman kami.

Pagkabukas ko ng pinto ang laki ng ngiti niya!! Ganyan talaga siya sumalobong kapag pinagbubuksan ko siya ng pinto, di ata nauubusan ng energy yang si Quen minsan nga sobrang hyper niyan napapansin niyo naman po siguro sa mga ibang chapter na may pagka hyper talaga siya, di ko nga alam kung saan siya pinaglihi eh. 

“Hi Minnie!! Ano?? Ready ka na ba alis na tayo baka ma late pa tayo at lagot tayo sa prof natin.”-sabi niya na may halong ngiti pa ren di ba siya napapagod ng kakangiti.

“Tigilan mo na nga yang pagngiti mo!!! Di ba nangangalay yang bibig mo sa kakangiti??”-tanong ko sa kanya

“Hindi!! Di ko ren alam kung bakit lagi akong nakangiti eh?? Basta pag nakikita ko girlfriend ko napapangiti talaga ako ang saya ko talaga. Ahehehe!!!”-ayan nanaman po girlfriend na naman tawag niya sa akin, ang hyper na naman niya kase ngayong araw eh :33

“Binola mo pa ako!! tsss!!”-binatukan ko nga ako daw nagpapangiti sa kanya. Pero aminin natuwa ako sa sinabi niya!! :) kaya pala araw araw siyang nakangiti!!

“Totoo talaga yun promise!!!”-sabi niya tapos sabay taas ng kanang kamay at nakita ko yung bracelet niya

“Teka suot mo ren ba yung bracelet mo??”-lagi niya talaga sinisigurado kung lagi kung suot yung bracelet na binigay niya sa akin bago kami pumasok tapos itinaas ko yung kaliwang kamay ko para ipakita sa kanya na suot ko yung bracelet!!

“Opo suot ko po.”-sagot ko sa kanya habang nakataas pa ren yung kaliwang kamay ko. At bigla niyang hinawakan yung kaliwang kamay ko yung may bracelet tapos yung kamay na pinanghawak niya eh yung kanang kamay niya yung may bracelet den tapos tinignan niya yung dalawang kamay naming na magkahawak.

Tapos kinuhanan niya ng litrato gamit ang cellphone niya,

“Ang ganda talaga!! Bagay sayo at bagay ren sa akin!! :D”-sabi niya habang pini-picturan niya yung dalawang kamay naming na magkahawak ang laki pa ren ng ngiti niya

Hindi pa ren binitawan ni Quen yung kamay ko nung matapos niya ng kuhaan ng litrato yung kamay naming na may suot ng bracelet.

“Ok na?? Bitawan mo na ako.”-sabi ko sa kanya

“Bakit ko bibitawan??”-tanong niya tapos hinila niya ako,

----------

Hanggang dito sa jeep hawak hawak ni Quen yung kaliwang kamay ko. Aissh!!! Ano ba ‘to nakakahiya bakit ba ayaw niyang bitawan kamay ko?? tinitignan tuloy kami ng mga tao dito!! Aissh!!

“Hoy Quen!!! Puwede bang bitawan mo na ako?? Ano bang trip mo bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko??”-tanong ko sa kanya nahihiya na talaga kasi ako eh!!

“Eh kase tignan mo ang ganda!! Bagay sa ating dalawa yung bracelet!! Natutuwa lang kasi ako, proud ako sa binigay kong bracelet sayo kaya hawak hawak ko kamay mo!! :D!!”-aisshh!! Tignan mo nagiisip bata na naman siya!! (o3o)

Magic Flower (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon