Chapter 2

733 17 7
                                    

"Mission accomplish" saad ni Coral Snake pag labas niya ng hotel. Dumaan siya sa may balkonahe nito para hindi mahalata na sya ang may gawa ng karumal dumal na krimen kay San Lazaro sa oras na malaman nila ang nangyari. Buti na lamang at sound proof ang kwarto kaya lahat ng kalabog o ingay na magagawa ay di rinig sa labas.

Sumakay na siya ng kanilang sasakyan. Bakas pa rin ang mga dugo sa kanyang puting bestida gawa ng pagsabog ng ulo ni San Lazaro nang barilin niya ito. Ngumisi ang mga ka-myembro niyang BDG (Black Snow of Death) ng makita ang itsura ng dalaga. 

Name: Black Snow of Death

Leader: Coral Snake (Also known as Black Venom)

Composed of six members: Taipan - he is the one accepting or refusing the missions sent to them. Rattlesnake - he's the one encharged  in keeping the moneys they recieve from their missions or whenever they win a battle. Viper - he invents some gadgets that they may use in their mission. Blue Krait - she's expert in hacking devices. Death Adder - he's the doctor in the group. Black Mamba - she is the second in command of Coral Snake.

Their mortal enemy: Sweet Empire Gang

Others: They are all not a pure Filipinos but they could speak in this language fluently. They treat each other as a family, inside or outside the mission. They are known as the weakest students inside the school for they are letting  others bully them 'cause of their appearance (NERDS).

Nang makauwi sila sa kanilang condo ay dire-diretso silang pumunta sa kani-kanilang kwarto dahil sa pagod. Hindi man halata ngunit lahat sila ay may ginawa sa misyong ito. Pag pasok na pag pasok ng dalaga sa kanyang kwarto ay kumuha agad siya ng damit. Itinabi niya ito panandalian at hinubad ang white gown na ginamit nyia kanina sa misyon. Doon tumambad sa kanya ang kanyang tattoo. Ito ay letrang "B" na kulay itim na parang pinulupot ng ahas. Ngunit ang ahas na ito ay nakapalupot simula leeg hanggang dulo ng balakang. Ang ulo nito ay nasa pinaka leeg niya. Naitatago niya ito sa pag lalagay ng isang skin tone na damit na turtle neck. Pati ang kanyang mga kamyembro ay may ganitong tattoo. Ang pinag kaiba lang ay ang ahas at letrang nakalagay dito. Ang bawat letrang naka lagay sa likod nila ay ang letrang sinisimulan ng codename nila. (B-Black Venom) Napa buntong hininga na lamang siya at pumasok na sa banyo.

**

KINABUKASAN

DARK ELIS BROWN

*krrrrrriiiinnnnnngggg* *kkkkkkrrrrrriiiinnnngggg* *BOGSH*

Umagang-umaga nabbwisit ako. Tsss. Oo nga pala, may pasok ako. Third year College BS Business Administration. Actually graduate na ko ng college sa Japan, kaso kulang pa ang kaalaman ko tungkol sa Business kaya umuwi akong Pilipinas para mag aral ulit. Nag advance ako hanggang third year. Bale, third year college o last year ako nag transfer sa school nato, which is MY property. 

Actually, walang may alam na ako ang may ari ng school nito. Ang alam nila, Elis Brown lang ang pangalan ng school nato. Masyado silang tanga para di mahalata ang pangalan ko. Bumangon na ako sa queen size bed ko at pumunta na sa cr. Nag quick shower lang ako at lumabas na. Pumunta ako sa walk-in closet ko at kinuha ang uniform ko. Ang uniform ng Brown Crown University. (Ang Brown Crown ay mayroong elem, high school, at college. Hindi lang academics ang tinuturo dito. Maging mixed martial arts at gun shooting. Kaya hwag ka nang mag taka kung bakit may mga basagulero. PERO, isang malaking PERO, lahat ng estudyante sa school nato ay mayayaman at matatalino. Mga estudyanteng puro 90% pataas ang average lamang ang tinatanggap dito maging sa Elem at Highschool.) Bago ako mag bihis ay kinuha ko na muna ang skin tone turtle neck kong damit, hindi naman kasi 'to manipis kaya natatakpan padin ang tattoo ko; at sinuot. Tapos ay sinuot ko na ang uniform ko at shoes. Nagsuklay ako at bumaba na.

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon