Chapter 4

573 16 5
                                    

DARK ELIS BROWN

Ipnina-anunsyo ko na ako ang may ari ng eskwelahang ito. Sinabi ko din na ang sinumang lumabag sa batas ko ay automatically expelled. Lalo na ang pambu-bully. Sayang naman ang pagkakaron nila ng 90 and above na average kung puro pambubully lang ang alam gawin tuwing vacant. 

Labag man sa kalooban ko dahil kakasimula pa lamang ng school year ay kilala na nila ako. Nasira ang plano kong hwag mag pakilala bilang Elis Brown dahil maaaring maraming madamay.

Pinag bigyan ko pa ng isang pagkakataon ang grupong Skeyri. Hindi ko sila hinayaang magpasalamat dahil sa huling pagkakataon na ibinigay ko sa kanila. Alam kong galit sakin si Hunter at Alice dahil sa ginawa kong pag sampal ng malakas kay Alice. Pero wala silang magagawa. Masyadong kilala ang pamilya nila. Pag nakalabas ng school na ito ang mga pinag-gagagawa nila ay siguradong papangit ang imahe nila sa industriya.

Sinabihan ko din sila na, (ang buong school) hwag nila akong bigyan ng special treatment maging ang mga ka-gang ko dahil bibigwasan ko sila. Sumang ayon naman silang lahat. Sa ngayon, normal pa naman ang school. Pero may isang bagay akong kinaiinisan. Yun ay yung nararamdaman kong may nakamasid sakin. Isinasantabi ko lang 'yon. Pero dapat na kong maging alerto. Dahil sa oras na ito, alam kong may isang taong alam ang buong pag-katao ko. Hindi lang bilang ni Dark Elis Brown, kundi maging si Black Venom o Coral Snake.

At yun ang kinababahala ko. May posibilidad na madamay ang ka-gang ko. Kaya sa ngayon, bago ang linchak na academics na yan, mag iisip muna ako ng plano para malaman kung sino ang taong yon at para malaman nadin kung ano ang kaylangan niya.

Pero kung sa bagay, bakit pako mag tataka. Malamang sa malamang, isa siya sa naulila dahil sa pag patay ko sa mahal nila. Pero pano ko naman malalaman kung sino sa pinatay ko ang may kaugnayan sa kanya? Eh mahigit limang daan na ang napapatay ko? Ano yun? Iisa-isahin ko pa? Tsk.  May isa pa pala. Sigurado, isa siya sa mga taong gahaman sa pera at kapangyarihan o di kaya ay gustong kuhanin ang pwesto ko bilang legendary. Kaya ko naman iyong ibigay sa kanila. Pero inaalala ko ang gang ko. Alam kong pinag hirapan nila ang maging isa sa legendary gangs at ayokong mawala sa kanila 'yon.

"MS BROWN!" naguulintang ako sa narinig kong sigaw ng prof ko. "Hindi naman PO porke't ikaw ang may ari ng eskwelahang ito at matalino ka ay maaari mo ng gawin lahat ng gusto mo! Gusto mong ibagsak kita ha?!" sigaw sa akin ng prof ko sa marketing. Tiningnan ko lang siya. Tinatamad ako mag salita eh. Ba't ba. Sayang laway ko. Atsaka ako? Ibabagsak niya? Eh kung sisantihin ko siya?

"ANO?!" sigaw niya sakin. Tiningnan ko siya ng masama. Yung tipong masama na dahil sa pag sigaw niya sakin at yung masamang look na nagsasabing GUSTO-MONG-SISANTIHIN-KITA-LOOK. Natahimik naman siya bigla.

"Tsk. Please Ms. Brown, sana naman this time makinig ka na hano? Okay, so as I was saying, blah blah blah" hindi na ako nakinig. Madali lang naman ang topic ngayon. Ang mga kaylangan ko lang alamin ay tungkol dun sa mga ie-exam sa semi finals. Dahil dalawa lang naman ang ine-exam namin sa Japan. (a/n: inimbento ko lang po yung dalawa-kuno. hindi ko po talaga alam. hehe. higsh schooler lang po ako actually grade 7 (I was grade 7 when I wrote this chapter) xD. at yung sinasabi po dun na dalawang ieexam ay parang first at second quarter lang. o midterms at prelim :) yun lang)

**

*KRIIIIINNNNGGGG* *KRIIIIIINNNNGGGG* 

Lumabas na ako ng room. Hmm, nakinig naman ako ng konti pero konti lang. At pag sinabi kong konti lang, isang sentence lang.

Habang naglalakad ako papuntang canteen, may naramdaman akong papalapit na matalim na bagay sa ulo ko kaya agad akong yumuko na kunwari ay may nalaglag. Pagtayo ko ay may susunod na patalim at this time, gumilid na ako sa corridor. Lumingon ako sa likod ko. Walang tao. Tumingin din ako sa taas at sa gilid. Maging sa malalayo at matataas na mahirap makita. Pero dahil sanay ako sa mga ganitong bagay, may nakita akong isang tao na mabilis tumalikod at tumakbo. Huh. Siya pala yon. Tsk. Masyado siyang timang. Hindi niya kilala ang tinitira niya. Tssss.

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon