Chapter 1

992 27 10
                                    

"Prepare everything you need. Blue Krait, bantayan mo ang security ng location." sabi ni Black Venom.

"Copy" sagot naman ni Blue Krait

Binilisan pa ni Black Venom ang pag papatakbo ng kanyang sasakyan upang hindi mahuli sa pupuntahan.

Nang sy'ay makarating, agad niyang inihinto ang sasakyan at dumeretso na sa entrance ng hotel. Binigay niya ang invitation card sa guard, tanda na siya'y imbitado. Nang makapasok siya, ay hinanap na niya agad ang kanilang target.

Gio San Lazaro, bilang na ang oras mo. Sabay ng kanyang pag ngisi nang makita niya ang hinahanap.

Nilapitan niya ang lalaki at nag kunwaring na bunggo niya ito ng di sinasadya, dahilan upang matapon ang hawak nitong wine sa kanyang white tuxedo. 

"Sorry! Sorry po! Di ko po sinasadya sir! Sorry! Sorry!" ani Black Venom habang pinupunasan ang wihte tuxedo ng lalaki. Napatiim bagang naman si Mr. Lazaro dahil sa nangyari sa kanyang damit. Handa na sana siyang sampalin ang babae ng maalala niyang maraming media sa paligid 

"Tsss. Stay away ugly duck! -- The fuck happened to my favorite tux!" Sabi nito ng nag ngingitngit. Napangisi ng palihim si BV dahil sa nakitang itsura ng lalaki.

"Sorry po talaga si Sir!" muling sambit nito at inulit ang pagpunas sa tuxedo ng lalaki. Ayaw na sanang patulan ni San Lazaro ang babae pero sinasagad ang pasensya niya. Ayaw niyang kinukulit siya lalo na't mainit ang ulo niya. Kaya tinulak niya ang babae. Napa-upo na lamang si BV.

Sulitin mo na San Lazaro. Dahil lintik lang ang walang ganti. Sambit ng dalaga sa isip niya.

Dumating ang secretary ni San Lazaro at sinamahan siya nitong bumalik sa suit niya upang bumalik. Napangiting tagumpay naman si BV dahil napakagat niya ito sa pa-in. Nang maka sakay na si San Lazaro at ang sekretarya nito sa elevator ay tinungo nya ang daan patungo sa hagdanan. Inakyat niya ito hanggang 21st floor. Kahit pagod sa pag akyat ay nagawa parin niyang tumakbo papunta sa suit ni San Lazaro.

"Hide. Papalabas na ang secretary niya" sabi naman ni Black Mamba gamit ang inimbentong gadget ni Viper. Umungol na lamang si BV at nag tago. Nang marinig niyang may bumukas na pinto ay agad siyang lumabas ng pinag tataguan at tumakbo papunta sa sekretarya ni San Lazaro sabay pilipit ng leeg nito dahilan upang mawalan ng hininga.

Pumasok siya sa suit ni San Lazaro at narinig at nakita niyang may kausap ito sa telepono. Nag tago siya sa likodng sofa at nakinig.

"Really? Then that would be great kung nandito nga syia.--Planning to kill me?Then she's stupid para hindi malaman ang kinakalaban niya--HAHA. Ahuh! Right. Uunahan ko siya.--Oh sure. Sige hintayin kita sa ground floor okay?--Sige bye."

Natapos ang pakikipag usap nito ngunit hindi parin lumalabas si BV mula sa pinagtataguan. Nakiramdams siya sa paligid dahil biglang tumahimik. Napapikit na lamang siya bigla ng may maramdaman siyang malamig sa kanyang sentido.

"Huh! What are you doing here you ugly duck!" masamang nakatinging sabi ni San Lazaro kay BV. Hindi niya makilala ang babae sapagkat ito'y naka maskara hanggang ilong. Ngumisi naman si BV at agad hinablot ni BV ang baril na hawak ni San Lazaro sabay pilipit ng kamay nito. Napa ungol sa  sakit si San Lazaro.

"Uunahan pala ha?" sabi nito at muling ngumisi.

"Bitawan moko ugly duck!" kanina pa naiinis si BV sa tawag ni San Lazaro sa kanya. At dahil sa inis ay sinuntok nya ito sa tyan ng pagkalakas-lakas dahilan upang ito'y mapasuka ng dugo.

"Anong kaylangan mo sakin? Pakawalan mo nako! Bibigay ko sayo lahat ng pera ko!"

"Talaga? Lahat?" ngumisi muli si BV. Na-realize naman ni San Lazaro ang kanyang  sinabi.

"H-hindi. I-ibig ko s-sabi-" Hindi na pinatuloy ni BV ang dapat sasabihin ni San Lazaro  dahil agad niya itong sinipa kaya bumagsak ito sa sahig. Tumayo muli si San Lazaro upang subukang lumaban kahit na halos mamilipit siya sa sakit ng katawan. Sinuntok ni San Lazaro si BV ngunit nasapo niya ang kamao nito at muling pinilipit pa kanan.

"AAAAHHH" Impit na sigaw ng lalaki sa sakit. Buong pwersang pinaikot ni BV si San Lazaro sa ere sabay balibag kung saan.

"AAAAAHHHH! DEMONYO KA! SINO KA BA?!" sigaw ni San Lazaro habang gumugulong-gulong sa sakit.

"Alam kong demonyo ako San Lazaro. At hwag mo nang alamin kung sino ko. Mamamatay ka rin naman" sabay ngisi ng dalaga. Kinuha niya ang maliit na baril na nakalagay sa itaas ng hita niya at itinutok nito sa noo ng lalaki.

"Bonvenon al infero Gio San Lazaro *smirk*"

BANG!!

---

Ayan naaaaaa! Hihihi :"> Sana na-enjoy nyo kahit maiksi ang chapter one. Behehehe.

Black Snow (Fire in Disguise) [EDITING/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon