Shut Up & Kiss Me

1.4K 15 3
                                    

"It doesn't matter how long or short a person had stayed in your life...the point is...

HE/SHE came... AND WILL COME AGAIN..."

______________________________________________________________________________

CHAPTER 1 - Abby

Nakakabwisit ang araw na 'to! You can't blame me for having this feeling. Panu ba naman po kasi, I heard from our neighbor na may babalik na 'buang' dito sa lugar namin. Siya 'yung lalaking bata pa nung naging kapitbahay namin 11 years ago. Seven years old lang ako nung time na 'yun eh. Napaka-bully ng batang tinutukoy ko na malamang sa alamang ay binata na din sa ngayon. Bakit ba babalik pa 'yung buang na 'yun dito sa subdivision kung saan kami nakatira? Pwede namang dun na lang sila sa ibang subdivision tumira. Haaay! Sana nagbago na ang lalaking 'yun.

Naaalala ko pa noon, lagi niya akong sinasabihan na lampa daw ako at panget. Sobrang payatot kasi ako kaya laging nagkakasakit at mahina ang immune system ko. Sorry naman po eh ganito talaga ako.

Naalala ko pa...

* ELEVEN YEARS AGO *

"Lampang panget, pwede bang wag kang nagpapakita sa'kin? Nakaka-bad vibes kasi kapag nakikita kita eh. Dapat nasa bahay ka na lang lagi para walang taong naaapektuhan pag nakikita ka. Mas bagay ka sa loob ng bahay niyo para tuluyan ka ng malanta!"

"Ano ako, halaman? Ang sama mo naman! Di naman kita inaano ah! Lagi mo na lang akong inaasar eh wala naman akong ginagawang masama sa'yo."

"Wala kang karapatang sumagot. Ako lang ang pwedeng magsalita sa'ting dalawa."

"Amo ba kita?"

Ang bata-bata niya pa bossy na masyado! Ano kayang tingin nito sa sarili niya? Rawwwwwwwwwrrrrrrrrrrrrrr!!!

"Pwede ba, sundin mo na lang ako? Pumasok ka na kung hindi may gagawin akong di mo magugustuhan!"

"At nanakot pa? Akala mo naman maaapektuhan ako? Manigas ka!"

"Aba't! Di ka susunod?"

Bigla siyang lumapit sa kinauupuan ko. Nahulog ang manikang hawak ko dahil sa magkahalong gulat at takot. Nahalata niya siguro kaya mas lalo pang lumapit. Bakit ba ang sama ng batang 'to?! T_T Mababait naman ang parents niya. Sa katunayan pa nga maganda ang relasyon ng parents ko at parents niya.

"A-anong gagawin mo? B-bakit ka lumalapit sa'kin? L-lumayo ka!"

Sobrang nauutal ako. Masyado tuloy napaghahalataan na under control niya 'ko. Tsk!

"Haha! Ang lakas ng loob mo kanina eh halata namang takot ka eh. Hahaha!"

"Ang sama mo talaga! Isusumbong kita sa mommy ko. Huhuhu!"

At tuluyan na akong umiyak. ;-(

"HAHAHA! Mas pumapanget ka pala kapag umiiyak."

Pagkarinig ko nun ay napatahan ako bigla at sabay sigaw dahil sa sobrang galit.

"I HATE YOU JOHN JESWER!"

"Aba't! Wag ka ngang mag-eskandalo."

Sobrang dikit na yung mukha niya sa'kin kaya nanginig ako sa takot. Future rapist siguro 'to. Huhu! Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa right cheek ko.

"Wag ka ng umiyak. Umuwi ka na lang."

Sa narinig ko ay agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay.

"Dahan-dahan sa pagtakbo baka madapa ka lampang panget!"

Narinig ko pa ang sigaw niya.

* END OF REMINISCING *

Yun ang isa pang bagay na ikinagagalit ko sa kanya. I've been kissed by a person whom I hate the most at napakabata ko pa to have my first kiss! Kawawa ang magiging first boyfriend ko dahil di siya ang first kiss ko at yun ay kasalanan lahat ng buang na John Jeswer Almario na 'yun! Naku talaga dapat wag na siyang magpapakita sa'kin. Siya naman ang dapat na magtago na lang sa loob ng bahay nila ngayon hahaha!

Mabuti na lang wala pa akong naging bf. Magiging unfair kasi talaga na ang first boyfriend-to-be ko ay di ko first kiss...sa tingin niyo? (DEPENDE din daw sabi ni writer XD!) ^__^ NBSB ang lola niyo eh haha! Hindi naman strict si mama at papa sa pakikipagboyfriend at nasa tamang edad na rin naman ako, 18 na 'ko eh. Kaso nga lang di ko rin type mga manliligaw ko. EWAN! Pero syempre may crush na 'ko. Super duper crush ko si Mario Maurer haha! Inlababoow ako sa lalaking 'yun. Sana siya na lang ang maging first and last man in my life ... Landi ko! Haha!

Tama na muna sa pag-iilusyon. May lakad pala kami ngayon ng dalawa kong kaibigan sa school. Sila talaga lagi ang kasama ko. Para na nga kaming magkakapatid eh. Magkakapitbahay lang kami kaya hindi mahirap ang komunikasyon sa'ming tatlo. Kagaya ngayon, pupunta kami ng SM para maglibang at di na namin kelangang gumamit ng phone to text or to call kasi nga neighbors namin sila. Nagtetext na lang kapag talagang may natatagalan sa pagkilos.

Wait lang tumunog phone ko. May text.

From: Vinna

Abby, nasaan ka na ba? Nandito na kami ni Nikka sa labas ng gate niyo. BILIIIIIS!

Ayan na! Tinext na ako ni Vinna. I must go. Bye for now readers :) Meet me later :)

_____________________________________________________________________________

VisibleSoul's message: Out na po muna ako kasi po gutom na po ako hehe! Sana po suportahan niyo ang panibago kong gawa. I love you Wattpad people. God bless you all! ^____^

Adios! <3

Shut Up and Kiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon