Prologue
Ashley's POV
Dumating na ang araw ng pasukan kung saan ang bawat estudyante ay masaya na makitang muli ang mga kaibigan nila, makilala ang mga bagong kamag-aral pero hindi ko makuhang maging masaya. Hindi lang dahil sa bago lang ako rito at walang kakilala masyado maliban kina Li at Ella, kundi dahil nandito ako sa lugar kung saan naging masaklap sa akin ang lahat. Ang mga ala-ala na pilit ko nang ibinaon sa limot ang lahat ng mga masasakit na pangyayari sa buhay ko pero hindi ko magawa kahit anong pilit kong paglayo at pagtakas, dahil pilit pa rin akong hinahabol ng nakaraan at wala akong magawa kundi harapin ang lahat at tumigil na sa pagtakbo.
“Lean! Kanina ka pa namin tinatawag ni Ella. Masyado atang malalim ang iniisip mo dahil kanina ka pa buntong-hininga ng buntong-hininga dyan at hindi mo kami naririnig. Anong problema?!” tanong ng isa sa mga roommate at classmate ko na si Li. Kasalukuyan kaming naka-upo sa loob ng classroom at hinihintay dumating ang first subject teacher namin.
“Wala naman. Sorry,ah? Ano ulit ang sabi mo?” sagot ko kay Li na nasa kaliwa ko at nakahalukipkip na iniirapan ako.
“Hay, nako! Lagi ka na lang kasing lutang kaya hindi mo naintindihan ang mga dinadakdak namin dito. Hay,nako!” tapos inirapan nya ulit ako.
Napabuntong-hininga na lang ako at bumaling ako sa kanan kung saan naka-upo si Ella at nagbabasa na naman ng libro. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay tumingin ito sa akin at nag-apologetic smile.
“Pasensya ka na kay Li. Alam mo naman nyan laging mainit ang ulo. Sabi nya sa bahay nila siya matutulog mamayang gabi dahil may special occasion sa kanila kaya ayun.” paliwanag nya sabay kibit-balikat.
“Sorry” I mouthed to her at napayuko na lang ako. Simula ng dumating ako rito sa Clifford ay lagi na akong lutang. Lagi kasing nagrerewind sa isip ko ang mga nangyari sa akin dito. Buti na lang may naging friends na ako rito kahit papaano. Si Lianne Elise "Li" Miranda na masungit at laging mainit ang ulo. Ewan ko ba dyan kung bakit ganoon. Parang laging meron. At si Ellaine Marie "Ella" Valdez ang isa sa mga mahinhin na nerd na nakilala ko. Mabait sya at laging may librong dala-dala. Nerd nga eh. And me, I am Ashley Shane "Lean" Samaniego. 15 years old.We are now a 10th grader.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang first subject teacher namin. Si Miss Ehraie Lustestica, ang aming science teacher at homeroom teacher. Nagpakilala lang kami at napag-usapan namin ang mga rules and regulations para sa school year na ito.
Pagkatapos pa ng ilang mga oras nang pagpapakilala ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase.
Inaayos ko na ang gamit ko ng magpaalam sa amin si Li na uuwi na siya. Nagpaalam din sa akin si Ella na pupunta lang siya sa comfort room. Hindi pa kasi ako tapos maglinis. Hindi ko alam kung bakit ako nag-volunteer na maglinis eh gutom na ako. Tapos sinabi ko na kaya ko mag-isang linisin ang room kaya yun halos magbunyi ang mga kaklase ko dahil lang hindi sila makapaglilinis ngayon. Siguro dahil sa sobrang kalutangan kaya ko nasabi yun. Napabuntong-hininga na lang ako. Hay.
Lumipas ang kinse minutos ay hindi pa rin nakakabalik sa room si Ella. Inaayos ko na ang mga upuan ng mapagitla ako ng maramdaman kong may nakatingin sa gawi ko. Lumingon ako sa kaliwa't kanan pero wala akong napansing kakaiba. Sunod naman ay may narinig akong tunog na parang nabasag na salamin.
Pinuntahan ko kung saan ko narinig ang tunog at nakarating ako sa likod ng room, may nakita ako roong basag na salamin at may nakitang isang keychain. Lumingon ulit ako sa kaliwa't kanan upang tignan kung sino ang taong may gawa ng pagkabasag pero ni anino ay wala akong nakita. Pinuntahan ko ang gawi kung saan ko nakita ang basag na salamin at isang keychain. Akma ko nang kukuhanin ang keychain ng makita ko sa salamin na may taong balak maghulog sa akin ng vase. Mabilis kong kinuha ang keychain at mabilis na kumilos upang hindi matamaan ng vase. Dahil sa sobrang pagmamadali ay natapilok ako at nagpagulong-gulong. Narinig ko na lamang na may nahulog na mula sa itaas. Mabilis akong tumingala pero hindi ko na nakita kung sino ang may gawa noon. Napahinga ako ng malalim at dali-daling bumalik sa room.
Lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang sa room, nagbabakasakaling nandoon si Ella pero wala. Dali-dali kong kinuha ang bag ko nang biglang sumarado ang pinto. Pinaghahampas ko ang pinto umaasang mabubuksan iyon pero wala.
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nilang tumigil. Bakit may ganitong sasalubong dito sa akin? Bakit ba hindi ako pwedeng mamuhay ng tahimik? Ayoko na ng ganitong laro.
Dahil naka-lock ang pinto ay wala akong nagawa kundi basagin ang salamin ng bintana.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong-hininga bago malakas na ipinanghampas ang upuan sa bintana. Wala na akong inaksayang oras at dali-dali akong lumabas.Habang tinatahak ko ang dulo ng pasilyo sa may right wing kung saan mararating ang kinaroroonan ng comfort room ay palakas ng palakas ang pintig ng puso ko. Tanging mga yabag ko na lamang ang maririnig sa buong pasilyo.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon dahil naghalo-halo na ang emosyon sa katawan ko. Galit, takot, kaba ang mga naghahari ngayon sa loob-loob ko. Galit, dahil maaaring ang taong pupuntahan ko roon ay ang may gawa ng muntikan ko ng katapusan kung tinamaan ako ng vase. Pangalan niya kasi ang nakalagay sa keychain na napulot ko. Kumpletong-kumpletong, Ellaine Marie Valdez ang nakalagay doon. Takot, dahil kung ano ang maaari niyang gawin sa akin pero kailangan kong alamin kung siya nga talaga ang may kagagawan ng lahat ng nangyari sa akin. At kaba dahil maaaring may nangyari sa kaniyang masama pero wag naman sana, kaya hindi pa siya nakakabalik.
Narating ko na ang girls comfort room. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba o hindi. Nagtatalo ang utak at puso ko pero nanalo pa rin ang puso ko. Kahit nanginginig ay dahan-dahan kong pinihit ang seradula ng pinto at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Nanlaki ng husto ang mga mata ko at para akong nabato sa kinatatayuan ko.
E-ella
***
Author's Note:
Hello guys! Thank you sa mga naghintay at nagbasa pa rin nitong kwento ko. Sana hanggang sa dulo ay patuloy nyo pa ring tangkilikin ang istoryang ito. Thank you talaga!
Nga pala anong masasabi nyo sa chapter na ito? What is your theory about Ella? Mind you share it? Comment na! Sisikapin kong mag-reply sa inyo guys at advance sorry sa hindi ko marereply-an
~Autumn_Winter14

BINABASA MO ANG
Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)
Mystery / ThrillerAshley Shane Samaniego is a girl that can't forget her painful past. She run and hide but that only makes her past easily hunt her. She did everything to hide again but, she can't. She will do everything, she will allow her self to be a monster like...