Kaibigan?

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung uso ba ngayon ang lamangan
Dahil kahit magkakaibiga'y naghahatakan
Upang kasikatan ay kanilang makamtan
At upang mapansin ng kanilang napupusuan

Bawat isa sa kanila'y may sarisaring kwento
Hindi mo alam kung sinong nagsasabi ng totoo
Kanilang sinasabi sa iyo'y nag papagulo
Kaya't ikay masisiraan na ng ulo

Harapharapan silang nag plapastikan
At pag naka talikod ang isa'y pagchichismisan
Halata mo sa kanila kasinungalian
Lalo na pag nagbabatian

Magkakalaban ang turingan
Mga uhaw sa kasikatan
Pati narin sa karangyaan
Ngunit sa huli sila sila parin ang nag tutulungan

Samahan nila'y Hindi maintindihan
Ano nga ba ang kanilang nararadaman
Sila ba'y magkakaibigan
O magkakalaban?

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon