Chapter 6

429 11 2
                                    

Day 2 - Vacation

Alas saes pa lamang ay gising na si Elis. Maaga kasi siya nag alarm. Napag desisyunan niya kasing mag training muli para hindi mawala ang kalakasan niya. Well, para sa kanya excercise na lang ito. Bumango na siya sa kama at kumuha ng damit sa bag niya. Kumuha narin siya ng twalya at pumasok sa banyo. Nadala na daw kasi siya kahapon (Yung nakita ni Craig si Elis na nakatapis lang! ^_^)

Matapos maligo, kinuha niya ang cellphone at earphone niya. Kumuha narin siya ng isang bottled water at maliit na bimpo tapos ay lumabas na. Nag joggin siya papunta sa may Gym ng hotel. At, oo may gym sa likod nun. Kasama yun eh. Pagkatapos ay pumasok na siya tinginan naman ang mga lalaking nag gi-gym sa loob. Sinong hindi? Kung may isang maganda at sexy-ng babae ang bubungad sayo. Naka sports bra lang kasi siya na black at maiksing short. Nakatali ang buhok at naka headband (yung stretchable? xD). Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatugtog na ng cellphone niya.

Dumeretso siya sa may part ng bench press. Konting warm up at sinimulan ng humiga at buhatin ang barbel sa may taas niya. 

Ang lakas niya!

Grabe, babae ba yan?

Ang alam ko yan ata si Ms. Elis!

Talaga? Yung may ari ng hotel nato?

Oo! Ang ganda niya no? Ligawan ko kaya?

Ulul la kang pag asa dyan! Di napatol sa panget yan!

G*go mo!

Ilan pa lamang yan sa mga bulung-bulungan sa loob ng gym. Di niya iyon pinansin. Nagagaanan siya sa barbel na hawak niya kaya dinag dagan niya pa ng dalawang dumbbell (tama ba? yung black na bilog? yung bakal? xD) ang hawak niyang mahabang bakal. Bale, limang dumbbell ang buhat niya. Di kapani-paniwala pero anong magagawa naten? Abnormal siya eh.

Binuhat niya ito. Ang goal niya ay fifty ups and downs siya. Nag timer din siya. Matapos ang ilang minuto, natapos niya ang 50 ups and downs at tiningnan kung ilang oras niyang ginawa iyon. Napangiti na lamang siya. Five minutes. Natuwa siya dahil ang huling beses niyang gawin ang 50 U&D niya ay naka seven minutes siya. Ang next goal niya ay three minutes. Pero sa susunod na lang.

Lumipat pa siya sa ibang pwedeng pag ehersisyunan. Masyado na ang pawis niya pero go parin siya. Kahit gutom na. Hindi niya muna ito inalintana at pumunta sa may boxing area.

"Mr. M!" tawag niya sa napiling trainer niya. Lumingon si Mr. M tumango ito dahil alam na niya ang ibig sabihin. Nag ayos ng sarili si Mr. M at pumasok sa boxing ring. May isa pang lalaki ang pumasok sa loob ng ring para maging referee. Napahinto ang lahat sa ginagawa. Si Mr. M. Kilala sya bilang black belter sa Taekwando at magaling din pag dating sa boxing. Wala pang nakakatalo dito maliban kay Elis. Pero walang may alam tungkol dito. Hindi naman natakot si Mr. M dahil alam niya ang kayang gawin ni Elis. At alam niyang hindi niya ito pupuruhan.

Pumito na ang referee at nagsimula ang laban. Unang sumugod si Elis. Sinuntok niya si Mr. M sa mukha pero nakaiwas ito. Sumunod namang sumugod si Mr. M kay Elis. Binigyan niya ito ng isang upper cut at sinundan ng straight na suntok sa mukha. (Combo po yun xD) Sa uppercut ay di tinamaan si Elis pero dahil di niya inaasahan na mag co-combo pala ito ay napahiga siya at nahilo. Malakas ang pag kakasuntok ni Mr. M kaya nahilo siya. Tumayo siya. Nagulat ang lahat sa nangyari. Masyadong matibay si Elis. Simula pa lang *smirk* sabi niya sa isip. 

Inayos niya ang pusisyon niya. Left foot forward, fist close, bow her head. Ang posisyon para maisagawa ang Sweet - Round - Attack. Sumugod siya kay Mr. M. Sumuntok siya paibaba sa hangin. Akala ni Mr. M ay susuntukin siya nito kaya lumiyad siya patalikod. Sabay non ay ang pag talon ni Elis paitaas at pagbaba sa likod ni Mr. M. Masayadong mabilis at tahimik ang pagkakagawa ni Elis ng sweet-round-attack niya kaya di namalayan ni Mr. M na nasa likod niya si Elis. Nanatiling tahimik si Elis. Pati natrin ang mga nanunuod. Napalinga nalamang si M sa likod niya at kasabay noon ay ang pagsuntok sa kaniya ni Elis sa mukha na dahilan ng pagkatulog niya.

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon