EROS (GAB)Magic Flower's Garden
"Binalaan na kita. Sabi ko hindi ka puwedeng mahulog sa kanya."
"Alam ko po."
"Kaya di ka na puwedeng gumawa pa ng misyon di ka na makakabalik pa doon."-paalala niya sa akin. Alam ko naman na ito ang mangyayari.
"At dahil di ka sumunod siguro naman alam mo na ang magiging parusa mo?"
"Parusa?"-wala akong alam sa sinasabi niyang parusa.
"Mawawala ka na rito. Hindi ka na puwede rito Eros."
----
(December 24)
MINNIE
Nag-hahanda na ako papuntang grocery para mamili ng ihahanda namin mamayang Noche Buena.
Ang bilis ng panahon nuh? Pasko na agad? At lalo pang nagiging ok yung relasyon namin ni Quen. Going strong kunmbaga.
At saka oo nga pala di ko na rin nakita si Gab simula nung bigla na lang siyang nawala na parang bula.
"Quen. Halika na!"-hinila ko na patayo si Quen sa upuan.
Andito kasi siya sa amin. Tinawagan siya ni mama samahan daw akong mamili.
Sabi ko naman wag na. Pero makulit si mama eh. Sabi niya masyado daw marami yung pamimili niya sa akin.
Kaya kailangan ko daw si Quen. Ginawa pang katulong si Quen diba?
"Sige po tita. Alis na po kami."-pag-papaalam ni Quen kay mama.
"Sige. Ingat kayo ah! Salamat Quen."
"Wala po yun tita basta si Minnie"-sabi ni Quen sabay kindat sa akin.
"Kadiri! Wag mo nga akong ganyanin!"-pero sa totoo lang namula ako dun sa kindat niya. Ang pogi eh!
"O sige na sige na! Tara na!"-pag-yaya niya sa akin. Kaya naman lumabas na kami ng bahay.
Pag-labas ko naman may nakita akong kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin.
"Ano ba naman 'to nakaharang sa daraanan. Naku kailangan ko atang mag-lagay ng No Parking dito."-naiinis na sabi ko.
Mag-lalakad na sana ako ang kaso hinila ako bigla ni Quen.
"Oh? Saan ka pupunta?"-ano ba 'to? Nakalimutan niya ba kung saan yung papunta ng grocery?
"Diba mamimili tayo? At dito ang daan papuntang grocery. Kaya tara na!"-hinila ko na siya ang kaso pinigilan niya ako.
At nagulat ako dahil hinila niya ako papunta doon sa kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin.
At binuksan niya yung pinto nung kotse.
"Uy! Anong ginagawa mo? Baka magalit yung mayari ng kotse."-isinara ko ulit yung pinto nung kotse.
"Di magagalit yung mayari niyan. Dahil ako ang nag-mamayari niyan."-eh? Talaga? Siya mayari nito? Di nga? Si Quen?
"Ha? Ikaw? Paanong?"-nagtatakang tugon ko.
"Regalo sa akin ni papa."-oo nga pala di ko nasabi sa inyo nag-birthday pala 'tong si Quen noong nakaraang araw.
Simple lang yung regalo ko couple shirt lang naman. Baduy nuh?
"Ah. Ok. Wow Quen umaasenso ka ha!"-pag-bibiro ko sa kanya.
"Ano tara na? Ikaw ang unang babeng isasakay ko diyan sa bago kong kotse."-pagmamayabang niya. Aba! Dapat lang noh! Hmmp..
"Dapat lang nuh! Wag mong sabihing may isasakay ka pa dito maliban sa akin?"-tignan ko siya ng masama.
"Oo. Bakit ikaw lang ba ang puwedeng babaeng isasakay ko dito?"-ano? Meron nga siyang balak isakay.dito na babae maliban sa akin.
"Hay! Ewan ko sayo!"-isinara ko yung pinto ng kotse niya ng malakas at nag-lakad palayo.
"Uy! Ano ka ba!!"-pag-habol niya sa akin. Pero di ko siya pinansin.
"Si mama lang naman ang isasakay ko! Ikaw naman pati ba naman kay mama nagseselos ka!"-napatigil ako sa sinabi niya at hinarap siya.
At nakita kong nakangiti siya ng malaki.
"Bakit ka nakangiti?"-pag-tataray ko.
"Nakakatawa ka kasi. Tara na nga!"-pagkatapos nun sumakay na ako.
----------
Pagdating namin sa grocery ay kumuha na kami agad ng cart. Ang dami kasi ng pinamili ni mama.
"Ito pa oh!"-sabi ko at kinuha yung ketchup.
"Ok na kumpleto na."-dagdag ko pa.
Pupunta na sana kami sa counter para mag-bayad ng makasalubong namin si Faye.
Natigilan kami sa pag-lalakad at pati na rin siya.
Di ko na nga nakikita 'tong si Faye na laging umaaligid kay Quen.
Ang huli kong naalala ay nung hinalikan niya si Quen pagkatapos nun di na siya lumalapit sa amin.
"A-ano.. Faye kamusta ka--"-di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil hinila na ako ni Quen.
"Teka lang!"-pag-tawag niya sa amin.
"Quen wait lang!"-pumiglas ako sa pag-kakahawak sa akin ni Quen at hinarap ulit si Faye.
"Halika na nga Minnie. Wala ka namang mapapala diyan."-inis na sabi ni Quen.
"Sorry."-natigilan si Quen ng marinig niya yung pag-sorry ni Faye habang nakayuko ito.
Mag-sasalita pa sana si Quen. Pero bigla na lang tumakbo palayo si Faye pagkatapos niyang mag-sorry.
"Buti naisipan niyang mag-sorry."-humarap ako kay Quen.
"Ang sama mo! Yan tuloy unalis siya agad ikaw kasi! Ang sungit mo sa kanya."-pinalo ko siya sa dibdib.
"Tsk! Hinalikan niya kaya ako ng dahil tuloy dun nagalit at nag-selos ka."-nakangisi siya nung binaggit niya yung selos.
"Hindi ako nag-seselos. Halika na nga mag-bayad na tayo. Ang dami mo pang sinasabi diyan!"-hinila ko na siya papunta sa counter.
Ilang minuto din yung tinagal namin sa counter dahil sa dami ng binili namin.
Pag-katapos nun pumunta na kami kung saan nakaparada yung kotse niya.
Habang nag-lalakad napapansin kong ubo ng ubo si Quen.
Napapansin ko lang laging ubo ng ubo 'tong si Quen. Parang hindi na nga gumaling eh. Kasi lagi ko siyang naririnig na ubo ng ubo. Para na nga siyang aso eh.
"Alam mo Quen. Napapansin ko lang ubo ka ng ubo. Kung magpa-checkup ka na kaya? Kasi parang di na gumaling yan."-pag-aalala ko sa kanya.
Nilagay ko na yung pinamili namin sa loob ng kotse niya habang kausap siya.
"Naku Minnie simpleng ubo lang 'to wag na natin ipa check-up."-tugon niya.
Nilapitan ko siya.
"Sigurado ka?"-may pakiramdam kasi ako na medyo may kakaiba na sa pag-ubo ni Quen.
"Oo. Sakay ka na. Alis na tayo."-maikling sagot niya.
Sumakay na ako. At di ko alam kung bakiy pero feeling ko kinakabahan ako.
Nag-aalala ako sa kanya.
----------
Sorry :( ngayon lang po nakapag-UD.
VOTE AND COMMENT naman po kayo. Para sipagin ako mag-UD hahaha XD.
Naku mukhang nakakalimutan na ata ni Minnie na nasa past lang siya ah!
~Yeolie~
~Kamsa~
BINABASA MO ANG
Magic Flower (HIATUS)
РазноеGIVEN THE CHANCE, WOULD YOU GO BACK AND CHANGE EVERYTHING IN YOUR LIFE?