I think panaginip na naman ‘to kasi andito na naman ako sa lugar na maraming bulaklak anu ba kasing tawag sa lugar na ‘to??
“Magic Flower’s Garden, ang tawag dito iha.”-hala nagulat naman ako bigla na naman sumulpot yung matandang lalaki,waaaahh!! Ang astig naman nung pangalan nitong lugar na ‘to MAGIC FLOWER’S GARDEN, at teka paano niya nalaman yung nasa isip ko??
“Magic Flower’s Garden?? Yun po pala ang pangalan. Teka siguro po may sasabihin na naman po kayo sa akin na hindi ko na naman maiintidihan, tama ‘ho ako diba??”-tanong ko sa kanya kasi lagi naman ganito dumadalaw siya sa panaginip ko kapag may sasabihin siya.
“Tama ka iha, may itatanong lang naman ako sa iyo kilala mo na ba kung sino yung tutulong o sisira sa relasyon niyo??”-tanong niya sa akin
Oo nga noh?? Sino nga kaya!! Pero may hinala na ako, pero imposible naman na siya eh ang bait bait nung lalaking yun eh!! Mukha pang anghel, anghel na singkit hahahah!!
“Hindi nga po eh!! Bakit po ba nagpadala kayo ng sisira o tutulong sa relasyon ko kay Quen??”-tanong ko sa kanya, ginugulo na naman niya yung pagiisip ko.
“Isang pagsubok lang yan iha. Kapag nahulog ka pasensya ka na pero di mo matutupad yung misyon mo at di ko pahahabain ang oras na makakasama mo siya.”-heto na naman po siya di ko na naman siya ma gets
Kapag nahulog ako saan sa bangin?? Kasi naman di niya kinukumpleto yung mga sinasabi niya!! :3
“Hindi ko na naman po kayo maintindihan?? Bakit po ba kasi ang lalalim ng mga sinasabi niyo minsan naman po hindi niyo kinukumpleto!!”-pagrereklamo ko sa kanya
“Pasensya ka na iha dahil limitado lang ang mga sinasabi ko sayo. Hindi ko puwedeng sabihin sayo lahat.”-sabi niya sa akin at bumunot siya ng isang bulaklak na nasa harapan niya at binigay niya sa akin
At pagkatapos niya ibigay sa akin yung bulaklak nandilim na ang paningin ko natapos na naman yung panaginip kong ito.
-----------------------------------------
(November 12)
MINNIE
SCHOOL...
"Minnie!! Gising!!! Uy tapos na yung klase!!"-may gumigising sa akin inaalog alog niya yung balikat ko
"Uhhhh!! Hay!! Grabe nakatulog pala ako sa klase!!"-tumingin ako kung sino yung gumising sa akin si Quen pala
"Puyat ka ba??"-tanong niya sa akin
Oo puyat ako alam niyo kung bakit nagpuyat lang naman ako dahil dun sa grupong EXO na yun kasi nanuod ako ng mga videos nila, tapos ayun hanggang sa di ko na namalayan yung oras. Ang cute kasi nila lalong lalo na yung Chanyeol, tapos ang galing pa kumanta nung D.O., lalong lalo na yung Chen at ska yung Baekhyun, tapos ang cute den nung Xiumin kamukha nga siya ni Gab eh.
"Huy!!!"-tinap ni Quen yung balikat ko at nagising ako sa pag de-daydream ko
"Ay!! Sorry!! May iniisip lang ako"-sbi ko habang nakangiti na go-good vibes ako kapag naiisip ko yung exo eh..
"Ano?? Tara na sa cafeteria??"-pagyaya ni Quen sa akin
"Tara."-sagot ko naman na may halong ngiti sadyang masaya lang ako ngayon
CAFETERIA...
"Minnie hintayin mo ako dyan ha!! Ako na bibili ng pagkain natin."-paguutos ni Quen
"Ok. Sige alam mo na yung ibibili mo sa akin ah.. burger!!!"-sabi ko na nakangiti pa ren.
"Sige!! Sige!!"-sabi niya tapos tumakbo at umalis na siya papuntang counter
BINABASA MO ANG
Magic Flower (HIATUS)
De TodoGIVEN THE CHANCE, WOULD YOU GO BACK AND CHANGE EVERYTHING IN YOUR LIFE?