Iyong Dinggin

5 2 0
                                    

Nung una'y trinato kita na parang basura
Pinaramdam ko sayo na saaki'y ika'y walang halaga
Ilang beses nadin kitang binaliwala
At sinabihan ng masasakit na salita

Dumating ang panahon na ako'y iyong sinukuan
Nung una'y sabi ko'y wala akong pakialam at ikay aking hinayaan
Ngunit Hindi ko alam kung bakit ako'y nasaktan
Ng ikay aking nakita na kapiling ang aking kaibigan

Hindi ko maintindihan ang sarili ko
Dahil bigla Kong naalala ang iyong pangako
Sabi mo'y kailanman ang paibig mo'y Hindi magbabago
At saaki'y Hindi ka kailanman susuko

Ano ba itong aking nararamdaman
Ito ba'y senyales ng panghihinayang?
Dahil noo'y pagibig mo'y aking sinayang
Maniwala ka saakin ito'y akin bang pingsisihan

At ngayo'y nakita kitang luhaan
Kaya ika'y aking nilapitan
Sabi moy ikay nasasaktan
Dahil nakita mo ay iyong kaibigan at minamahal na naghahalikan

Nagulat ako sa aking nabalitaan
Sarili mo raw ay iyong sinasaktan
Dahil ikay iniwan ng aking kaibigan
Ano bang pumasok sa iyong isipan?

May gusto akong sabihin
At sana itoy iyong dinggin
Na sana'y ako nalang ulit ang iyong mahalin
Dahil ikay aking lubos na tatanggapin

Ikay labis Kong mahal
Handa na akong sumugal
Kaya sanay dinggin ng maykapal ang aking mga dasal
Na mapasaakin ka ulit aking mahal

Pangako ikay aking mamahalin
At Hindi papaiyakin
Hindi narin kita babaliwalain
At Hindi ko nadin hahayaan na ikay mawala ulit saakin

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon