Paglimot

5 1 0
                                    

Noong una'y Hindi ko matanggap
Ang lahat ng ating naging paguusap
Sabi mo'y ako di mo na ako mahal
Dahil may iba kanang minamahal

Pero siguro nga ikay dapat ko nang kalimutan
Lahat ng aking nararamdaman
Dahil sarili ko lang ang aking sinasaktan
Alam ko namang wala kanang pakialam

Pero, Bakit Ganito?
Akoy litong lito
Kelan ba hihinto
Ang pagtibok ng puso ko para sayo

Gustong gusto na kitang kalimutan
Dahil alam Kong wala na ang ating pagmamahalan
Pero gusto ko parin itong balikan
Akoy nagbabakasakaling ikay saakin ay meron pang nararadaman

Tanga nga yata ako
Dahil kahit nasasaktan ako
Umaasa parin ako
Sa mga pangako mo

Kailan ba ako makakawala?
Kailan ba ako lalaya?
Dahil Sa sarili Kong katangahan
Akoy patuloy na nasasaktan

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon