Chapter 2: Queen of the Queens

4 1 0
                                    





Chapter 2: Queen of the Queens



Ashley's POV



Hindi na muli ako dinalaw pa ng antok kaya buong magdamag ay nakatulala lang ako sa kisame ng aking silid habang nakahigang nag-iisip. Marami ring katanungan ang nabubuo sa isip ko ngayon. Katanungang, ano nga ba talaga ang nangyari kahapon? Si Ella ba talaga ang nakahiga roon o baka namamalik-mata lang ako? Pero, imposible. Dahil talagang nakita ko ang lahat ng iyon pero ang malalaking tanong na gumugulo sa isip ko ngayon ay, ‘Sino ang nagtangka sa akin na hulugan ako ng vase? Bakit nasa lugar kung saan ako muntikan ng mamatay ang keychain ni Ella? Sino ang nakita ko sa girls comfort room? Totoo ba iyon o hindi? DAPAT ba akong magtiwala kay Ella?’





"Ma, ano pong ginagawa ko rito?!"

"Ma, pa, ayoko po rito! Pakawalan nyo na po ako! Parang awa nyo na po!"

"No! You need to stay there!"

"Pero, ma, nasasaktan po ako!"

Ipinilig ko ang aking ulo upang makalimutan na ang mga masamang nakaraan na iyon. Nang pumatak na nang alas sais ay bumangon na ako sa pagkakahiga ko at inayos ang hinigaan.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko na si Li na naghahain. Nang makita nya ako ay ngumiti sya sa akin at maganang inalok ako sa pag-upo.

"Anong oras ka dumating?" tanong ko habang naglalagay ng sinangag sa aking plato.

"5 o'clock. Maaga kasi akong natulog kagabi kaya ayan, maaga rin akong nagising." sagot nya. Tumango na lamang ako.

May narinig akong langitngit na tunog at napatingin sa may pintuan ni Ella kung saan sya lumabas. Nakangiting nag-unat sya at bumaling kay Li na nakatingin sa kanya.

"Good morning, Li, Lean!" hilaw na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan ko. Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa kwarto para makapaghanda na sa pagligo. Iisa lang ang CR dito kaya kailangan ang mabilisang pagligo para hindi malate ang iba. Nang makuha na ang mga kailangan para sa pagligo ko ay dumaretso na ako sa CR para maligo.

Ang dami pa ring bumabagabag sa akin. Ang mga tanong na hindi ko naman mahanapan ng mga sagot. Ang tangi lamang makakasagot sa mga tanong ko ay si Ella. Pero paano ko malalaman ang sagot. Hindi naman pwede na magtanong na lang ako basta dahil may pakiramdam ako na hindi ako dapat magtiwala sa kanya. Naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha.

Mabilis kong tinapos ang paliligo ko at lumabas na pagkatapos. Nakita kong seryosong nag-uusap sina Li at Ella. Nang mamataan nila ako ay pareho silang nanahimik. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.


Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon