Wala ng Pagasa

5 1 0
                                    

Alam Kong ako'y hadlang sa inyong pagiibigan
Aking mahal na kaibigan
Batid Kong ito'y aking kamalian
Dahil ika'y aking nagustuhan

Nung una'y Hindi ko ito pinansin
Dahil ang alam ko'y gusto lang kitang kaibiganin
Ngunit Hindi ko alam na ako'y nahuhulog na sa bangin
Bangin ng aking pagtingin

Pinilit ko iyong iwasan
Dahil alam Kong ito'y walang patutunguhan
Dahil para sayo'y isa lang akong kaibigan
At ikaw ay meron ng napupusuan

Alam ko namang wala tayong pag asa
Pero hindi ko mapigilang umasa
Dahil sa Mga kilos mong di ko mabasa
Na talaga naman ako'y napapaasa

Dumating ang panahon na iyong nalaman
Ang aking tunay na nararamdaman
Ikay humingi ng kapatawaran
Dahil alam mong Hindi mo ako masusuklian

Ako'y iyong iniwasan
Puso ko'y iyong pinagsarhan
Ngunit ito'y aking naiinitindin
Kaya't dapat na kitang kalimutan

From me to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon