Mia's POV
Matapos naming sumakay ng ferriswheel ay umuwi na kaagad kami. Gabi na kasi eh. Baka pagalitan kami. Sobrang saya ko ngayon. Kulang nalang magpa-party eh haha!
"Bukas punta tayo sa bahay niyo!" Sabi nitong si Clarisse. Ayysshh! Di niya ba naisipang magsimba muna? Psh.
"Simba muna tayo!" Sabi ko naman. Siguro naman, di niya tatanggihan si God noh? Hihi!
"Sige!" Sumangayon naman ito.
---
*Church*"Dun tayo umupo!" Sabi nitong si Clarisse sabay turo sa upuan kung saan gusto niya umupo.
O.o
Nagulat kami pareho ni Clarisse nang makita namin si Chris at Michael. Ganun din pa rin pala si Chris. Nagsisimba. Tulad noon.
Ayyy! Kaya pala gusto ni Clarisse dito umupo. Hahayyss...
Di kami nakapag-usap hanggang sa matapos ang mesa.
"Kain tayo?" Suggest ni Clarisse. Wow ha! Nalalimutan niya na ba na pupunta kami sa amin?
"Diba sabi mo pupunta tayo sa amin?" Sabi ko naman. Tss! Panira kasi tong si Michael eh! Kung wala sana siya, di magbabago ang plano ni Clarisse.
"Sama kami!" Sabi naman ni Michael -_- Bakit parang palagi nalang to nagkakasundo sila Clarisse at Michael?
"I dont want to." Sabi ni Chris. Nice move Chris! Wag ka talagang sumama! Wag mong hayaang sumama din si Michael!
"Nahhh sige na!!!" Pangungulit ni Michael sabay sini-swing ang kamay ni Chris. Para siyang bakla mga bes! Ayysshh! Grabe!
Di naman siguro ako namamalik mata noh? May pa-baby eyes pa tong si Michael. Nangungulit talaga eh. Haha!
"Okay lang kung ayaw niyo sumama hihi! Halika na Clarisse!" Sabi ko naman. Di naman talaga nila kailangang sumama eh. Yah! Tsaka madami na akong kahati sa food na ihahanda ni tita.
"Please..." Sabi nitong si Clarisse. Ehhhh! Pinapahirapan niya akong magdesisyon eh! Huhu!
"Okay!" Ako naman tong si tanga. Pumayag naman. Ayysshh! For sure, mamaya makokonsensya din ako eh. Psh.
---
*House*"Tita! Nandito na kami!" Sigaw ko sabay binuksan ang pinto.
"Mia!!" Pagbati sa akin ni tita. Ngunit nagulat ito nung nakita si Chris. Patay ako ngayon. Nakokonsesya na ako huhu.
"Chri--chris?" Sabi nito. Ito na yung sinasabi ko eh huhu.
Di naman nagsalita si Chris at nagsmile nalang. Di dapat ako pumayag eh! Nakoo! Huhu! Ano nalang gagawin ko kung magtatanong si tita na naalala na niya ba ang lahat.
Habang kumakain kami ay lingon ng lingon itong si Chris. Baka sakaling maalala niya yung memories namin dito. Nakakamiss!
"This house looks familliar." Sabi nitong si Chris. Napalingon kaming lahat sa isa't-isa nung sabihin niya yun. Should I explain it?
"Ahh... Baka nakakita ka ng ganito na bahay noon." Palusot ni tita. Great move tita! Maniniwala naman siguro siya noh?
Di na ito nagsalita pa at pinatuloy nalang ang pag kain niya. Tss! Nagta-trash talk nanaman.
Nung matapos na kaming kumain ay agad kaming umuwi. May mga assignments din kasi kami eh. Lalo na kami ni Chris. Pareho kasi kami ng kursong kinuha. Ewan ko lang ah pero di naman kami nag-kwentuhan noon tungkol sa kursong kukunin namin. Tsaka kung nag-kwentuhan kami nyan noon, di na niya maaalala.