Kasinungalingan

3 1 0
                                    

Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan
At di naglaon tayo'y nagka-ibigan
At ngayo'y tayo'y nagkakalabuan
Di ko alam ang dahilan

Nung una'y di ko ito pinansin
At tinuon sa iba ang tingin
Nguntin ngayo'y sa utak ko'y di ko kayang alisin
Mga pangamba Kong ikay may iba ng mahalin

Sabi mo noon sakin ka kumukuha ng kasiyahan
Ngunit bakit pakiramdam ko hatid ko sayo'y kalungkutan
Sabi mo noon ayaw mo akong hiwalayan
Ngunit bakit pakiramdam koy hangad mo na ngayoy kalayaan

Pagmamahal mo sa akin sabi mo'y makatotohanan
Sabihin mo saakin hanggang kailan ko ito papaniwalaan
Paano na ang mga pangako mong sa aki'y binatawan
Pasensya na akoy sawa na kaya akin ng wawakasan ang ating pagiibigan...

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon