Aaasa pa ba?

7 1 0
                                    

Nandito na naman ako
Naghihintay sa pagbabalik mo
Umaasang tutuparin mo
Lahat ng mga ipinangako mo

Naalala mo pa ba ng ako'y iyong nilapitan
Sa isang maliit na palaruan
At tinanong mo ang aking pangalan
Sabi mo pa'y gusto mo pang makipag kaibigan

Sinabi ko saiyo ang aking pangalan
Ganon Karin naman
Bawat araw tayo'y nagkikita
Kaya naman bakasyon koy Ka'y sayasaya

Ngunit lumipas ang panahon
Dumating ang pagtatapos ng bakasyon
Naalala ko tayo'y naglalaro pa noon
At ako'y kinausap mo at sinabing aalis na kayo sa aming nayon

Ako'y nalungkot na totoo
Kaya't ikay sa akin ay nangako
Na ako'y babalikan mo
Kaya't magkikita pa tayo

Kaya't kada bakasyon
Tayo'y muling nagkakasama sa aming nayon
At naglalaro sa bundok kahit pa abutin tayo ng dapit hapon
At minsan naman ay nandoon tayo sa malapit sa mga alon

Ngunit isang baksyon ika'y Hindi nagpakita
Sabi ko'y baka ika'y marami lang ginagawa
Kaya naman hinintay kita
Ngunit ni anino moy di ko nakita

At ngayon akoy nakatulala
At iniisipisip ka
Maraming taon na ang dumaan
Ngunit Hindi parin kita nasisilayan

Dadating ka pa ba?
Talaga bang nakalimutan mo na?
Hanggang kailan ba ako aasa?
Dapat bang itigil ko na?

Baka nga, Masaya ka na
Siguro nga, May iba ka na
Kakalimutan na ba kita?
O sige, paalam na

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon