Chapter 1: Ellaine Marie Valdez

16 1 0
                                        



Chapter 1: Ellaine Marie Valdez



Ashley’s POV



Para akong natuod sa nakikita ko ngayon.



H-hindi...E-ella



Nang mahimasmasan ay doon lang ako nakakilos. Nababalot ng dugo ang ulo nya at namumutla rin ang mukha. Lumapit ako sa kanya at pinulsahan ko sya sa may kanang pulsuhan nya at doon ako lalong nagimbal. Wala na siyang pulsahan. H-hindi, Ella.



Sumigaw ako ng sumigaw para humingi ng tulong pero wala akong naririnig na yabag. Kaya, napagpasyahan kong lumabas at nagmamadaling lumapit sa may guard house pero walang tao. Pumunta rin ako sa admin building at tulad sa guard house ay wala ring tao. Sinubukan ko ring pumunta sa may guidance office pero katulad kanina, wala ring tao. Heck, where's the people here?

Pumunta ako sa ilang pang mga building, pero wala rin. Halos naikot ko na ang buong campus pero wala akong namataan ni isang anino ng tao rito sa loob. Kung ganoon, kami lang ang nandito ngayon? Sino ang gumawa kay Ella noon? Maaari ring ang sarili niya pero ang malaking tanong dito ay, BAKIT?



Naisipan ko na lang na tumawag ng pulis at baka may ano pang mangyari. Nang makatawag ako ay hinintay ko sila sa mismong gate. Makaraan lamang ang ilang minuto ay dumating na rin sila.

Itinuro ko kung saan ko nakita si Ella. Nang makarating kami ay talagang halos mapaluhod ako. Nanginig bigla ang mga tuhod ko. What’s happening?






Nasaan ang katawan na tinutukoy mo, hija?” tanong sa akin ng isa sa mga pulis.

Nandyan po iyan,kanina. Bago po ako tumawag sa inyo ay nakita ko pa po ang katawan nya!” sigaw ko. Punong-puno na ng paghihisterya ang boses ko.

Pero, hija, malinis ang lugar na ito. Wala ngang bakas ng dugo,eh. Baka wala ka lang talagang nakita.” anang ng pulis na nagtanong sa akin sabay iling.



Umiling lamang ako sa kanila. Nawalan na ako ng lakas. Namalayan ko na lang na umaalis na sila. May kumakausap sa akin pero hindi ko na naintindihan kung ano ang pinagsasabi niya. Basta ang alam ko na lang ay naglalakad na ako palabas na ng campus.



Unang araw ko pa lang dito sa school na ito ay marami nang nangyari. Marami na rin akong mga katanungang hindi ko naman mahanapan ng sagot. Ano ba ang nangyari? Wala akong maintindihan? Ano na naman ba ito?



Sino ang taong nagbalak na hulugan ako ng vase? Bakit nasa kanya ang keychain ni Ella? Sino ang gumawa noon kay Ella? Hindi ko lang kasi basta guni-guni iyon. Talagang nakita ko na nakahiga roon si Ella pero bakit bigla siyang nawala. Ano yun tumayo siya ng nawala ako? Pero bakit nya iyon gagawin? Baka maaaring siya talaga ang may pakana ng muntikan ko ng pagkamatay at nagpanggap siyang duguan para hindi mabaling sa kanya ang sisi, pero BAKIT? Pero maaaring iba ang gumawa noon, tama? Kaibigan ko si Ella pero masasabi kong hindi ko pa siya lubusang kilala kaya dapat ay hindi muna ako masyadong nagtitiwala sa kanya tulad ng mga nangyari noon.



Hindi ko alam na ganoon na pala kalalim ang iniisip ko at nakarating ako ng bahay ng wala sa sarili. Malapit lang itong bahay na tinitirhan namin sa school.

Nakakapagpabagabag (Book 1 of CLS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon