Sulat

3 0 0
                                    

Eto na naman ako
Nagsisimulang sumulat sayo
Nagsisimulang magtipa ng mga letrang
Di kalaunan ay mabubura lang.

Kay tagal ko itong pinagisipan
Kung paano at saan ko sisimulan
Ang sulat na nagtataglay
Ng sakit ng damdamin na walang humpay.

Paubos na ang tinta,
Mauubos nadin ang mga naitatagong papel.
Pero hanggang ngayon,
Ang mga salita na nais kong ipadala ay tila inaagos parin ng alon.

Napagdesisyonan Kong tumigil nalang
Kasi mukang wala rin namang pakahahantungan.
Mamaya ay biglang may kumatok
At binigay ang sulat na galing sayo.

Mapagbiro talaga ang tadhana
Ang mga salita at letra na nais Kong ihatid saiyo
Eto't nasa harapan ko at unti unting winawasak ang puso ko
Tama nga, tumigil na tayo
Hindi na ako muling sususlat pa sayo.

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon