Mia's POV
One year later...
Isang taon na ang lumipas. It seems like wala na talagang KAMI.
T_T
Ba't di pa siya umuuwi?
2nd year college na ako... 1 year and a half (?) ko na siya hindi nakikita.
Nasa school ako ngayon. Magpapa-enroll. Bago akong umuwi, naisip kong pumunta muna ng library. Sa library kami unang nagkita ni Chris. Di man dito sa school na to, sa library pa naman rin yun.
"Ano kaya ang babasahin ko?" Bulong ko sa sarili ko. Para tuloy akong baliw haha!
Kinuha ko nalang yung libro na may mga korean words, phrases and sentences. Pangarap ko kasing pumunta sa Korea eh! Kyahhh! Makikita ko mga oppa ko! Hahaha! Dont worry. Makakapunta rin ako dun. Someday!
Paalis na sana ako nang may nakabangga ako...
"Aray! Lang hiya! Ba't mo ko bi..." sabi ko at nagulat ako nung tingnan ko kung sino ang nabangga ko. Seryoso? Nananaginip ba ako?
"Chri--Chris!" Sa wakas T_T I finally see him T_T ilang araw ko tong hinintay tong araw na to. Ang makita siya.
"You know me?" O.o? BA't niya sinabi yun? Kilalang-kilala ko kaya siya. Kilala niya rin ako!
So ito ba yung effect nung pagkabangga niya?
T_T
Tutulo na sana ang luha ko nang may sumigaw sa may likod niya.
"Chris!" Si Krissy pala. For sure di niya to maaalala si Krissy ba!
"Babe! Uuwi na tayo?" O.o? Babe? Ba't sinabi yun ni Chris kay Krissy? T_T hindi niya lang pala ako kinalimutan. Pinagpalit pa T_T
"Ahh sige!" Sabi naman ni Krissy at nag-smile. Halatang gusto niya na tumawa eh. Gustong-gusto ko na siyang sabunutin eh.
Agad akong umalis sa Campus. Di ako makapaniwala. Atleast okay lang siya diba? T_T
Pero ang sakit.
Ang sakit makita silang nagbalikan.
Ang sakit kasi di na niya ako maalala.
Ang sakit kasi iniwan niya lang ako basta basta.
Ganun ba talaga dapat?
T_T
---
Nasa park ako ngayon, sa harap ng fountain. Kanina lang naghulog ako ng piso at nagwish. Di ko na pinangarap na sana okay lang siya. Kasi halata namang okay na okay siya at masaya.
Para akong natulala sa mga nakita kong pangyayari kanina.
Feeling ko lahat ng meron kami noon ay wala na talaga.
But I'll take my punishment. Ano ba ang kasalanan ko? T_T
"Mia!" Sigaw ni Dan at patungo ang direction sa akin. Kasama niya sila Daryll at Clarisse. Buti pa sila...
"We heard what just happen from Dan." Sabi ni Daryll. Hayshh! Kahit kailan talaga oh! Dapat ako yung nagsabi eh!
"Di ko alam na... Pinapunta pala si Krissy sa L.A at dun nga nagbalikan sila..." Sabi naman ni Dan. o(︶︿︶)o
"Mia! Na-amnesia pala si Chris." Sabi naman ni Clarisse. Kinalimutan niya nga ako.
Ako ba yung tipo ng tao na madaling kalimutan? Or sadyang pangit talaga ako?
"Okay lang yan! Nandito naman ako eh." Sabi naman ni Daryll. Tss! Dumidiskarte.
"Kami!" Sigaw naman nila Dan at Clarisse. Haha! Mabuti nalang may mga kaibigan akong ganito kabait. Kung wala... Di ko na siguro kaya. Pero minsan lang to mabait eh haha!