Chapter 4: Memories (Part 1)

2 1 0
                                    


Chapter 4: Memories (Part 1)


Third Person's POV


"Phoebe, anong nalaman mo?" tanong nang isang babae.

"Masyado silang maingat pero nakasagap pa rin ako ng impormasyon." ibinigay nya sa kausap nya ang mga folders at envelope.

"Nakalagay diyan ang mga business transactions nila sa iba't-ibang lugar at meron din sa Chloe Lydia High School, tignan mo ito." pinakita nya ang mga larawan na kuha sa mga business transactions na tinutukoy nya sa Chloe Lydia.

"Marami pa yan. Ikaw na lang ang magbasa at baka may makahuli sa atin dito. Delikado na, baka may mga nagmamatyag lang sa atin dito. Mauna na ako." nagmamadaling naglakad ang babae na pamasid-masid pa sa paligid.

Nang makalayo sya ay napatigil sya sa paglalakad dahil nakita nya ang isang lalaking naninigarilyo na nakasandal sa puno. Tinapon nito ang upos ng sigarilyo at ipinagpatuloy ang ginagawang paghithit buga rito.

"Kailan ka pa nagtratraydor, Phoebe?" tanong sa kanya habang kagat-kagat ang sigarilyo.

"Hindi ako traydor, Tartarus. Kung may traydor man sa ating dalawa, ikaw yun. Pinili mong pumanig kay Arethusa kaysa sa taong nagmamalasakit sa iyo. Pumapanig lamang ako sa tama."

"Tama ba ang paghihiganti, Phoebe? Kung sa tama ka pala pumapanig, bakit pinili mo ang taong puro paghihiganti lang ang alam?" sabi nito sabay tapon ng sigarilyo nito sa lupa at tinapakan ito.

"Wala kang mapapala sa pagtulong mo sa kanya." sabi ulit ng tinawag nung Phoebe na Tartarus habang naglalakad na paalis.

Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon