Chapter 5: Memories (Part 2)

6 1 0
                                    





Chapter 5: Memories (Part 2)



Ashley's POV



Mga halos bente minutos na kaming tahimik na nakaupo rito pa rin sa meeting room nya. Aniya ay may hinihintay lang kami bago kami mag-usap. Nang tinanong ko naman sya kung bakit ay hindi nya ito sinagot kaya sa halip na magtanong ay nanahimik na lang ako kahit kating-kati na akong malaman kung para saan ang lahat ng ito. Simula ng bumalik ako sa school na ito ay lagi na lang may bumabagabag sa akin. Halos lahat nga ng bagay ay nakakapagpabagabag sa akin. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako masyadong magtitiwala sa kanya pero ano, nandito ako sa underground place nya at sinusunod ang utos nyang maghintay. Marami-rami na kaagad ang nangyari kahit dadalawang araw ko pa lang sa school. Marami ang mga bagay na gusto kong bigyan ng linaw. Oo, at may mga tao akong alam na makakasagot ng mga bumabagabag sa akin pero hindi ko alam kung dapat ko nga ba silang pagkatiwalaan.



Sinabi ko sa sarili ko noon na kaya ko ang mag-isa. Na hindi ko kailangan ng tulong ng iba dahil kapag humingi ako ng tulong sa kanila ay alam kong hihingi lamang sila ng kapalit sa pagtulong nila sa akin. Lumalabas nga na may utang na loob ako sa kanila. Totoo naman yun kaya lang naisip ko, hiningi ko ba ang tulong nila? Hindi ba ay pinaunlakan ko lang naman ang 'pagmamagandang-loob' nila sa akin? Hindi ba ang pagbibigay-tulong ay kusang ibinibigay? Pero sa buong buhay ko, hindi ko naranasan iyon. Naisip ko ngayon na biglang bumaligtad ang pinanghahawakan kong prinsipyo. Humihingi ako ng tulong sa kanya para mapunan ang mga gumugulo sa utak ko.Naisip ko lang din, ang pagbibigay ba ng impormasyon ni Ella sa akin ay may kapalit? Kung may kapalit din iyon, anong gagawin ko?



Naputol ang paglalakbay ng iniisip ko ng biglang kumalabog ang glass door at biglang tumayo si Ella. Nang bumaling ako sa may pintuan ay nakita ko ang babaeng pamilyar sa akin sa picture. Nagyakap sila ni Ella pero diretso ang tingin nya sa akin at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha nito. Mahaba ang buhok nya. Matangos ang ilong at maputi ang balat nito. Slender ito at matangkad. Batang-bata at maamo ang mukha nito.

"Athena." sambit nya na ikinalito ko. Tumingin ito kay Ella na parang nanghihingi ng kasagutan dahil sa emosyong pinakita ko.

"Umupo muna tayo." anyaya ni Ella at napabuntong naman ang babae. Naupo rin ako sa kanina kong inuupuan at nakiramdam. Biglang naging tahimik ang buong silid na iyon at ang tanging tunog ng electric fan lamang doon ang maingay. Pare-pareho kaming nagpapakiramdaman pero wala pa ring bumabasag sa nakabibinging katahimikan. Kaya nagpasya akong magsalita.

"By the way Ella, sino sya?" tanong ko. Tumingin sa akin ang babae at inayos ang suot nitong salamin. "You looks so familiar. Do I know you?" dagdag ko. Nagkatinginan sila ni Ella at nagkibit-balikat ito sa kanya.

"She is your bestfriend, Lean. She is Jasmin Kate, 'The Clymene' of our organisation." Best friend? Clymene? Paanong naging best friend ko sya gayong taga Clifford pala sya at mula ako sa Chloe Lydia kaya paanong?

"Can I talk privately to my best friend, Ella?" tanong ni Jasmin. Tumango naman si Ella at sinabing magluluto lang sya para sa hapunan. Nang makaalis sya ay tumayo si Jasmin at parang may kinakapa sa ilalim ng mesa. Kumunot ang noo ko sa ginagawa nya at magtatanong na sana kaya lang ay... hindi kaya?

Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon