Chapter 32: FAYE AND GAB

205 8 0
                                    

Special Chapter po ito ni Faye at Gab. Enjoy.

GAB

(December 9)

Hays. Nakakawalang gana pumasok. Andito ako ngayon sa condo ko.

At nakahiga lang sa kama habang nakatitig sa kisame.

Bakit ba kailangan ko 'tong gawin?? Mukha namang walang patutunguhan 'to!

Alam ko namang mahal na mahal niya yung lalaking yun. Di yun kaagad mahuhulog sa akin.

At sinasaktan ko lang rin ang sarili ko. Hays!!

"Nasabi ko na sa iyo diba hindi ka puwede mahulog sa kanya. Siya dapat ang mahulog sayo."-paalala niya sa akin. Alam ko naman yun eh. Pero.. sa pinapakita niya sa akin sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya diba?

"Alam ko po iyon."

"Pinaalalahan lang kita, EROS."

Eros. Eros talaga ang totoo kong pangalan.

Kung sa greek mythology si Eros ang god na nagiging kupido ng mga lovers sa mundo naman namin ako naman ang tagasira ng isang relasyon.

Ako ang tagasubok kung tapat nga ba sila sa isa't isa.

Bawal daw ako mahulog sa kanya o ma inlove sa babaeng susubukan ko.

May nangyari na kasing ganoon dati na na inlove yung tagasubok sa isang tao.

Ang nangyari bigla na lang ito nawala nung babalik na dapat siya sa MAGIC FLOWER'S GARDEN.

Hays.! Paano ako hindi iibig sa ganoong babae??

Kakaiba kasi siya sa lahat ng babaeng nameet ko dito. Sa mga ngiti pa lang niya eh mahuhulog ka na at kung paano niya pakitunguhan ang isang tao.

Bumangon na ako at ginawa na ang dapat gawin bago ako pumasok.

----------

SCHOOL

"Minnie!"

"Hi."-maikling sagot ni Minnie nung tinawag ko siya bago siya makapasok ng room niya.

"Kamusta na? Ok na pala kayo ni Quen?"

"Ah.. ano.. oo."-bakit ganoon parang di siya komportable sa akin ngayon.

"May problema ba??"-mukhang meron kasi eh.

"Wa-"-di natuloy ni Minnie yung sasabihin niya dahil biglang dumating si Quen.

"Minnie!"-tawag niya dito. Humarap naman sa kanya si Minnie at nginitian niya ito.

Kay Quen lang talaga siya nakakangiti ng ganyan.

Nakita naman ako ni Quen at tumingin siya sa akin.

"Uy pre!"-bati niya sa akin.

Nginitian ko lang siya bilang tugon.

"Girlfriend ko nga pala baka di mo pa alam."-sabi ni Quen sabay tingin kay Minnie.

Oo alam ko na yun.

Ngumiti lang Minnie. Tumingin siya sa akin at may nakita ako sa mata niya. Parang gusto niya mag sorry. Pero bakit sa akin? Hindi na kailangan.

Biglang tumahimik kaming tatlo ng dumaan si Faye.

Tumigil siya sa likod ko. Pero nakayuko lang siya at di inaangat yung mukha niya.

Pero mayamaya ay inangat niya rin ang ulo niya at tinignan si Minnie at Quen.

Magic Flower (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon