Chapter 29: THIS IS IT!

170 16 1
                                    

A/N: Omo!! Ito na!! December 5!!

Na e-excite na ba kayo??  Alam nyo ba kung ano meron sa december 5?? This is it!

(December 5)

MINNIE

Ano ba itong feeling na 'to. Parang may mangyayari eh. At parang kinakabahan ako bakit ganoon??

Oo nga pala nawala yung sakit na naramdaman ko nung nalaman ko na hindi naman pala si Quen ang humalik kay Faye. Ang saya!! Hahahahaha!

Teka naalala ko rin pala na may sasabihin si Quen sa akin ngayon. Ano kaya yun??? Parang kinakabahan ako eh.

Tumingin ako sa alarm clock na nakalagay sa bedside table ko. 9:00 ang aga ko naman palang nagising.

Sa tabi ng alarm clock ko eh nandoon ang cellphone ko kinuha ko ito at binuksan.

May text si Quen.

"Minnie kung natatandaan mo may sasabihin ako sayo mamaya huwag ka munang uuwi. Pumunta ka nga pala sa rooftop ng school pagkatapos ng last class mo."-sabi nito sa text. Sa rooftop bakit? Anong meron? Aish kinakabahan talaga ako eh. Parang may sasabihin siyang ... ughhh! ewan!

SCHOOL

Di ako sinundo ni Quen bakit kaya??

Pagdating ko ng room eh wala pa siya. Nasaan na kaya yun. Anong oras na ilang minuto na lang dadating na yung prof namin.

Dumating na nga yung prof namin at wala pa rin siya.

15 minutes ang lumipas at dumating siya tuloy tuloy lang siya sa upuan habang nakayuko. Hindi naman siya pinansin ng prof namin.

"Quen bakit late ka??"-mahinang tanong ko

Pero di niya ako sinagot. May problema na naman 'to. Tsss..!

QUEN

Ngayon, ngayong araw na aaminin ko na talaga sa kanya.

"Quen please lang wag ka ng maging torpe, tapangan mo na."-sermon ko sa sarili ko.

Imi-meet ko siya sa rooftop at sasabihin ko na ang nararamdaman ko lahat lahat!

This is it! Walang backout backout!

Hindi ko siya sinundo dahil baka pag nakita at makausap ko siya bigla na naman akong maduwag.

Nag text na lang ako sa kanya na pumunta siya sa rooftop ng school.

Pagpasok ko ng room namin hindi ko siya pinansin. Bahala na kung ano yung isipin niya.

Nag-ring na ang bell. Lunch time. Tinawag ako ni Minnie. Humarap naman ako sa kanya si ko talaga kayang di siya pansinin.

"Quen bakit di mo ko sinundo?"-tanong niya.

"Ano kase may ginawa pa ako."-palusot ko.

"Ah."-maikling sagot niya.

"Mamaya Minnie ha! Sa rooftop mahalaga talaga 'tong sasabihin ko."-sabi ko

"Hindi ba puwedeng ngayon mo na sabihin??"-tanong niya.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng poker face.

"Fine. Sige na mamaya na lang."-sabi niya habang nakataas ang kamay na parang sumusuko.

"Psssh.. ang kulit mo kase. Sana di ka mabigla."-sabi ko.

"Anong di mabigla ?? Saan?"-ay naku! Bakit ko sinabi yun??

Magic Flower (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon