MINNIE
(Nov. 5 part 1)
Nagmamadali akong bumaba sa sala para makita kung si QUEN nga kahit may muta at amoy laway pa ako, bumaba pa rin ako.
Bumaba nga ko ng sala pero wala namang tao niloloko ba ako ni mama?? Ha?? Bakit naman?? Anung purpose ni mama?? Pero narinig kong bigla ang pintuan ng cr namin na bumukas!! Tinignan ko kung sino yung tao dun.
O_____O totoo nga totoo talaga!! Gulat na gulat ako
"QUEN di ako makapaniwala ikaw nga!" -nagulat ako nung nakita ko siya
Nilapitan ko siya at niyakap ng mahigpit. Bumalik nga ako sa past at buhay si QUEN!!
"Aiissh!! Ok ka lang ba?! Anu nangyare ?? At bigla mo ko niyakap??"-nagulat na sabi ni Quen
"Quen!! T_T huhuhu!! Sorry Quen!! Sorry talaga! T_T " -sabi ko habang umiiyak
"Ha?? Bakit naman?? Hoy ok ka lang ba talaga?? Bakit ka umiiyak??" -nagaalalang sabi ni Quen
----->>>> NASA SIDE YUNG PICTURE NI QUEN ANG CUTE NIYA NOH???
"Na miss lang kita masama ba??" -
"Aiiissh! Kahapon lang nagkita tayo na miss mo na ako kagad.?uhmm Minnie alam mo maligo ka na!! Amoy panis na laway ka eh! Hahhaha!"-pagbibiro niya grabe totoo talaga 'to nandito siya sa harapan ko
"Ang sama mo talaga sige teka hintayin mo ko maliligo lang ako" -sabi ko sabay palo sa kanya
Ang saya saya ko talaga!! Di baleng panaginip o hindi panaginip ito basta andito si Quen at kasama ko uli siya. Teka teka bakit nga pala kami aalis. Ano ba lakad namin?? Binalikan ko si Quen, at tinanong ko siya kung saan ba kami pupunta.
"Quen!! Quen!! Saan ba tayo pupunta?? -tinanong ko siya dahil di ko na maalala eh
"Ok ka lang ba?? Pupunta tayo ng bookstore ikaw pa nga nagyaya sa akin dahil gusto mo samahan kita!!! Ok ka lang?? - nagtatakang tanong ni Quen
"Ah!! Oo!! Sorry sorry!! Sige ligo na ako."
Ah oo naalala ko na tama nga book store ang punta namin. Nov. 5 pala ngayon. Tama bumalik nga ako sa past. Di ko alam kung dahil ba dun sa bulaklak na yun! Pero salamat dun sa misteryosong matandang lalaki na yun at binigay niya sa akin yung bulaklak.
Inayos ko na ang mga gamit ko nang matapos na kong maligo at pumunta sa sala. Kinuha ko ang payong ko dahil siguradong uulan, siyempre alam ko yun noh... natatandaan ko pa kaya umulan nun ng bumili kami ng libro sa book store.
"Oh ano yan may payong ka?? Mukha namang di uulan ang init init eh!!"-Quen
"Hay! Alam mo magtiwala ka lang sa akin uulan yan!! At saka ok rin namang magdala ng payong para sigurado"
"Hay naku! Halika na nga." -yaya niya sa akin sabay hawak ng kamay ko
Na miss ko tong hawak ni Quen yung malambot niyang kamay bigla na namang tumulo ang luha ko.
"Oh bakit??? Ano nanaman nangyayare sayo. Umiiyak ka na naman?? -nagaalalang sabi ni Quen.
Pinunasan ko yung luha ko.
"Ok lang ako napuwing lang"-palusot ko
Tapos niyakap ko siya ulet at nagulat siya sa ginawa ko.
"Ok ka lang ba talaga??"- nagaalalang sabi ni Quen
At habang yakap yakap ko siya tumutulo pa rin ang luha ko.
"T_T ok lang ako promise. Gusto lang kitang yakapin ng matagal. Ayokong lumayo ka ulet sa akin. At ska wag mo ako iiwan!! Wag ka na aalis ah!"
"Ako aalis at lalayo sa iyo.?? At hinding hindi kita iiwan noh! Promise yan kasi ako ang bestfriend mo kaya hinding hindi kita iiwan. Promise yan! Ano bang nangyayare sa iyo nagiging emosyonal ka di ka naman ganyan dati ah! Gusto ko lagi kang masaya. Ngiti ka na." - paglalambing niya
"Sige basta yung promise mo ha!! Hindi ka aalis at di mo ko iiwan!!" -at tumigil na ako sa paghikbi
"Oo promise tara na baka gabihin pa tayo."
.....
Andito na kami ngayon sa sakayan ng jeep naghihintay ng masasakyan.
"Uhmm Minnie may itatanong ako sa iyo anong type mo sa lalaki??"
Natawa na lang ako sa itinanong niya sa akin. Syempre alam ko kung bakit niya tinanong sa akin yun diba nga may gusto siya sa akin.
"Pfffft!! Bakit mo naman biglang na itanong?? May gusto ka sa akin noh!!?"-pabirong sabi ko
"Ha??? Wala noh! Wala wag ka ngang magisip ng kung anu ano hay naku never mind na lang!" -naasar na sabi ni Quen
"Anong type ko sa sa lalaki?? Syempre yung mabait, matalino, God-fearing, at gwapo. Katulad mo."
"Ano!!!?? Katulad ko??? Minnie pinagloloko mo nanaman ako ha!!"
"Hahaaha!! Bakit ganon ka naman diba?? Oh may jeep na sakay na tayo!"
Nasa jeep na kami ni Quen at bigla itong tumahimik.
"Hoy!! Natahimik ka ata??"- tanong ko sa kanya
"May iniisip lang ako!!"
"Siguro nainis ka sa akin noh!?"-
"Ha? Bakit naman??"
"Kasi biniro nanaman kita kanina. Sorry na!! Di na mauulit."
Ayaw kasi ni Quen na binibiro ko siya pag seryoso yung mga tanong niya.
"Ok. Ok. Sige na. Seryoso kasi ako kanina eh! Ikaw kasi!"
"Oh malapit na tayong bumaba. Ma, para po!"
Tumigil ang jeep at tumayo na si Quen at siya ang naunang lumabas ng jeep kasunod ako nang makalabas na ako. At patawid na kami sa kabilang kalye may sasakyang mabilis magpatakbo at....
**beeep** **beeep**
"QUEN!!"
END OF CHAPTER 3
Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Quen?! Nasagasaan ata oh no!! Ano ba yan bumalik nga sa past si Minnie para masabi yung feeling niya tapos mawawala rin pala kaagad hala!! Hindi puwede yun. Abangan niyo na lang kung anong nangyare.!!
A/N: Inedit ko po pala yung chapter 2 ko. Wala po kasing mga space eh! Sorry.
PLEASE VOTE THANK YOU..
BINABASA MO ANG
Magic Flower (HIATUS)
AcakGIVEN THE CHANCE, WOULD YOU GO BACK AND CHANGE EVERYTHING IN YOUR LIFE?